"Ang aga mo naman Mahal!" puna ko kay Rowan pagpasok ko ng kusina. "Isasama mo din ba si Royce?"Well, maaga naman talaga syang gumigising, halos araw-araw siya ang alarm clock namin ng mga bata. Pero extra ang aga niya ngayon, schedule kasi ng dialysis ng Mama nya. Isasama na din nya si Royce para may katulong daw sya.
"Good morning Love." bati din niya sa akin saka iniabot yung katitimpla niyang coffee. "Susunduin ko pa kasi sila Mama sa bahay, kaya maaga na kami ni Royce."
Tumango tango lang ako, pupungas pungas pa.
"Okay na yung breakfast nyo ni Rocky," sabi niya na abala pa din sa pag pa-pack ng kakainin nila. "Si Rocky naman Love, kaya mo na di ba?"
"Oo naman," sagot ko saka ako uminom ng coffee. "Eh, si Royce?"
I can't help but to watch Rowan, eto na naman ako sa "ang swerte ko kay Rowan mode." Bukod sa patay na patay ako sa looks nang taong to, pati sa bahay wala akong masasabi. Husband-material, masyado din akong mahal at sobra sa effort, at shet malupit sa da moves to.
"Ano na naman yang iniisip mo Madeline?" tanong niya sa akin, shet! Nahuli nya ako. "Yang pakagat kagat mo ng labi, iba ang ibig sabihin nyan!"
Inirapan ko na lang siya at hindi ko lang din siya pinansin. Bakit hindi nila nakita kay Rowan ang mga bagay na nakikita ko ngayon? Bakit hindi nila naramdaman na sobrang swerte nila sa taong to?
"Royce!!" sigaw na ni Rowan sa panganay niya. "Bilisan mo!"
Patuloy lang siya sa pag aayos ng mga iiwan sa amin ni Rocky, busy lang din siya sa kabibilin nang mga gagawin sa pag gising ni Rocky, hanggang sa pag alis namin ng bahay.
Out of nowhere, tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko siya hinila na maupo sa tabi ng upuan ko.
"Bakit?" tanong nya,naguguluhan sya.
"Enough na muna," sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko sya sa may tenga saka ko inilaro yung thumb ko sa sintido nya, I just looked sa mga mata nya. Those were the most beautiful eyes na nakikita ko, kasi kaharap ko sya. Pero seryoso maganda yung mata ni Rowan. Mapang akit, kaya kahit wala syang sabihin basta napatingin ako sa mata nya naaakit ako.
Tinitigan ko lang sya, tho everynight ko naman natititigan ang mukha niya hindi ko yata pagsasawaan yun. Small lines and wrinkles were forming more visible sa gilid ng mata ni Rowan, pero pogi pa din sya.
I even held her hand, tapos hinawakan ko lang ng mahigpit. At nagtataka pa din yung mata at mukha niya. Naghihitay nang mga susunod na mangyayari o sasabihin ko.
Simula yata ng makilala ko sya, ten years ago hindi ko pa sya narinigan nang reklamo sa isang bagay na gustong gusto nya. Yes, madaming beses nya nang gusto sumuko, madaming beses na nyang sinubukan na tumuloy pero eto sya ngayon, still striving the best to provide and give sa mga anak nya.
Hindi sya perfect na tao, hindi sya perfect na tatay pero kung may mga tao lang na makikita si Rowan nang katulad kung paano namin sya makita ni Royce, baka madaming umagaw sa tao na 'to.
"Good morning, mami-madame!" bati sa akin ni Royce na naglalakad papunta sa upuan niya. "
Medyo nahiya ako ng konti, kahit lagi naman niya kaming nahuhuli ng dadda niya na naglalambingan. Ewan, siguro ganun din si Royce sa akin.
"Go-good morning." bati ko din kay Royce. "Ready ka na?"
Si Royce, ang panganay ni Rowan. Kamukhang kamukha ni Rowan, babaeng babaeng version nitong jowa ko. Mabait na bata si Royce, malambing yun lang magaling din sumagot. Tho, okay naman kaming dalawa, siguro nag aadjust pa lang din sya kasi may bago na namang sinamahan ang daddy nya.
"Please lang anak, hwag ka naman muna mag maldita sa hospital." sabi ni Rowan sa anak, "Ilalagay ko lang tong mga dala sa sasakyan."
Halos ilang segundo lang sya nakaupo sa upuan tapos para na naman syang makina sa kaka trabaho. Naiwan na lang kami ni Royce sa pwesto namin.
"Royce," tawag ko sa dalagang katabi ko. "Sabihan mo minsan yang si Dadda mo ah, maghinay hinay naman."
"Opo," sagot lang niya sa akin. "Si Rocky po, tulog pa."
"Oo nga," sagot ko. "Ingat kayo ah,"
"Salamat Mami-Madame," sabi niya sa akin. "Hwag ka mag alala kay Dadda, takot din naman yan sa akin eh."
Natawa na lang ako sa sinabi ng bata, kasi totoo naman yung sinabi nya. Rowan is somehow napagsasabihan ng fifteen years old nyang anak. Mas mataray pa to sakin eh.
"Royce," tawag ni Rowan. "Tatanghaliin tayo nila Lola Mama."
"Dadda, 10am pa ang schedule ni Lola Mama pwede ba?" sagot ni Royce sa Dadda nya. "OC ka na naman eh."
"See," sagot ko na lang. "Umaandar na naman yang pagka OC mo Mahal!"
"Mahirap na Royce," sagot ni Rowan. "Isa ka pa Madeline, kaya nagagawa akong sagutin nyang si Royce eh, todo support ka!"
Nagtawanan lang kami ni Royce, pag dating kasi sa pagkontra sa pagiging OC ni Rowan nagkakasundo kami ni Royce.
"Madali lang kami don," sabi ni Rowan saka tumingin tingin sa paligid. "Aalis na kami Madeline ah."
"Oo," sagot ko. "Ako na bahala!"
"Ingat kayo ni Rocky!"
"Si Daddy, parang mag aabroad naman!" puna ni Royce. "Mamaya nandito na tayo ulit,"
Natatawa talaga ako sa mga banat ni Royce sa Dadda nya, "Royce, ingat kayo ah?"
"Opo, mami-madame!" sabi niya saka nag smile. "Dad!"
Inihatid ko na lang yung mag ama, ako na ang magsasara ng gate. Madaming paalala bago makaalis.
Pero bago umalis sila Royce at Rowan, humabol na muna ako ng goodbye kiss. Saka nung hindi ko na sila makita saka ako pumasok ng bahay.
Gusto ko man sana bumalik sa higaan, hindi na din kakayanin dahil anong oras na. Kung hindi pa ako mag aayos mala late naman kami ni Rocky sa pagpasok sa school.
Pag harap ko sa salas, sa ibabaw ng TV ay nakalagay ang malaking picture namin ni Rowan kasama ang mga bata.
For how many years, nangarap ako to have a home. Nung nakuha ko itong bahay, kulang pa din. And hindi ko alam, tatlong tao lang pala yung totoong home na sinasabi. I never imagine na si Rowan, Royce at Rocky ang tahanan ko. And right now, I guess wala na akong mahihiling pa.
Masaya at kontento na ako sa buhay ko.
Hindi man perpekto ang pamilya ko, hindi normal na sinasabi ng ibang tao. Isa lang ang alam ko, hindi ko ikakahiya 'to.
5:41AM 4/22/2020
-MaNiLa
medj na pe pressure ako, ewan ko ba kung bakit.
(c) sa photo