V. Hydroscience

0 0 0
                                    

Kabanata V.

Calm.

Serenity.

Desire to help.

Ang mga traits na kailangan sanayin bilang isang water-user o personalidad na karapat-dapat, kung hindi mo matutunan ang mga 'to, hindi mo din mailalabas ang buong potential ng tubig.

'Yan ang sinabi ng guro namin dito sa 3rd class rank division.

Siya si Zarya, siya ang magha-handle sa'min dito at magtuturo sa amin lahat ng kailangan namin matutunan, isa lang din siyang mentor katulad ni Talia, siya ang makakasama namin hanggang sa makarating kami ng Advance Division.

Naalala 'ko yung sinabi ni Talia kagabi, na wala pa akong alam sa nature ng element 'ko, totoo naman ang sinabi niya at hindi 'ko 'yon tinatanggi, sadyang napapaisip lang ako yet natutuwa din na madami pala ako na pwede matutunan, iniisip 'ko na nandito ba talaga dapat ako sa lugar na 'to? o Kasama ko ba dapat ang pamilya 'ko at namumuhay ng Normal, at natutuwa naman ako kasi nagkaroon ako ng opportunity na mapalawak ang kakayahan 'ko.

Kasalukuyan kami nakikinig sa mga explanation na sinasabi ni Zarya, mga way kung paano mo gamitin ang tubig at kung saan mo magagamit ang tubig.

She also said na magagamit mo din ang tubig para makapang-gamot, which is nasaksihan 'ko na dati nung ginawa 'yon sakin ng magulang 'ko, pero hindi 'ko yun natutunan at hindi naituro sa'kin.

And this kind of thing? Naboboring lang ako, at inaantok kapag ganito, parang nasa school lang din ako nito.

"Now, ano nga ulit ang tawag sa absolute knowledge of water?" Huh? Meron ba ako hindi nadinig? Nakakaramdam kasi ako ng antok.

"Caspian?" Pag-tawag niya sa'kin, biglang nawala ang antok 'ko at dahan dahan ako tumayo.

"Nababasa 'ko iniisip mo sa ekspresyon ng mukha mo, is this boring to you?" Yes, but kailangan pa ipadinig sa ibang tao?

"Are you wondering why kung ba't kita ipinapahiya?" For real? Nababasa niya nga isip 'ko.

Hindi ako makapag-salita, hindi din ako makatingin ng maayos sa mga kasama 'ko.

"Yes? Cherith, right?" Pag-tawag niya sa iba?

"Hydroscience." Sagot naman nung Cherith.

Salamat sa'yo, You saved me.

Pinaupo na ako ni Zarya, nahihiya ako dahil hindi ako nakasagot, well, pinahiya naman niya na ako.

"Hindi tayo makakapag-proceed sa actual lesson, kung hindi niyo na-acquire ang Hydroscience, hindi niyo malalaman ang ibang technique sa water if wala kayong knowledge." Paliwanag niya.

Nawala naman ang antok 'ko at muling bumalik ang tenga 'ko sa pakikinig.

Patuloy niyang ipinilawinag ang Hydroscience, which is kailangan ng isang water-user para makayanan niya na matutunan ang ibang paraan ng paggamit ng tubig.

Para kang gumagawa ng isang buong libro na tungkol sa tubig at kailangan mo ma-memorize 'to lahat, that's how I'm gonna describe kung ano ang Hydroscience.

Every important detail sa pinapaliwanag niya ay isinusulat 'ko, para paulit-ulit ko 'to babasahin hanggang sa tumatak na sa isip 'ko.

Pag-sapit ng tanghali ay nag-dismiss na si Zarya.

Siguro, kailangan 'ko humingi ng paumanhin sa kanya, sa nangyari kanina.

Nilapitan 'ko siya sa table.

"Uhm, Ms. Zarya, pasensya na po pala kanina, hindi ako nakinig." Sabi 'ko.

"Okay lang 'yon, bago ka palang naman dito, pero if you want to improve, kailangan mo mag-focus lalo na sa mga basics." Sabi niya habang inaayos ang mga notebooks na dala niya.

The QuintessenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon