III. Rank Evaluation

0 0 0
                                    

Kabanata III.

Nagpalipas ako ng gabi sa place ni Talia, wala pa naman kasi akong sarili 'kong room dahil hindi pa ako member ng Academy, kaya nag-insist muna siya na sa place niya ako mag-palipas ng gabi.

Binigyan niya na din ako ng mga ideas kung ano ang mga gagawin sa entrance exams.

Ang sabi niya iba-iba daw ang examination ng bawat elements, pero sinabi niya pa din yung ginawa niya sa exam niya nung una siyang pumasok dito, para may idea din daw ako kahit papaano.

"Unang-una kukuha ka ng written exam, kung tama ako tutungkol 'yan sa kung gaano kadami ang nalalaman mo tungkol sa element mo. Pagkatapos ay ide-demonstrate mo ang element mo, kung gaano mo nagagamay ang element mo at kung ano ang nagagawa mo gamit ang element mo. Ang ginawa 'ko noon, ipinakita ko lang kung ano at saan ang purpose ng element ko, basta natandaan mo 'tong mga sinabi 'ko, magagawa mo 'yan, nagawa mo nga sa tao kahapon di'ba?"

'Yan ang pinaliwanag niya sa'kin kagabi tungkol sa magiging exam.

Di'ba may pambabara na naman sa dulo, sinabi pang ginawa ko sa ibang tao, nakakainis talaga.

Teka, bakit hindi pa gising si Talia? Hindi pa nalabas ng kwarto niya eh.

Kagigising-gising ko lang din, 7 a.m na pala.

Tumayo na ako dumeretso na sa lababo para magmumog.

Habang nagmumumog naman ako, biglang lumabas si Talia mula sa wall ng kwarto niya. Napabuga ako ng malakas sa lababo.

"Umagang-umaga nanggugulat ka." Sabi ko sa kanya, "May pinto naman kwarto mo di'ba?" Dagdag 'ko.

"Tinatamad ako sa umaga, yung pinto ko nasa kabila pa, itong pader butasan 'ko lang nandito na 'ko sa lababo." Nawala sa isip ko na kahit may mga kakaibang abilidad kami, hindi mawawala ang pagiging tamad.

Okay, I'll giver her that.

"Uhm, Talia? Saan kayo nakuha ng almusal niyo?" Tanong ko sa kanya habang nagtotoothbrush siya.

"Sa ref, luto ka na lang." Sagot naman niya.

Binuksan 'ko ang fridge niya, at aba, di mo aakalain na madaming laman, kasi di'ba? Minsan ang mga babae kapag may mood swings lumalakas kumain, siguro kung anong makita nila sa fridge nila kakainin nila.

Pero itong si Talia, napaka-organize, okay okay, I'll praise her for that.

"Now, ano gusto mong iluto 'ko? Para naman nahihiya na 'ko sa'yo kagabi mo pa ako inaasikaso." Pagtatanong 'ko.

"Kahit anong gusto mo, hindi naman ako maarte sa pagkain." Sagot naman niya, sabay pumasok siya ng restroom.

Hindi nga pala alam ni Talia na marunong ako magluto, hindi niya naman nalaman kung anong course 'ko sa dati 'kong school.

Dahil expensive ang mga kinuha ko sa fridge niya, expensive na breakfast dish din ang gagawin 'ko, pero okay lang kaya? Baka mamaya ang mahal ng presyo ng mga 'to tapos singilin niya ako bigla.

Lumabas naman si Talia ng restroom.

"Hah! Talia, umupo ka na sa hapagkainan, hintayin mo ang almusal na gagawin 'ko." Sabi ko sa kanya.

"Bilisan mo, nagugutom na ako, magtitimpla muna ako ng kape, ikaw nagkakape ka ba? Ano gusto mo?" Tanong niya, aba, kung iisipin naman pala, mabait siya, talagang mataray lang talaga minsan.

"Sige ikaw na bahala, magluluto na 'ko." Sabi 'ko.

Nag-toast ako ng loaf bread, tyaka scrambled egg na ginaya 'ko mula sa isang chef na napapanood 'ko sa internet, nag-prito din ako ng bacon.

The QuintessenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon