"Madeline?" narinig kong tawag sa akin ni Rowan. "Nandyan ka ba?""Yes." sagot ko lang, saka ako lumabas sa kwarto namin.
"Bakit nandito ka?" tanong niya sa akin. "Wala ka nang pasok?"
Lumapit ako kay Rowan sa kusina, busy pa din sya. Actually, bago pa namin sya iwan ng mga bata busy na sya.
"Meron pa Mahal," sagot ko. "Kauuwe mo lang din ba?"
Tumango lang si Rowan sa akin saka pinagpatuloy yung ginagawa, alam kong pagod na sya kahit hindi sya nagrereklamo.
"Anong kinuha mo Love?" tanong ni Rowan, saka tiningnan yung hawak ko.
"Ahh, ito lang last month ko na pay slip." sagot ko. "Aalis na din ako Mahal."
Ayoko pa sanang umalis sa bahay, gusto ko sana syang tulungan pero hindi lang din nya ako papayagan sa gusto kong mangyari.
Paglabas ko ng bahay ay saktong may tricycle na dumaan kaya sumakay na din ako. Hindi ko maalis sa isip ko si Rowan, bakit ba napaka bait nyang tao?
"Ma'am," tawag sa akin ng driver. "Ano po yung denideliver ng kasama nyo sa bahay? Nakita ko po kasing nagde deliver sya sa kapitbahay namin eh."
So chismoso si Manong, ganon? Pero dahil mabait ako, sige sagutin natin ng maayos yan. "Pagkain po," sagot ko.
"Anong klase pong pagkain? Pang ulam o miryenda?" tanong pa nya.
"Depende, manong." sagot ko. "O order ka ba?"
"Mahal po ba ma'am?" tanong pa ng driver sa akin. Talagang makulit ka ah? "Kasi po hindi naman din ako nakaka uwe sa amin minsan ng tanghali kaya kung mura baka pwede naman bumili?"
May point si Manong, at mukhang magigiging costumer ka ni Rowan ko sige mabait na ako sayo ngayon manong.
"Madz," tawag sa akin ng isa kong co-teacher. "Busy ba si Rowan ngayon?"
Paglingon ko ay si Nerie ang nagtatanong sa akin, tutal uwian naman na ng mga bata at naghihintay na lang din ako sa ilan kong istudyante na matapos sa ginagawa.
"Usual," sagot ko kay Nerie. "Bakit?"
"Birthday kasi ni Mama sa Saturday, baka pwedeng kay Rowan na lang ako mag order ng food?" tanong niya sa akin.
Tiningnan ko si Nerie, mukhang kailangan nga niya ng tulong sa bagay na yun.
"Ang sarap kasi nung uli mong dinala na Carbonara, baka lang naman tumatanggap si Rowan ng order na ganun?"
Napangiti ako, sigurado matutuwa si Rowan sa ibabalita ko sa kanya mamaya.
Ito ang matagal ko ng sinasabi sa kanya eh, sabi ko sa kanya mag open kami ng FB page para sa mga luto nya, ayaw pa. Tutulungan ko naman sya sa pag manage, masesermonan ko talaga yung tao na 'yun.
"Si Dada?" tanong ko agad kay Rocky pag pasok ko ng bahay. "si ate Royce?"
Hindi naman din ako pinansin ni Rocky at nanuod na lang ng TV. Si Rowan naman ay nasa likod ng bahay, mukhang nagluluto na naman.
"Mahal," tawag ko kay Rowan. Nag iihaw siya ng barbeque, "mukhang mapapadami na naman ang kain ko mamaya."
Nginitian lang niya ako at busy sa pag paypay ng ihawan. Naupo ako sa malapit na upuan sa tabi niya.
"Magbihis ka na don." utos niya sa akin. "Matutuyuan ka pa ng pawis,"
Inirapan ko lang siya, "ayaw, pa! Ang ganda ng view ko eh, ang yummy!" biro ko sa kanya.