Eight

164 11 0
                                    

"Morning." He greeted me with his low voice.


Kakababa ko lang mula sa kwarto at nakaligo at bihis na rin. Wala na siya sa kwarto pagkagising ko, it was 9 am when I woke up and realized that he was a morning person. Kulang na kulang ang tulog namin dahil madaling araw na kaming natulog. Kakapasok ko lang dito sa kusina at nakitang nagluluto siya.


"Jeremy, gising ka na ba?" Tanong ko kahit alam kong tanghali na nagigising yon.


Bihis na rin siya at nakaligo na rin dahil medyo basa pa yung buhok niya. He was just wearing a gray sweatpants, white shirt and sneakers. Ako naman ay naka black shorts at dark blue shirt, naka sneakers lang din ako, yung sneakers na suot ko kagabi.


"Morning," Bati ko. "you woke up early."


"I always do." Sabi niya habang nakatalikod sakin dahil nagluluto siya.


Umupo ako sa inupuan ko kagabi at nakitang nakahanda na ang mga plato at baso namin. May tinapay rin sa gitna ng lamesa. Napatingin ulit ako sa kanya.


"What time do you usually wake up?"


"6 am." He replied.


"Ang aga..." Bulong ko sa sarili ko.


When he was done he turned the stove off and placed the plate with the food he cooked on the table. It was bacon and eggs at hinabol niya pa yung hotdog pati kanin at tinabi ito sa plato ng bacon at itlog.


"Do you prefer coffee or juice?" He asked.


"Coffee, thanks." Sabi ko bago naglagay ng pagkain sa plato ko pero hindi na muna ako kumain dahil hinintay ko siya. Hindi naman ako bastos.


Naglagay siya ng kape mula sa coffee maker sa isang mug bago ito nilagay sa tabi ko. Ngumiti ako ng tipid at pinanuod siyang maglagay ulit ng kape sa isa pang mug at nilagay ito sa tabi ng plato niya. Binalik niya ito sa lalagyan bago umupo sa tabi ko.


"Let's eat." Sabi niya bago naglagay ng pagkain sa kanyang plato.


Nanibago ako dahil first time akong lutuan ng pagkain ng isang lalaki. Si Mommy or mga Beta wolf naman kasi ang naghahanda ng pagkain samin eh.


Masarap naman ang luto niya kahit prito lang. Hindi ito sunog at tama tama lang ang pagkaluto. Naalala ko nung ako yung nagluto ng almusal sa mansion ni Kuya, natrigger ko yung fire alarm dahil nasunog ko yung mga niluluto ko. Mashado palang malakas yung apoy, nilakasan ko kasi para maluto agad. Hindi ko naman inaasahang masunog ng ganon. Nagalit si Kuya non, tinanong pa ako kung gusto ko bang mawalan siya ng bahay. Amp.


Ako na ang nagpresentang magligpit ng pinagkainan namin nung matapos kami. Nakakahiya naman wala akong ginagawa matapos kumain. Hindi pa naman ako yung Luna para maging senyorita dito.


Pa? So payag kang maging Luna ng Crimson soon? My Wolf asked.


Wala.


She whimpered and I just ignored her. I'm sorry kung hindi ko magagawa ang gusto mo, ayaw ko rin namang ipilit ang sarili ko sa lalaking ayaw ko.


Pero kaya mong ipilit ang sarili mo sa lalaking mali para sayo? She fired back.


Natigil ako sa paghuhugas ng pinggan dahil sa sinabi niya. Buti at mag-isa nalang ako sa kusina para hindi magtaka ang makakakita sakin kung bakit bigla akong natulala.


She growled at me when I couldn't answer. What she told me really stopped me, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kaya mas lalo siyang nagalit sakin.


The Alpha's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon