GRAY AUSVEN
~~~3 YEARS LATER~~~
"Gray ano bang pumasok sa kokote mo at ilang taon kang nanirahan dyan sa LA?.di ko na kayang pagtakpan ang lahat,alam mong malalaman at malalaman din ito ni Via"
Nalayo ko nalang sa tenga ko ang phone ko ng singhalan ako ni lauren.yeah!.3 taon na rin ang lumipas at napagdesisyunan kong manirahan na dito sa LA ng mahigit 2 taon
Di ko kayang makita si Van na kasama si brodley kaya nagdesisyon ako para na rin sa anak namin.tawagin nyo akong selfish pero gusto ko ring sumaya sya..
"Wag ka nalang magsalita para walang problema.magsesend ako sayo ng mga litrato at video ni Gia at ikaw ng bahalang magbigay sa kanya.."
Mahirap magmove on pero kinaya ko.iniwan ko ang skyver kay louise pansamantala at nagfocus ako sa pinatayo kong branch dito sa LA
I can tell na umahon na rin ako sa lahat ng sakit at masasabi ko rin na,nakamove on na rin ako sa kanya.its been a years,makakahanap rin ako ng babaeng para sakin
"Aish!.. your digging your own grave gray.alam mo kung anong mangyayari kapag nalaman nya na,na 2 taon mo na syang niloloko..hindi mo pa alam kung paano magalit ang pinsan ko"napailing nalang ako sa sinabi ni lauren
"Just shut your mouth up lauren at walang makakaalam.masaya na ako dito at ganon din sya sa pilipinas kaya kung may panghahawakan man sya,yun yung anak namin at wala na sakin"tugon ko
"Wala kang alam gray kaya wag ka munang manghusga base sa kung ano man ang nakita mo years ago.basta pinapaalalahanan lang kita gray,darating ang araw na malalaman nya.wag mo ng hintayin na sa iba pa nya malaman"napabuntong hininga nalang ako
"Yeah.anyway, I'll go ahead na.may mga gagawin pa ko ditong importante"she just say bye before we decided to end our conversation
Napahilot nalang ako sa sentido ko.bakit feeling ko nakatali pa rin ako sa nakaraan ko?.nakamove on na ako pero sana naman,ganon din sila..ayaw ko ng bumalik ang nakaraan
"Headache?..sabi ko naman kasi sayo magpahinga ka na eh"biglang may dumamping mainit na palad sa noo ko at marahang hinilot iyon
"Hmm..tumawag si lauren at alam mong busy din ako these past few days sa hospital"naamoy ko na agad ang amoy rosas nyang pabango
"Kumain ka na ba?.ipaghahanda kita at ng makapagpahinga ka na rin"napakamaalaga talaga nito.
"Actually naglunch na ako sa skyver kanina kaya no need na.ikaw ang magpahinga na,dalawang bata ang inaalagaan mo at alam kong pagod ka na"pinulupot nya ang mga braso nya sa leeg ko at pinatong ang baba nya sa balikat ko
"Gutom na nga ako actually.pinatulog ko kasi muna yung dalawa eh at naglinis din ako ng bahay"napangiti naman ako.akalain mo yon,laki sa luho pero marunong naman palang maglinis ng bahay at marunong din sa gawaing bahay.ayaw nya pa nga na kumuha kami ng kasambahay kasi sya nalang daw
"Tara sa kitchen,ipagluluto kita ng favorite mo"tumayo na ako at niloose ang necktie ko
"What?.pagod ka at di mo naman kami res-"
"Hayaan mo ko irish.gusto kitang pagsilbihan at ituring na reyna ng bahay na ito kaya please wag mo ng sabihin na hindi ko kayo responsibilidad lalo pa na kargo ko kayo"naiiyak na yumukap sya sakin na tinugon ko naman
"Thank you gray..salamat sa lahat,di ko alam ang gagawin ko kung di mo ko pinatuloy sa bahay mo 3 years ago"hinimas ko naman ang buhok nya at hinalikan
"Deserve mong ituring na reyna at ang lahat sa mundo irish.hayaan mo kong gawin ang trabaho ko.."sinsero kong saad
"Tama na nga ang drama,nagugutom na ko eh.."kumalas na sya at nakita ko ang nakanguso nyang mukha
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: VIANNA ELMOND
RandomGRAY AUSVEN isang general surgeon sa kanyang sariling hospital.isang kalmado,mabait,at mapagmahal at higit sa lahat isa syang intersex.kahit maraming nagkakagusto sa kanya ay di nya ito ineentertain dahil sa edad na 23 ay nakafocus lang sya sa kanya...