Kabanata I.Sabi ng prof. namin sa English, power is the reason why most people lose themselves; para sa'kin it makes sense, meron kasing mga tao na umaabuso ng kakayahan nila para tapak-tapakan ang iba na mas mababa sa kanila, for me that's what it means.
Siguro, having power gives us the privilege sometimes, 'yan naman ang positive para sa'kin.
Ayokong-ayoko makakakita ng mga taong nang-iinsulto, nananakit o ano 'man ng ibang tao, dahil isa lang din naman ako na mababang type ng tao, may kaya, pero hindi ganoon kadami ang choice.
May feeling ako minsan na gusto kong tumulong pero wala akong magawa, and that's what pisses me off sometimes, kaya minsan wala akong choice kundi baliwalain nalang, lalo na sa school na 'to na madaming bully, although hindi nangyayari sa'kin, madami lang ako nasasaksihan.
May kilala akong isang grupo ng kolehiyo dito na nangbu-bully ng mga highschool students, minsan ko na sila naka-encounter at so far, pagbabanta palang ang ginawa nila sa'kin.
2nd year college na 'ko at ang kurso 'ko ay HRM major in Culinary arts. Mahilig ako magluto and that's how I express my feeling din, hindi ako marunong ng ganoon.
I'm stubborn and very hot-tempered minsan, pero may dahilan naman ako.
Ako nga pala si Caspian, Caspian Montefalco at 18 years old.
At kung hindi niyo alam isa akong elemental user pero innate element, ibig sabihin minana 'ko lang mula sa mga magulang 'ko na mga elemental user din.
At sa apat na elemento, tubig ang kaya 'kong manipulahin, dahil nga sa magulang 'ko na mga user din ng water element.
Sinabi nila sa'kin na huwag na huwag 'ko sasabihin sa ibang tao ang tungkol dito sa kadahilanang; baka mabunyag ang pagkakakilanlan 'ko, kung sino mga magulang 'ko at baka katakutan ako ng ibang tao dahil sa hindi ko pangkaraniwan na abilidad.
'Yun lang ang pinaliwanag nila sa'kin at hindi na ako muli pa binigyan ng ibang impormasyon.
Hindi ko din alam kung ba't ako may ganitong kakayahan, hindi naman sinabi ng mga magulang 'ko, isipin ko nalang daw bilang isang regalo na ibinigay sa'kin.
Maliit pa ako nung una 'kong nalaman na may abilidad akong ganito, nung 7 years old hilig 'ko ang paglalaro ng tubig, kaya everytime na maliligo, tuwang tuwa ako. Tapos diba, kapag nakakanood tayo ng mga tv shows minsan ginagaya natin yung mga moves?
Isang beses habang naliligo ako, may ginaya 'kong galaw mula sa napanood 'ko, ang nangyari kasi doon ay nag-eensayo yung character na ma-kontrol yung tubig, nung ginaya 'ko yung movement ng kamay niya, nagulat nalang ako nang sumabay yung tubig sa timba sa galaw ng kamay 'ko, hindi pa ako makapaniwala at hinila ko pa yung tubig papalapit sa'kin at bumuo ako ng isang sphere.
Pinaalam 'ko naman agad sa mga magulang 'ko at sinabi ang buong nangyari, doon na nila sinabi sa'kin kung bakit nangyari 'yun.
Simula noong mangyari 'yun, sa bahay 'ko nalang ginagamit ang kakayahan 'ko, minsan pa nga ay tinuturuan pa ako ng mga magulang 'ko kung paano gamitin ng maayos.
Ngayon kaya naiinis ako sa sinabi 'ko na 'pero wala akong magawa' kapag gusto ko tumulong sa iba, yung pagtatago 'ko sa abilidad 'ko ang tinutukoy 'ko, ito ang dahilan.
Ngayon naman ay nasa school ako at kaka-dismiss lang ng klase namin, yes, oras na ng uwian, sa wakas! Hahaha!
Pag labas 'ko ng classroom ay bigla nalang dumaan sa harap 'ko yung sinasabi 'ko na grupo ng bully.
BINABASA MO ANG
The Quintessence
FantasyPositibo at Negatibong enerhiya, dapat ni isa hindi sosobra dahil kapag nangyari 'to, ang mundo ay mawawala sa balanse. Ang Aether na nagpapanatili ng balanse ng enerhiya ng mundo at ang may kontrol sa lahat, regarded as divine power. Dahil sa lumal...