"Sino po ang kausap ni Dada?" tanong ko kay Royce at Rocky na kumakain ng umagahan.
"Good morning Mommy," bati sa akin ni Rocky tyaka, hindi ko po alam."
Nagising na lang ako na may kausap si Rowan sa phone, tapos itong dalawang bata naman kumakain na ng umagahan.
"It's tita Rowie po, mami-madame. Good morning." sagot naman sa akin ni Royce. "mami-madame, can I go sa house ng friends ko?"
It's uncommon for Royce to ask for my permission, kasi usually sa daddy nya sya nagpapa alam. "May I ask whose friends is it?"
"It's Naiomi's. Dyan lang po, two blocks from here sa bahay." magalang naman na sagot ni Royce sa akin. "It's for group project naman po."
"Okay po," sagot ko. "basta if anything happened, tawag agad ha?"
I saw her na natawa pa sa sinabi ko, "yes mami-madame, thank you po." sagot niya.
"Mommy, can I watch na ba?" tanong ni Rocky sa akin.
"So kaya pala ang bilis mo kumain no Rock?" tanong naman ni Royce sa kanya. "Pag nakita ni Dadda yang mga natira mong food, bahala ka."
Hindi na ako kumibo at hinayaan si Rocky na manuod na ng TV, yun lang naman ang kasiyahan nya.
Natapos kaming tatlo kumain, at si Rowan masayang masaya pa sa pakikipag usap sa kausap niya.
I better be on my papers na din, madami dami akong ire record na quizzes and tests ngayon. Malapit na ang second quarter.
"Hindi naman ate," narinig kong sabi ni Rowan sa kapatid niya. "Si Madeline kasi at si Royce pinagkaka isahan ako sa business na yun."
"Sira," sabi naman nung kausap niya. "Masaya nga ako para sayo eh, hindi sa pag sipsip sa asawa mo Rowan ah? I think Madeline's the one for you."
Sino ba namang hindi mapapangiti ng malapad kung ganyan ang mga naririnig di ba? Hello? kapatid kaya yan ni Rowan, telling her na I am the perfect fit sa buhay nya. Hello? Helloooo?
"Lumalaki na naman ang ulo ni Madeline ate," natatawang sabi ni Rowan sa kausap. "Tingnan mo ang ngiti,"
"Hi ate," bati ko sa kapatid ni Rowan. "Kumusta po?"
"Hi Madeline," bati lang din niya. "Okay lang naman. Kayo? Musta naman? Si Royce?" tanong ni ate Rowie.
Iniwan sa akin ni Rowan yung phone at kinausap si Royce na nag paalam na lang din sa kanya.
"Salamat Madeline ha?" sabi ni ate Rowie sa akin. "Alam mo naman yan, sobrang liit lagi ng tingin sa sarili."
"Naku ate,lagi ko nga din sya pinagagalitan kapag ganun ang tingin sa sarili." sagot ko. "Hayaan nyo po, tutulungan ko si Rowan sa bagay na yun."
"Salamat talaga," sabi ni ate Rowie. "Tyaka balitaan mo ako sa business na yan ah? Tutulungan ko kayo dyan, mabuti nga yan para naman at least iba ang nasa isip."
"Sige po, sasabihan ko agad kayo." sagot ko naman.
"Teka, nandyan ba si Rowan sa tabi mo?" tanong ni ate Rowie sa akin.
"Wala naman po,"
"Mabuti naman, pero i-pm na lang kita sa account mo para walang alam si Rowan."
"Tungkol saan?" tanong ko
"Surprise party sa birthday ni Rowan," sabi niya ng mahina.
"Uuwe po kayo?" tanong ko agad.
"Hwag kang maingay!" tyaka tumawa ng tumawa yung ate ni Rowan.