GRAY AUSVEN
"Wake up Gray"agad naman akong napadilat at napabangon
Teka!..nakatulog ba ako sa kwarto ni Van?
Patay baka magalit sakin yun!..
Kinusot kusot ko muna ang mata ko at nagulat naman ako ng makita ko si Van na nakatayo habang nakacrossed arms na nakatingin sakin
"P-pasensya na kung dito ako nakatulog"sabi ko sa kanya at umalis na sa kama
"Its fine anyway I'll cancel my meetings for today para makasama ako sayo sa birthday ni papa"i smiled and nod
"Teka magluluto muna ako para makapagalmusal na tayo"lumabas na ako ng kwarto nya at nagmamadaling bumaba
Hindi pa pala ako nagpapalit dahil nakatulog nga pala ako sa kwarto ni Van
Agad kong kinuha ang apron at sinuot pagdating ko sa kusina
Nagsangag ako ng kanin na tira kagabi at ininit ko yung ulam na tira din
Inihain ko na ito sa lamesa pagkatapos at saka naman ako umakyat sa kwarto ko ng makaligo na ako
Ang lagkit ko na dahil sa pawis
After 20 minutes ay natapos na akong maligo.kinuha ko lang sa closet ko ay ang grey long sleeve na may red polca dots
Favorite ko kasi ang long sleeve
Hindi naman ako maitim actually maputi nga ako pero mas trip ko lang itago ang balat ko dahil hindi talaga ako fan ng mga sleeveless shirt
Pinair ko ang long sleeve sa jeans at grey rubber shoes
Minemake sure ko na hindi fitted jeans ang type ng jeans na sinusuot ko kasi last time na nagsuot ako non ay bumakat yung
Alam nyo na kung ano ang tinutukoy ko
Nilugay ko nalang ang buhok ko at bumaba na ako pagkatapos
Saktong nakita kong nakaupo na si Van sa baba
Nagtimpla muna ako ng kape para sakin at gatas para kay Van
"Let's eat"nginitian ko naman sya at inilapag sa harap nya yung gatas
"Are you sure sasama ka sakin sa bahay?..i mean baka kasi napipilitan ka lang but dont worry maiintindihan naman nila iyon"baka kasi napipilitan lang sya
Kahit naman gusto kong sumama sya sakin doon ay kung napilitan lang sya ay mas pipiliin ko nalang na hindi sya sumama
Baka kasi hindi rin sya magenjoy doon lalo pa at dadalo din doon ang mga pinsan kong makukulit
"Why?..hindi ba ako pwedeng sumama?"she asked
Napakamot nalang ako sa kilay ko at umiling
"Baka kasi napipilitan ka lang"sabi ko
"No im not"tumango nalang ako at kumain nalang
Sana talaga magpatuloy na ito
Akala ko talaga panaginip lahat nung nangyari kahapon
I cant believe it
Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala sya
She's wearing this off shoulder dress na sakto lang sa baby bump nya
Bagay na bagay sa kanya
Mukha talaga syang dyosa
Agad akong nagbaba ng tingin ng maramdaman nyang kanina pa ako nakamasid sa kanya
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: VIANNA ELMOND
RandomGRAY AUSVEN isang general surgeon sa kanyang sariling hospital.isang kalmado,mabait,at mapagmahal at higit sa lahat isa syang intersex.kahit maraming nagkakagusto sa kanya ay di nya ito ineentertain dahil sa edad na 23 ay nakafocus lang sya sa kanya...