Kabanata II.Wala akong nagawa kundi dalhin siya at isama sa bahay namin, well, I just thought na ibalik ang favor for causing her the trouble.
I really made a mistake back there, did I? Tinulungan ko lang naman yung schoolmate 'ko from being bullied by those bastards, di ko nalang talaga napigilan ang sarili 'ko kanina.
Walang may balak tumulong sa kanya sa dami nang nakakarinig at nakakakita sa ginagawa ng mga bully na 'yon, para silang mga bulag at bingi.
*sigh*
Kasalukuyan naman nakikipag-usap 'tong babae na umawat sa kanina sa mga magulang 'ko, they're talking about taking me away at ilipat ng ibang school.
At dahil na-expose na daw ako, kailangan na daw nila ako mai-isolate from the public.
Di'ba? Ilalayo nila 'ko just because sinubukan 'ko lang tumulong sa iba, ano bang mali doon?
"Caspy?" Nako naman Nay, 'wag mo 'kong tawaging caspy kapag may ibang tao.
Napatingin naman ako sa babae dahil nadinig 'kong humagikhik siya.
"Ba't ka natawa?!" Tanong 'ko.
"Wala, wala. Ang cute pala ng nickname mo." Pang-aasar naman niya.
"Caspian! Ginawa mo yung bagay na sinabi namin na hindi mo dapat gawin!" Anong problema ni Nanay, ba't bigla niya akong sinigawan?
"Nay, may sinaktang tao, anong gusto niyo na gawin 'ko magbulagbulagan? Bingibingihan? Hayaan ko yung mga bully na magpatuloy sa kalokohan nila?" Pangangatwiran 'ko naman, Bakit parang ako pa yung may pagkakamali.
"Wala kang dahilan para gamitan sila ng abilidad mo! Wala sa'yo ang desisyon para gawin 'yon! Kung gusto mo tumulong, edi sana sinumbong mo nalang sila sa mga teacher niyo o kung sino 'man na pwede niyong pagsabihan! Pero ang ginawa mo nilagay mo sa kamay mo yung desisyon." Sabi naman ng Nanay 'ko, Right, ako nga yung pinapalabas nila na mali, ako na walang ibang intensyon kung hindi tumulong.
"Anong gusto niyo sabihin? Na wala akong karapatan tumulong sa iba? 'Yun ba gusto niyo?!" Sagot 'ko, medyo tumaas 'yung boses 'ko.
Kaya naman, bigla nalang ako sinuntok ng tatay 'ko at sinabing...
"Tigil-tigilan mo na ang pangangatwiran mo Caspian ah?! Sumosobra ka na!" Sabi ng Tatay 'ko, ang sakit ng kaliwang pisngi 'ko.
Meron ba akong mali na sinabi? Maling-mali ba talaga 'yung ginawa 'ko? Sinubukan 'kong gawin yung nararapat, ang resulta ako pa ang sumama.
Bumagsak ako sa lakas ng suntok ng Tatay 'ko, pero tumayo naman ako agad.
"Wala na kaming magagawa sa'yo, hindi mo pa din naiintindihan kung ba't ka namin pinagbabawalan na ipakita ang abilidad mo." Dagdag niya, nanatili nalang ako tahimik at nakayuko.
"Papayag kami sa plano na binigay niya, ililipat ka ng school at ilalayo ka dito sa siyudad." Sabi naman ni Nanay.
So, pumayag talaga sila na ilayo ako at ilipat ng ibang lugar, parang hindi 'man lang sila nagdalawang isip para sa desisyon na 'yon.
Well, magulang 'ko sila at wala akong magagawa kundi tanggapin ang parusa nila, nakagawa ako ng pagkakamali na inakala 'kong tama, siguro nga madami pa ako kailangan malaman at matutunan tungkol sa pagiging tao at sa hindi ko pangkaraniwan na abilidad.
Sinimulan 'ko na ang pag-iimpake ng mga damit 'ko at mga kakailanganin na gamit.
Pagkatapos ko naman gawin ay lumabas na agad ako ng kwarto.
"Anak, pagpasensyahan mo na ako kung nasaktan kita, alam 'ko balang araw maiintindihan mo din kung bakit tayo nabiyayaan ng ganitong buhay." Sabi naman ng tatay 'ko sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Quintessence
FantasyPositibo at Negatibong enerhiya, dapat ni isa hindi sosobra dahil kapag nangyari 'to, ang mundo ay mawawala sa balanse. Ang Aether na nagpapanatili ng balanse ng enerhiya ng mundo at ang may kontrol sa lahat, regarded as divine power. Dahil sa lumal...