Sixteen

159 10 0
                                    

"Jeez. I can't believe you're drunk," Sabi ni Santino habang karga karga ako na parang bagong kasal. Nasa likuran namin sina CJ at Loran. "ilang baso ba ang ininom niya?" Nilingon niya si Loran.





"I think she had 4, Alpha. And it was the strongest wine." Loran said.





Sinamaan ko ng tingin si Santino. "I'm not drunk, you idiot! Sinong tanga ang malalasing sa wine!"





"Ikaw," Umirap siya bago ako dahan dahang binaba dahil nasa tapat na kami ng sasakyan niya. "ihahatid ko muna kayo sa Red Moon."



"Sige po, Alpha. Salamat." Sabi ni CJ bago pinatunog ni Santino yung sasakyan niya at pumasok na yung dalawa sa backseat.





Santino opened the door for me and lifted me again. Siya na ang nagsakay sakin sa loob ng kotse at walang kahirap hirap niya itong ginawa. Masama ang tingin ko sa kanya habang sinusuotan niya ako ng seatbelt.





Dahil sayo, unti unting nagbabago si Jeremy sakin.





Tumingin siya sakin at nagtaas ng kilay nang mapansing masama ang tingin ko sa kanya. He pinched my nose before getting out kaya hinampas ko siya. Tumawa siya bago sinara ang pinto ko at umikot na para makasakay na. He started the engine and immediately drove off.



"Drive slowly, nahihilo ako..." Reklamo ko habang nakapikit at nakasandal sa upuan.



"Tch. Kaya pala ayaw mo na akong bantayan ka kasi iinom ka lang nang iinom." Pagsusungit niya.



"Kahit naman nakatingin ka, iinom pa rin ako."



"Hindi naman kita pagbabawalan, alam mong hindi ako mahigpit sayo sa mga ganyang bagay," He sighed. "wag ka lang sumobra. You'll regret that in the morning."





"Oo na! Gosh, you sound like my Dad." Binuksan ko ang mga mata ko para makairap.



"Dad of your future pups, perhaps..." Narinig kong bulong niya. Narinig ko naman ang mahinang tawa nina Loran at CJ.



"Ha ha, funny." Sabi ko bago sinandal ang ulo ko sa bintana.





After we dropped the two, Santino said na dadaan muna kami sa 7/11 bago umuwi sa Crimson. Nakasandal lang ako sa bintana, my eyes were half opened and my mouth was hanging. I look and smell like crap.





"Anong bibilhin mo sa 7/11? Pagkain? Takaw mo naman..." Asar ko.





"No, I'll buy you coffee," He said. "or gusto mo sa coffee shop talaga na kape?"





"Para san yung kape? Breakfast na ba?" I asked before sitting properly and looked around. "wala pa namang sun! Ikaw, napaka scammer mo talaga!" Sinamaan ko siya ng tingin.



He sighed and just continued driving. Hindi na pinansin yung masama kong tingin sa kanya. "You really are drunk, Zia."





Pumikit ako at sumandal sa upuan nang makarating kami sa 7/11. He grabbed his wallet before leaving the car and went inside. I watched him get a cup and filled it with coffee. Napatingin naman ako sa dalawang babae na biglang lumapit sa kanya. The other one was a red head and the other was blonde. Napaupo ako ng maayos at kinunot ang noo habang tinitingnan silang tatlo.



I saw Santino back away a bit when the two went near him. The blonde girl was smiling while talking to him but his eyes remained on the cup that was being filled with coffee. Nung napuno na ito ay tumingin siya sa dalawa at bigla akong nilingon at tinuro habang nagsasalita. The girls looked disappointed and just nodded before going back to their table. Yung blonde naman ay nakatingin sakin nung nakaupo na sila at umirap.





The Alpha's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon