"Mahal," tawag ko kay Rowan. "Ako ang magsasampay ah?"Ipapa alala ko lang sana sa kanya ulit na ako ang magsasampay kasi baka sya na naman ang gumawa non. Natahimik na lang ako sa pwesto ko nung makita ko syang tahimik sa pwesto nya at pinanunuod ang pag ikot ng damit sa loob ng washing machine.
"Mahal?" tawag ko sa kanya.
Tumalikod sya sa akin nung marinig ako, "Oo, tatawagin kita." sabi lang niya sa akin. "Asikasuhin mo na muna yung kusina Love."
"Okay." sagot ko sa kanya saka ako umalis.
Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko, umiiyak na naman ang mahal ko. At sa mga ganitong pagkakataon kahit salbahe ako sa kanya minsan hindi ako ang dahilan non, isa lang. Yung mga villain niyang kapatid, villain sa buhay niya. Lagi siyang inaaway ng mga yun, kundi lang dahil sa mahal ko si Rowan baka kung ano-ano na nasabi ko sa kanila.
Matapos kong magsampay ng mga nilabhan, inihanda ko na yung miryenda sa lamesa. Alam kong madami pa kaming lilinisin sa bahay, wala pa sa kalahati ang naayos namin pero hindi pwedeng magtagal sa dibdib ni Rowan yung nararamdaman niya.
"Mahal," tawag ko ulit sa kanya.
Nakaupo lang siya sa tabi ko, tahimik na naman sya. Hindi talaga sya okay, kasi kung okay yan hindi yan papayag na magpapahinga muna kami kahit hindi pa tapos ang gawain.
"Okay lang ako Love," sagot niya sa akin saka nag smile.
Yan yung smile na hindi ko gusto sa kanya, yan yung smile na naiinis akong makita sa kanya. Yang smile na yan ang tipo ng smile na peke, so not you Mahal. Inismidan ko lang si Rowan, hindi ako naniniwalang okay sya.
"Pwede ba?" pagtataray ko sa kanya. "Ako pa ba?"
Saka lang siya nag smile sa akin, at ginulo ang buhok ko. Enebe? Kinikilig na naman ako.
"C'mon," sabi ko sa kanya saka ko hinawakan ang kamay niya at nilaro yung singsing niya sa kamay. "I'm yours."
Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa simpleng banat ko, pero hindi lang naman yun banat it's my assurance sa kanya na makikinig ako. At mas gusto ko yung ganyang ngiti mo Mahal, haaay!
"Hulaan ko?" sabi ko sa kanya. "The Villains?"
Nag nod lang siya matapos uminom nung juice na nilagyan ko ng gayuma. Charot! Sinasabi ko na nga ba eh, those villains talaga.
Tumayo ako saka ko sya niyakap,actually yung head lang nya ang niyakap ko.
"Okay na!" sabi nyang natatawa na lang.
Umupo ako sa upuan ko, saka niya hinawakan ang kamay ko. "Thank you!" sabi nya
Ikinuwento niya sa akin kung paano na naman sya pagsalitaan ng mga kapatid niyang villains talaga. Ewan ko ba naman, bakit hindi nila kayang irespeto ang panganay nilang kapatid. Kung may powers lang talaga ako, gagawin ko na lang silang palaka at butiki eh, pero dahil wala nevermind.
They wanted na ibigay ni Rowan ang lupang ipinamana sa kanya ng Lola-Mommy niya. Hindi naman daw kasi sa kanya ang lupain na yun, kundi sa kanilang magkakapatid. Sinasabihan nilang madamot, at sakim ang Rowan ko eh sila nga yung hindi namin alam kung anong mga ginagawa sa buhay.
Bilang panganay, ayaw ni Rowan na kung saan saan lang mapunta ang lupain nila. Hindi naman kasi basta lupain lang ang pinanghahawakan dito, kundi miles and miles and mountains of land. Char! Gusto ni Rowan, na magkasundo silang magkakapatid sa pupuntahan ng lupa.
"No!" pagtutol ko sa sinasabi ni Rowan na pagpapa ubaya ng kasulatan sa mga kapatid. "Hindi ako agree dyan Mahal, you know."
Natahimik lang siya.
"Alam kong wala akong karapatan to decide about that land," panimula ko sa kanya. "And because I am your magandang jowa, pwede ba akong magsalita?"
Tumango lang sya.
"I know you Rowan," sabi ko sa kanya. "Kilala ko yang ugali mo, alam kong mapagbigay ka, alam kong ibibigay mo na lang ang gusto nila kesa magkagulo pa, alam kong mahal mo sila pero hindi naman siguro tama yang gusto mong mangyari."
Dahil sa sobrang mahal nya ang mga kapatid niya. ibibigay na lang niya ang gusto nila kahit hindi pa nangyayari ang gusto niyang magkasundo silang magkakapatid.
"Kung yan ang gusto mo mangyari, kumausap ka muna ng abogado." sabi ko sa kanya. "Hindi para lamangan sila kundi para mas maliwanagan sila, kasi kung hindi sila nakikinig sayo baka sa abogado makinig na sila." sabi ko. "Hwag kang pumayag hanggat hindi sila naliliwanagan, Mahal. Kung mahal mo talaga sila, ilagay mo na lang sa tama."
Katulad ko din si Rowan, matigas ang ulo pero sana naman makinig sya this time. Kasi mas lalo silang magkakagulo.
"Okay?" tanong ko sa kanya.
"Okay." sabi niya sa akin.
"Pagisipan mo muna Mahal," sabi ko, "hwag kang mapressure sa kanila, sakin lang." banat ko ulit.
Napangiti ko na naman si Rowan. Hindi ko alam kung kinikilig ba sya sakin, o naco-cornihan, o naaawa na lang sa mga walang kwenta kong banat.
Lumapit ako kay Rowan, niyakap ko ulit sya.
Sa twing niyayakap ko si Rowan, para akong nakukuryente. At the same time, alam mo yun yung feeling mo safe ka, kung pwede lang dun ka na lang lagi sa yakap nya.
Pinaupo ako ni Rowan sa upuan ko, hinigit nya yung upuan ko. Shet! Ano kaya 'to? Bigla akong na excite na hindi ko alam.
"Enebeeee???" biro ko sa kanya.
Natawa lang si Rowan sa ginawa ko.
Hinawakan niya yung kamay ko, shet! ready na akong magpakasal pero hindi ako ready sa proposal. My god!
"Salamat Love." simula niya, habang nakatingin sa mga mata ko. "You're my sunshine."
"Kanta ba yan?" biro ko.
"Seryoso ako, para tong sira!" sabi niya. Napatawa na lang ako sa narinig ko. "Thank you for making my everyday even brighter."
Sincere yun, ramdam ko.
"You never fail to make me smile each day Love," sabi niya sa akin. "Mas magaan lahat ng dala ko kasi alam kong hindi ako nag iisa, and kahit gusto kong sarilinin ang problema ko hindi ko nagagawa kasi sobrang kulit mo."
Nag la-light na yung atmosphere namin, kasi kanina gloomy talaga dahil sa bigat nang nasa loob ni Rowan.
"Thank you!" sabi niya sa akin, saka niya ako hinalikan sa noo.
That kiss is one of the most sincere kiss na naramdaman ko ever, i felt like lahat ng love ni Rowan for me is nandun sa kiss na yun. I just smiled, I am glad na okay na siya.
"I love you most Madeline," sabi niya sa akin habang magkadikit yung noon namin tapos hawak nya in both hands yung magkabila kong cheeks. "As deep as the ocean."
-MaNiLa 4/19/2020 5:20pm