SEVEN

811 19 3
                                    

LAURA'S POV

"Ang ganda-ganda mo, Anak," sabi ni mama sa akin.

"Thank you, Ma," tipid na sagot ko sa kanya.

Patuloy pa rin akong inaayusan ng stylist ko. Bago ako muling tumingin sa salamin. Kita ko ang mga mata kong namumugto pa dahil sa pag-iyak ko kagabi. Muling bumalik ang lahat ng narinig ko kagabi. Para bang paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga sinabi ni Lourelie.

"Ayos kaa laang ba, Anak?" tanong ni Mama.

Tumingin ako sa kaniya bago ngumiti ng pilit. Ayokong mag-alaala sila sa akin. Malaki na ko, kaya ko nang alagaan dapat ang sarili ko. Muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Tama ba tong gagawin ko? Tama ba na ituloy ko pa ang kasal?

"Anak? Halika na?" tanong ni Mama na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Ngumiti lang ako baago tumayo. Pumasok kami ng bridal car. Hindi ko mapigilang hindi kabahan habang papalapit kami ng church. Lalong lumalakas aang kabog ang dibdib ko.

Ilang minuto kaming tahimik, nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tinatahak namin ang papuntang church.
Maya-maya lang ay huminto ang kotse. Kaya naman nagtaka ako. Sumilip ako sa labas ng kotse.

"Kuya anong nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ko sa kaniya.

"Ma'am, pasensya na po. Hindi ko agad nakita yung kotse muntik na tayong mabangga," sabi niya na ikinakaba ko. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya di ko napansin na muntik na kaming mabangga.

Akmang bababa na ako ng pigilan ako ng driver.

"Ma'am ako na po ang kakausap," sabi ng driver. Pero dahil makulit ako, bumaba pa rin ako para i-check ng nangyari.

''Sir, pasensya na po hindi ko po kayo napansin," sabi ng driver ko.

"Be careful next time. Nang wala kang naaabalang tao," sabi niya bago pumasok sa kotse.

"Nag-sorry siya, instead na ikaw dapat ang gumawa non. Is'nt that enough?" sabi ko sa kanya. Nakita kong tumigil naman siya at muling tumingin sa akin.

Masyado siyang mayabang.

"Why would I need to sorry?" seryosong tanong ng mayabang na lalaki na yon.

"Ikaw ang may mali, bigla kang lumiko without any sign," mataray na tanong ko.

"You wasted my time," sabi niya bago muling pumasok ng kotse.

Bwesit! Ang yabang niya! Ganiyan ba kapag tumatanda na?

"Maam sorry po kung napaaaway pa kayo dahil sa akin," sabi niya.

Hindi na ako kumibo pa at pumasok na ng kotse. Mas dumagdag pa ang stress ko.

Ilang minuto lang nang makarating kami sa church. Tahimik ang labas habang may mga guard sa labas ng pinto. Mas lalo akog kinabahan ng lumaba ako ng bridal car. Agad naman akong sinalubong ni Mama at Papa.

Hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Paraang hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Para pa rrin akong naakalutang sa ere di ko alam kung tama ba tong gagawin ko.

JULES' POV

"Dad? ARe you okay?" my daughter asked me. Tumingin ako sa kaniya bago ibinaba ang basong hawak ko.

"Yees, II guess?" hindi siguradong sagot ko sa kanniya.

It's about to time to tell her everything that I encounter. I knoow she will surely understand our situation. My situation. Malaki na siya.

THE SECOND WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon