LAURA'S POV
"Oh my gee! Are you serious, Mars?! Magpapakasal ka talaga sa lalaking yon?" gulat na tanong ni Bea sa akin habang hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya.
Nadulas kasi ako at nasabi ko na nakita kong naghahalikan ang kapatid at fiancé ko.
"I love him, that's why I forgive him," sabi ko sa kaniya.
"But, Mars! Ano ganon-ganon na lang yon? Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang ang kutob ko diyan sa Lourelie na yan eh! Mukha pa lang may hindi na magandang gagawin!" sabi niya pa na animo'y na-stress sa sinabi ko.
"Anong gagawin ko? Ayoko naman malaman nila Mama at Papa ang lahat ng nangyari. Isa pa nag-sorry na rin si Lou," sabi ko pa. Hindi ko alam bakit ko sila pinagtatanggol.
"Teka lang, Laura ha? Aba'y kailan ka pa naging ganiyan sa pag-ibig? Maganda ka, matalino, sexy! And Im sure na maraming nagkakagusto sayo na better than him!" naiinis na sabi ni Beatrice.
"And Im sure that's not easy. I love him, what did you expect?" sagot ko sa kaniya.
"Yung totoo? May sakit ka ba? Bakit ba ganiyan ka? Hindi ka naman ganiyan dati ha? Bakit ba ang rupok mo ngayon?" nagtatakang tanong niya at hinawakan pa ang leeg ko.
"Sira ka talaga, ganito ako kasi mahal ko siya. Maiintindihan mo rin ako pag nagmahal ka na ng totoo," sabi ko sa kaniya.
"Hey! Excuse me! Anong tawag mo sa boyfriend ko? Lokohan lang?" mataray na tanong niya.
"Ay may boyfriend ka naman pala, bakit ang bitter mo?" tanong ko sa kaniya.
"Im not bitter, Im just concerned about you! Sinasaktan ka nila! Tapos hinahayaan mo lang! What did you expect? Na matutuwa ako?" sabi niya. Na-touch naman ako sa sinabi niya.
She concerned about me. Especially to my feelings. She always asking me if Im okay. Everytime that Im alone and she knows that Liam and I in a quarrel.
"Aww, you're so sweet! Kaya love kita eh!" sabi ko sa kaniya at niyakap siya.
"Of course! If you don't love yourself, then Im the one who love you," sabi niya na sobrang nakapagpagaan ng dibdib ko.
"Kaya always remember! No one will hurt you! Makakatikim talaga sila ng sampal ko!" matapang ma sabi ni Bea kaya natawa ako sa sinabi niya.
"Especially to your bitch sister! Naku! Nanggigil ako sa kaniya!" sabi niya pa at halatang nanggigil pa.
"Just calm down, kakausapin ko sila mamaya. It's time to talk about it."
Huminga ako ng malalim, dahil sa totoo lang hindi ko alam ang mangyayari after this. Malapit na ang kasal at kailangang maayos na namin to.
*****
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng bumaba ako ng kotse ko. Inaasahan ko namang andito si Lourelie. Pero bakit kakaiba ang kaba ko ngayon?Lumakad ako papasok ng cofee shop. As I expected, wala sila dito. At mukhang alam ko na kung saan sila makikita.
Pumasok ako sa pinakadulo ng cofee shop. At sa may garden, may narinig akong nag-uusap. Madilim na kaya naman mas lalo akong kinabahan ng marinig ang mga boses nila
Kaya naman tuluyan akong lumapit kung asan sila. Kilala ko ang boses ng Fiancè ko lalo na ng kapatid ko.
"Nababaliw ka na ba, Lourelie?! Ano na lang ang sasabihin ng ate mo? At ng pamilya natin?" rinig kong sigaw ni Liam habang kausap ang kapatid ko.
"Then what, Liam? Ganon-ganon nalang ang lahat? Wala ka man lang gagawin para sa akin?" sabi ni Lou na halatang hindi nag-iisip.
"Lourelie! Walang tayo! At kailanman hindi magiging tayo! Just stop this shit!" sigaw ni Liam sa kaniya.
"Laura needs to know about this," matapang na sabi ni Lourelie.
BINABASA MO ANG
THE SECOND WIFE (COMPLETED)
RomansaDisente, matalino at mapagmahal. Gagawin ang lahat para sa taong minamahal. Iyan si Laura. Ang babaeng umibig sa lalaking hiwalay sa asawa at may fifteen years na tanda sa kaniya. Bukod sa hiwalay sa asawa, may tatlo itong anak, na siya ang sinisisi...