ROCKY

4 0 0
                                    



Quarter to twelve noon
na pero wala pa si Rocky, kanina pa ang uwian ng mga Grade 1. Alam naman ni Rocky na sa akin sya uuwe this time dahil wala si Dadda Rowan nya.

"Mommy," tawag sa akin ni Rocky na parang umiiyak.

Paglabas ko ng classroom, bumulaga sa akin si Rocky na sobrang dumi ng damit at talagang umiiyak.

"Why? What happened Rocky?" tanong ko agad sa bata, tyaka ko naman sinundan ng tingin yung pupil ko na kasunod niya.

Umiiyak lang si Rocky, hindi ko sya mayakap kasi punong puno ng chocolate milk drink ang damit niya, sabog ang sipon at luha habang pinapakita niya sa akin ang sugat niya sa siko.

"May naka away daw po kasi sya ma'am," balita sa akin nung bata. "Sabi po nila, grade 3 na."Pumasok kami sa loob ng classroom ko, nagpasalamat na lang din ako dun sa bata na pinakisuyuan ko.

Nilinis ko na lang din si Rocky, tyaka binihisan.

Kahit medyo nang gigigil ako sa batang pumatol sa seven-year old na bata, hindi na lang muna ako magsasalita. Isa pa, hahayaan ko muna si Rocky na magsalita.

Matalinong bata si Rocky, sa murang edad alam niyang ipagtanggol ang alam niyang tama. Siguro sa tinagal naming magkakilala ni Rocky, pangalawang pagkakataon ko pa lang siyang nakita na nakipag away.

"So Rocky?" tanong ko sa bata. "What happened?"

Tyaka niya ikinuwento sa akin kung paanong hindi niya sinasadyang masagi ang isang batang naglalakad na humingi naman daw siya ng sorry tapos sinabihan na daw siya ng kung ano-ano. Hanggang sa sabihin daw ng batang 'yon na dalawa ang mommy nya, na mapupunta daw siya, si ate Royce, Dadda Rowan at ako sa hell.

Alam kong sinabihan na ako ni Rowan tungkol sa bagay na ito, hindi lang din ako siguro ganun naniwala na madali lang syang ipaliwanag sa mga bata. Kahit gusto kong kausapin yung bata tungkol sa nangyari, hindi ko pa alam kung paano ko ihaharap ang sarili ko. Hanggang sa umuwe kami nang hapon ay hindi mawala sa isip ko kung anong nangyari. Hindi ko alam kung gagawan ko ba ng action ang nangyari. Bilang itinuturing na ina ng batang kasama ko, at anak na din naman ang turing ko sa kanya gusto kong kausapin yung bata, baka kasi hindi natuturuan sa bahay.

Six na ng hapon, pero wala pa ang mag amang Royce at Rowan. Mas lalo lang akong napag iisip kung ano bang gagawin ko. Habang si Rocky naman nanunuod lang ng TV.

-Mahal, nasan na kayo?- chat ko sa mag ama.

-Mami Madame, supermarket na po. May binibili lang si Dad.- si Royce.

Maya maya pa ay bumusina na ang sasakyan nila Rowan, kaya si Rocky halos malaglag pa sa upuan niya sa pagsalubong sa Dadda niya.

"Kumusta ang lakad ate Royce?" tanong ko sa dalagang kababa lang ng sasakyan at halatang pagod sa byahe. "Mukhang hindi okay?"

"Sinabi mo pa Mami Madame," sabi ni Royce matapos ibagsak ang sarili sa sofa.

"Kumusta?" tanong ni Rowan sa akin saka nag kiss sa pisngi ko.

Kinuha ko naman ang ilan sa dala nya, pagpasok ay agad na hinarapa si Rocky na nakasampa na din naman sa kandungan niya.

Habang nagsusumbong si Rocky sa Dadda niya, pumasok naman si Royce sa kwarto niya matapos uminom ng tubig. Inabutan ko naman ng tubig si Rowan na naka focus pa sa pakikinig sa anak.

