"To my dearest Rowan,"---
binubuo pa.
"To my dearest Rowan,"
hindi ko mapigilang mapangiti sa pakulo na naman ni Madeline na 'to.
"Hi, there my poging lovelove. I bet nakangiti ka na naman ng malaki with this letter and dahil dyan dadagdagan ko pa ng isang malupit na kiss at hug mamaya."
'oh Madeline,'
"For the nth time, I wanna thank you for everything Mahal. Salamat sa love, patience, sa alaga, suporta at sa pag embrace sa buong ako. Salamat kasi everyday, walang mintis you never fail to remind me I am complete when I am with you. Alam mo naman, you're my missing puzzle."
"dad, mukha kang ewan dyan!" bati sa akin ni Royce. "Ano ba yan?"
"Wala!" ismid ko, "tita-mami mo kasi, korny!"
"Nagsalita ang hindi korni!" natatawang sabi ni Royce sa akin matapos uminom ng tubig mula sa ref. "Parang hindi ko nabasa yung mga letter mo kay Cherry dati," tawa ng tawa si Royce.
Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi ni Royce, lintik na bata talaga 'to.
"Royce, isoli mo yung water bottle sa ref!" sigaw ko na lang, saka pa niya nilakasan yung tawa niya.
"Gusto ko lang din sana na sabihin sayong, hindi ka basta 'tomboy' lang." and my damn eyes, tears were forming na sa mata ko. "sa mata naming tatlo nila Royce at Rocky, you are more than that. For us, ikaw ang the best dad. You're more of a man, than a real one. Alam kong bulag yang mata mo to see that, to see your own worth, to see na hindi kami complete kung wala ka."
di ko na napigilan sarili ko.
"please be informed, that you are so much worth it. You are loved, you are enough and everything you do matters. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita Rowan. Para sa akin, ikaw ang pinaka pogi. Para sa akin, ikaw lang. Char! Hahah. Masaya ako at kontento sa pagmamahal mo."
hindi ko alam, paano nya nagagawang mapatawa ako at mapaiyak at the same time. Maybe that's how love really works, gagawin kang baliw.
"Daddy," tawag sa akin ni Rocky. "Are you sad?"
"No," sagot ko na lang saka ko pinunasan yung luha sa pisngi ko. "anong kailangan mo kulit?" tanong ko.
"Wala naman," sagot niya. "pogi mo ngayon,"
Alam ko na 'to, hihingi nang pera. Magaling din sa utuan itong si Rocky.
"Magkano?" tanong ko ulit.
"Hindi nga," sabi lang niya sa akin, saka niya ako tinalikuran.
Sinundan ko lang ng tingin si Rocky habang papalayo, nanibago lang ako kasi 'matic na yun kapag lalapit sya at sasabihing pogi ako kasunod non pahingi na ng pera.
Inayos ko lang din yung ilang naka kalat na baso sa lababo at hinanap si Madeline. Pag labas ko sa likuran ay nagtatawanan si Rocky at Madeline.
"Kaya pala ha!" huli ko sa dalawa, lalo na kay Rocky na punong puno ng chocolates ang bibig. "Kaya pala, hindi ka nanghingi ng kapalit eh."
Tumawa lang ulit yung dalawa, nagtinginan pa.
"Mag toothbrush ka pag tapos ka na ha?" utos ko kay Rocky. "At ikaw naman, ano na naman 'to?"
"Asus!" ngiting ngiting sabi ni Madeline sa akin.
That smile - yan yung dahilan bakit nagkaroon ako ulit ng reason to smile more. Mas masaya ako sa 'twing nakikita ko si Madeline na masaya.
"Hwag kang ano," sabi niya sa akin. "Naikwento na nung dalawa yung reaction mo kanina pa." tawa siya ng tawa.
"Baliw!" nagtawanan na lang din kaming dalawa.
"Salamat!" tiningnan ko si Madeline sa mata, saka ako nagseryoso.
"Naaaah," sabi agad niya. "maliit na bagay!"
"Yabang talaga!"
"Naman!" sagot ni Madeline saka niya ako kinindatan.
"No, thank you!" seryoso ko ulit, saka ko hinawakan yung kamay niya. "I am more thankful kasi pinapasok mo pa din ako, kaming tatlo sa buhay at puso mo ng buo."
"Maliit nga na bagay!" ayaw ni Madeline magseryoso. Ang kulit! "May isang wish lang pala ako sayo Mahal,"
Nilingon ko sya, tapos hawak ko pa din yung kamay nya. Pinaglalaruan.
"Sana, you'll help us too." saka niya pinindot yung ilong ko. "kahit konti-konti, tingnan mo na yung sarili mo the way me and kids see you."
Natahimik ako, I continued to play her hands.
"Kaya nga konti-konti eh," sagot ni Madeline sa iniisip ko. "Hindi ka namin minamadali, we'll walk with you whatever pace of walk you want." nginitian na naman niya ako, yung ngiti na naman niyang nagpapatunaw sa puso ko.
"I, love you."
that 'i love you' gives chill sa spine ko, that was one of the sincere confession of love ni Madeline sa akin. Hindi na lang din ako nakasagot.
"May isang wish din ako," sabi ko kay Madeline.
This one isn't because overwhelmed ako sa nararamdaman ko, medyo matagal ko na ding napag iisipan 'to. Tho, wala akong big black bear I want to try.
"Ano yun?" pangungulit ni Madeline.
Naghihintay sya ng sasabihin ko, it's now or never. Hindi ko na pwedeng bawiin 'to magagalit lang 'to sa akin. Pero, hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh. Parang natutuyo yung lalamunan ko, na kahit gusto kong sabihin walang lalabas na boses o kaya pipiyok lang ako. Shit! Ang dami na nama tumatakbo sa isip ko. Pero seryoso, kinakabahan ako.
Tangina!
"Shit!"
"Wow, that new Mahal ah?" sabi ni Madeline saka nag dirty look sa akin, nag kagat labi pa ang walang hiya.
"Baliw ka Madeline!" kinakabahan kong bawi.
"Ano nga?" saka siya tumawa ng tumawa.
"P-papakasalan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.s
Hindi ko alam kung nabingi sya sa sinabi ko o nagbibingi-bingihan lang. Bwisit! Sabi ko na, gagawin sa akin 'to ni Madeline. Pang asar din kasi 'to, pikon naman!
"Ulitin mo nga,"
-11:09pm / 30/09/2020