50 years ago.
Ang mga tao ay may hinarap na digmaan laban sa mga masasamang kampon ng kadiliman.
Kadiliman na dala-dala ng isang elementong nag-ngangalang Vaesir.
Sa tulong ng mga taong nabiyayaan ng abilidad na makapag-manipula ng mga elemento, tulad ng apoy, lupa, tubig at hangin, at sa kapangyarihan ng Aether na may kontrol sa lahat ay nagawa nilang ikulong ang masamang elemento na si Vaesir para mapanatili ang balanse ng negatibo at positibong enerhiya sa mundo.
Sa pagtatagumpay nila ay nakamit nila ang kalayaan at ang tahimik na pamumuhay,
Dahil sa takot ng Aether na maulit muli ang digmaan, inutusan niya ang mga taong may espesyal na abilidad na ilihim ang kanilang kakayahan sa mga susunod na henerasyon, dahil pagkasakim ng tao sa kapangyarihan ang nagtulak para mabigyang buhay ang masamang elemento na si Vaesir.
Ngunit, sa kabilang banda ay hinayaan ng Aether na ipagpatuloy ng mga tao ang palihim na pagtuturo ng kapangyarihan sa mga taong may potensyal na makapag-manipula ng isa sa apat na elemento.
50 na taon ang lumipas at nananatili pa din ang balanse ng mundo, tahimik na pamumuhay, kalayaan, malayo sa kasamaan, ngunit hindi maiiwasan ang mga negatibong elemento na nanggagaling sa mga taong gumagawa ng kasamaan, kaya naman may mga iilan pa din na kampon ng kabutihan na nagpapanatili o nagbabantay para masiguro hindi na muli pang dadami at lalaganap ang kasamaan.
BINABASA MO ANG
The Quintessence
FantasyPositibo at Negatibong enerhiya, dapat ni isa hindi sosobra dahil kapag nangyari 'to, ang mundo ay mawawala sa balanse. Ang Aether na nagpapanatili ng balanse ng enerhiya ng mundo at ang may kontrol sa lahat, regarded as divine power. Dahil sa lumal...