Kabanata IV.
Kung mamalasin nga naman ako oh, bakit dito pa ako magkakaroon ng crib?
Crib is the place that serves as a home sa lahat ng tao dito, and they call it in that term, well, maganda din naman na maiba.
Pero bakit dito?! Sa tabi pa ng crib ni Talia, of all the people na pwedeng maging katabing bahay siya pa.
I guess wala na akong choice, besides, tinulungan niya naman ako kanina sa pag-aasikaso ng exam 'ko.
Bwisit ka talaga Talia, everytime na maiinis ako sa'yo tyaka ko naman maaalala na tinulungan mo nga pala ako. Aaaarrrgghh!!!!
Well, oras na para mag-linis sa loob at ilagay sa ayos ang mga gamit 'ko.
I guess wala Tigirl (Tiger + Girl) sa crib niya, busy siguro ngayon 'yon.
Sabi niya nga pala, kontakin 'ko siya kapag tapos na ako sa exam, hmm mamaya na nga mag-aayos lang ako dito sa loob.
Okay, may TV.
Okay, May sariling Fridge, ayos ayos.
Maliit na kusina, hmm... pwede na din.
Restroom maayos din. Okay.
At ang pinaka-importante, ang higaan!
Tumalon ako sa kutson and damn! This is so nice! Sobrang lambot, ang sarap siguro matulog dito at humilata mag-hapon, hehe kala mo talaga makaka-higa buong araw.
I'm gonna say, this place is good for a pretty small space, well hindi naman ganon kaliit, kumbaga, sapat na para makakilos ka ng maayos.
Inilagay 'ko na lahat ng damit 'ko sa tamang lagayan, mga personal belongings tulad ng toothbrush, razor at iba pa, alam niyo na 'yon.
Dahil natapos ko na kailangan 'ko gawin, tatawagan 'ko na si Talia.
*ring! ring!*
*ring! ring!*
Aba, mukhang may ginagawa.
*ring! ring!*
"Oh hello Caspy, kamusta?!" Pagsagot niya sa kabilang linya.
"Nang-aasar ka ba? Tapos na 'ko sa exam and nakuha 'ko na yung result." Sabi ko naman.
"Oh talaga? Sige, ikuwento mo mamaya, balita 'ko magkatabi crib natin?" Sabi naman niya.
Binabaan ko siya bigla ng linya, obvious naman sa sinabi niya na mamaya 'ko na ikuwento, baka pumunta siya dito at dito naman manggulo sa place 'ko.
Wala naman akong gagawin dito, siguro worth it na maglakad-lakad muna sa labas, let's see if we can meet other people.
Ni-lock 'ko ang pinto gamit ang susi na ibinigay sa'kin ng isang officer na nag-hatid sa'kin dito.
May lugar ba dito na pwedeng tambayan, like kung saan tumatambay yung mga tao?
Naglakad-lakad lang ako habang pinagmamasdan ang paligid, and naisip 'ko lang na napakaganda pala talaga dito, para kang nasa probinsya, sariwang-sariwa ang hangin at puro tunog ng mga ibon na palipad-lipad lang sa paligid.
Sa paglalakad 'ko ay nakarating ako sa place na I think isang park, mayroong circle bench na may tubig sa loob at sa gitna ng circle ay may statue ng sun kasama ang apat na element.
Napatitig lang ako dito, at napatanong sa sarili 'ko kung ano ibig sabihin ng sun sa gitna.
"Yan ang Quintessence or ang prime element." Bigla nalang may nagsalita sa tabi 'ko.
BINABASA MO ANG
The Quintessence
FantasyPositibo at Negatibong enerhiya, dapat ni isa hindi sosobra dahil kapag nangyari 'to, ang mundo ay mawawala sa balanse. Ang Aether na nagpapanatili ng balanse ng enerhiya ng mundo at ang may kontrol sa lahat, regarded as divine power. Dahil sa lumal...