"Anong sabi mo?" tanong ni Rowan sa anak.

"Sabi ko, hindi yun totoo." sagot ni Rocky na halos nanghahaba ang nguso sa pagsusumbong.

"Sabi ko pa Dadda, baka hindi ka kasi love ng Mama mo kasi mabaho ka."

Saka kami natawa ni Rowan sa sinabi ni Rocky.

"Bakit anak? Mabaho ba sya?"

"Opo," sagot ni Rocky, habang ipinapakita yung sugat sa siko. "Kaya lang itinulak na niya ako."

Matapos magsumbong ni Rocky sa Dadda niya ay tinawag na siya ni Royce para iabot yung pasalubong niya dito. Kumain na din kasi pare pareho na din kaming pagod at gutom.

"Sa susunod Rocky," sabi ni Royce sa kapatid. "Kung aawayin ka nila, tingnan mo kung anong panget sa kanila tapos yun ang itawag mo."

Natawa ako sa sinabi ni Royce sa kapatid.

"Kaya naman natututong sumagot yang si Rocky eh," puna ni Rowan sa anak.

"Eh bakit Daddy?" simula na nang bangayan ng mag-ama. "Okay lang yun, papatalo na lang ba kami ni Rocky?"

"Tyaka ka tumakbo ng mabilis kay Mami Madame o kaya kay Dadda." may pagtango pang sabi ni Royce kay Rocky.

Tuwang tuwan naman si Rocky, malang sa malang gagawin nga nya yun.

"Royce, tigilan mo ang pagtuturo ng ganyan kay Rocky ah." paalala ni Rowan. "Pag 'yan mas napa away ikaw ang ihaharap ko sa mga umaaway dyan."

"Sige." hamon din naman ni Royce.

Matapos ang hapunan, nanuod lang ng TV tapos nag pahinga na din yung dalawang bata. Habang kami ni Rowan, naiwan pang gising. Katatapos ko lang din mag linis ng kusina habang sya naman katatapos lang maligo.

"Haaaay," sabi ni Rowan. "Anong ginawa mo?"

Hindi ako kumibo, bumalik na naman ako sa pag iisip kung ano bang tama kong ginawa.Hinila ako ni Rowan saka niyakap, bagong ligo na sya kaya okay nang yumakap at magpayakap. Bagong ligo na sya kaya, masarap na ulit syang amuyin.

"Pwede ko bang kausapin yung bata?"

"No." mahinang bulong ni Rowan sa akin. "Hinid na kailangan."

Nararamdaman ko ang mga halik niya sa ibabaw ng ulo ko. Medyo mataas siya sa akin ng konte lalo na kung nakasiksik ako sa leeg niya.

"Sinabi ko naman sa'yo," simula niya. "hindi lahat ng bata ay katulad ni Royce at Rocky. Sila napupuno ng paliwanag at pang unawa, at hindi mo yun mahahanap sa mga batang tinuturuan mo."

"Hindi ibig sabihin na magsasa walang kibo tayo sa bagay na 'to ay hindi mo na kami naipagtatanggol na pamilya mo."

Napangiti ako sa narinig ko, kinilig ako yun ang tamang term.

"As long as, tayo lang ang nagkakaintindihan bingi tayo sa sasabihin ng iba." sabi niya sa akin. "Hindi na yun mauulit, magtiwala ka sa mga anak mo."

Gusto ko pa man sanang magsalita pero nagawa ng halikan ni Rowan ang mga labi ko. Nagawa na niyang pahupain ang natatakot kong puso at pakalmahin ang natataranta kong isip. Sa simpleng halik lang niyang yun nagawa na niyang maghatid ng ilang daang baby unicorn sa tyan ko.

5:05AM 4/26/2020 -MaNiLa 

ROWAN AND MADELINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon