LAURA'S POV
Nakauwi ako ng bahay, mabuti na lang at wala si mama at papa dito. Hindi nila ako tatanungin at kukulitin kung bakit ako naiyak.
Gusto ko lang mapag-isa sa ngayon. Gusto kong makapag-isip nang walang istorbo sa akin.
Maya-maya lang ay biglang may nag- doorbell kaya naman agad akong lumapit sa pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko iyon binuksan. Laking gulat ko ng makita ko si Liam na nakangiti habang may dalang flowers.
Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kanina. Kung paano sila maghalikan ni Lourelie kanina.
Pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Mabilis akong umiwas sa kaniya bago umatras.
"Mahal, may problema ba?" tanong niya sa akin na para bang nakahalata na sa kinikilos ko.
"Nothing," malamig na tugon ko sa kaniya bago ako umiwas ng tingin.
"Mahal, sorry. Kung ano man yang nagpapagulo sa isip mo, sorry," sabi niya ulit at niyakap ako patalikod. Bago niya ako hinalikan sa balikat ko.
Ito ang ayoko sa lahat, dahil alam kong marupok ako pagdating kay Liam. Madali ako maka-move on dahil mahal ko siya. Pero paano ko masasabi ang lahat? Paano ko maririnig ang side niya kung hindi ako magsasalita ngayon?
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya. Tumingin ako ng seryoso sa mga mata niya. Nakita kong nagulat siya ng makita ako.
"May dapat ka bang sabihin sa akin?" tanong ko sa kaniya bago ako muling huminga ng malalim.
"About what, mahal?" tanong niya na tila naguguluhan sa sinasabi ko.
Napangiti ako, so wala siyang alam? Hindi niya nga ako nakita kanina habang kahalikan niya si Lou.
"Mal, may problema ba?" tanong niya sa akin. Hindi ako umimik. Dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko siyang sampalin. Pero hindi ko magawa.
"May dapat ba akong malaman?" muli kong tanong na mas lalong nakagulo sa isip niya.
"W-wala, ano ba ang problema?" naguguluhang tanong niya ulit.
"Nothing..." sabi ko na lang bago ako umupo. Maybe si Lou na lang ang kokomprontahin ko about this. I need to know everything between them.
They can't do this shit to me. I don't want to judge them. But I need to know everything. Sisiguraduhin kong malalaman ko ang lahat ng namamagitan sa kanila.
"Mahal, malapit na ang kasal natin, oh? Mag-aaway pa ba tayo?" tanong niya sa akin at muli akong niyakap.
Muli kong naalala ang kasal namin. Its two weeks from now. And we need to fix it as soon as possible.
Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang patawarin o sabihin sa kaniya ang nakita ko. Ayokong dumating sa point na maghiwalay kami kung kailan malapit na ang kasal.
Pero hindi ko naman pwedeng palagpasin ang lahat ng iyon. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.
"I saw you, kissing a girl," sabi ko. Nakita ko namang natigilan si Liam sa sinabi ko. Seryoso akong tumingin sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.
"M-mahal–"
"Kailan mo pa ko niloloko?" seryosong tanong ko sa kaniya.
"Mahal, magpapaliwanag ako. She kissed me, so I pushed her away," sabi niya at bigla akong niyakap.
Ipinikit ko ang mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Malapit na ang kasal namin. At ayokong masira iyon, because I love him so much.
"Mahal, I love you. Ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba. Mali lang iyong nakita mo," sabi niya at tumingin sa mga mata ko.
"So bakit nga kayo naghahalikan?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Mahal, ikaw ang hinihintay ko. Pero nagulat ako ng andon siya, then she kissed me," sabi niya pa.
"Then ginusto mo naman?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Of course not! I love you, and I will marry you," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Bigla kong nakita ako singsing na suot ko.
Bakit ba ganito? Bakit naniniwala ako sa kaniya? Na hinalikan talaga siya ni Lou?
"Im home!" Natigilan si Liam ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako lumingon sa pinto. Pero ramdam ko ang pagkagulat ni Lou.
"Oh, Kuya Liam! Hi, Lau!" sigaw ni Lou bago lumapit sa akin at bumeso. Tinignan ko lang siya ng seryoso.
Bigla akong natakot. Ayokong sabihin sa kaniya. Bakit biglang nagbago ang plano ko? Kung kailan andito na silang dalawa?
"May problema ba, Lau?" tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.
"Kailan pa kayo nagtatago sa akin ni Liam?" diretsong tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya.
"W-what?" naguguluhang tanong niya.
"Wag na kayo mag-deny! I saw the both of you! Kissing each other! So tell me, when did you hide it? How long?!" sigaw ko.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko ineexpect ang mismong kapatid ko a ang kaagaw ko sa lalaking mahal ko.
"Laura, just calm down–"
"Calm down? Did you heard yourself, Lourelie? You kissed my fiance, then did you expect me to calm? What's stupid are you? Huh?" seryosong sabi ko sa kaniya.
"Laura, let me explain–"
"Just answer me! When did you hide this shit?!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
"I-Im sorry, Lau. Im sorry..."
Natigilan ako sa sinabi ni Lou. So she admit it? Na may relasyon sila ni Liam? Tumawa ako ng mapakla.
"So meron nga?" seryosong tanong ko sa kanila.
"Lourelie!" masama siyang tinignan ni Liam.
"What's happening here?" Agad akong napalingon ng dunating sila mama. Hindi nila pwedeng malaman to. Dahil alam kong lalo lang lala.
Maybe I need to think about it. Also talk to them too. But for now, I need to be calm.
But how? Kung ganito? Kung alam kong may tinatago sila sa akin?
Hindi ko rin maiwasang hindi masaktan. Especially nang makita ko silang dalawa kanina. Parang nakita ko ang lahat ng nangyari sa parking lot.
Sobrang nanghihina ako ngayon. Gusto kong umiyak nang umiyak pero hindi pwede dahil ayokong mag-alala sila mama at papa sa akin. They dont need to know about them. Ayoko ring masira si Lourelie sa kanila.
Hindi naman ako nagkulang kay Liam. Binigay ko naman ang pagmamahal na alam ko. Pero bakit ganon?
Iniyak ko na lang ang lahat sa unan na nasa tabi. I want to be alone right now.
BINABASA MO ANG
THE SECOND WIFE (COMPLETED)
RomanceDisente, matalino at mapagmahal. Gagawin ang lahat para sa taong minamahal. Iyan si Laura. Ang babaeng umibig sa lalaking hiwalay sa asawa at may fifteen years na tanda sa kaniya. Bukod sa hiwalay sa asawa, may tatlo itong anak, na siya ang sinisisi...