Kabanata VI.Kasalukuyan akong naka-indian sit at sa likod 'ko ay isang lawa na hindi kalayuan sa tinutuluyan 'ko.
After ng klase, dito ako na-deretso para mag-meditate kahit dalawang oras bago ako umuwi.
Magta-tatlong linggo na ang nakalipas simula nung nagtuon ako ng pansin sa klase, mabuti nalang at may library din dito, humiram ako ng mga libro na tungkol sa elemento ng tubig at binasa 'ko 'yon kada gabi, hindi din madali dahil bukod sa makapal ang nilalaman ng libro, kailangan mo talaga maunawaan lalong-lalo na ang mga importanteng detalye, madami na din ako natutunan tungkol sa elemento 'ko, kung bakit ito nag-exist, kung anong purpose nito, kung anong paraan mo pwede gamitin, mga benefits mo kapag isa ka sa mga water-element user at mga nararapat mo na katangian at mga kaugalian.
Sa kasamaang-palad, Pinag-bawalan nila ako na hiramin at basahin ang mga libro na mas mataas ang antas, ibig sabihin kung normal na 1st year student ka, ang libro mo ay dapat naaayon sa antas mo.
Kaya naman patuloy nalang ako sa pag-memeditate at paulit-ulit 'ko pinatatakbo sa isip 'ko ang mga nabasa 'ko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng meditation ay nakadinig ako ng mga yapak na papalapit sa akin, Oo, nag-improve din ang mga senses 'ko, kaya medyo tumalas na ito.
"Ano? Kailangan lagi ka pupuntahan dito?" Sa boses niya palang, kilala ko na agad, at nawala na din ang focus ko sa pagmemeditate.
"Hindi pa ako tapos, bakit ka nang-iistorbo?" Sabi 'ko sabay dilat ng kanang mata 'ko.
"Ayoko pa umuwi, wala naman ako gagawin sa crib 'ko." Sagot niya, dinilat ko na ang dalawang mata 'ko.
"Edi matulog ka, o kaya mag-aral, baka nakakalimutan mo sa final quiz natin the day after tomorrow bago tayo mag-actual." Paliwanag 'ko, sabay tayo sa pagkaka-upo.
Yes, may final quiz pa daw bago Mag-actual lesson, at ang babagsak ay maiiwan at uulit sa umpisa, that's why pinipilit ko mag-aral para makapasa ako at makapag-patuloy.
Ay! Siya pala si Jenna, isa sa mga kasama 'ko sa klase, siya ang pinaka-energetic na nakilala 'ko sa klase, makulit din pero hindi katulad ni Talia na may pagka-mataray,
At isa pa, kaibigan pala siya ni Cherith, yung tumulong sa'kin nung hindi ako nakasagot sa tanong ni Ms. Zarya.
Nakilala 'ko si Jenna habang mag-isa ako nag-tatanghalian sa canteen ng Academy, Naki-upo siya sa harap 'ko at nagpakilala, hindi ko pala mare-realize na kaklase 'ko siya kung hindi siya nagsabi, Hahaha! Hindi naman kasi lahat ng mukha sa klase namin tinitignan 'ko, tyaka mas madalas na ako makinig sa lecture.
Pero kung ikukumpara mo siya kay Talia at Cherith, Nako, siya ang kabaligtaran ng dalawa, minsan 'pag makikita mo siya, tulala.
'Pag dating naman sa klase, siya ang pinaka-active sumagot, kahit pamali-mali.
Though I think it's a good thing about her.
"Saan ka naman pupunta? Dahil naistorbo mo na 'ko, uuwi na din ako." Sabi ko.
"Sama ko! Sama ko!" Sagot niya na may kalakasan ang boses.
"Sira, ano naman ang gagawin mo sa crib 'ko, mamaya may makakita pa sa'yo, kung ano pa isipin." Sabi ko naman.
Samantalang hindi din naman kalayuan ang crib niya sa akin.
Nagkataon na nasa iisang village ang tinutuluyan namin, and yes ulit, nakalimutan 'ko sabihin na ang mga tinutuluyan naming tirahan dito parang isang malaking Village.
"Hay! Sige, sa susunod na nga lang!" Sabi niya sabay simangot, hindi siya mapilit na tao, and I give her credit for that.
Nag-separate ways na kami at naglakad na ako pabalik ng crib, I feel a bit bad for her, siguro talagang nabobored siya sa bahay niya, I know, I know, living by myself is difficult and a bit lonely, almost 3 weeks palang pero nami-miss ko na ang mga magulang 'ko.
BINABASA MO ANG
The Quintessence
FantasyPositibo at Negatibong enerhiya, dapat ni isa hindi sosobra dahil kapag nangyari 'to, ang mundo ay mawawala sa balanse. Ang Aether na nagpapanatili ng balanse ng enerhiya ng mundo at ang may kontrol sa lahat, regarded as divine power. Dahil sa lumal...