Twenty

162 10 0
                                    

"Paghilom gud dira, Ian." Pikon na sabi ni Clemetine kay Ian. (Tumahimik ka nga, Ian)


As usual, nag-aaway nanaman sila habang papunta kami sa mall para kumain ng lunch. Ian was driving, si Mya ay nasa frontseat at kaming tatlo ay nasa likod. Nasa gitna ako nina Clementine at Santino. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan ng dalawang to dahil hindi ko sila maintindihan. They have been living in Davao since birth kaya fluent silang mag Bisaya.


"Kinsa man jud diay imong uyab, Clem? Katong naa sa probinsya or kaning naa diri sa Davao?" Nakita kong ngumisi si Ian kay Clementine through the rearview mirror. (Sino ba talaga yung jowa mo, Clem? Yung nasa probinsya o yung nandito sa Davao?)


"Shut the fuck up." Mahinang hinampas ni Clemetine si Ian kaya natawa ito. Tuwang tuwa dahil napikon niya ang kanyang kakambal.


"Sana all nakakaintindi ng Bisaya." Sabi ko.


"Hay, nako! Wag mo nang intindihin yung mga sinasabi namin, Zia, lalo na yung mga sinasabi ni Ian. Puro kakupalan lang lumalabas sa bibig niyan." Inis na inis na sabi ni Clementine.


"Kwento ko ba mamaya sayo, Zia?" Pang-aasar ni Ian.


"Tama na nga yan, ang lakas mo talaga mamikon." Saway ni Mya kay Ian kaya tumigil na ito.


"Ha! Yan! Buti nga sayo," Singit ni Clementine. "under sa jowa, my dear twin?" It was Clementine's turn to tease her brother.


"Hay, walang katapusang bangayan." Sabi ko at sumandal na lamang sa upuan.


"Tumahimik ka na nga, mahiya ka sa boyfriend ni Zia." Sabi ni Ian at sumulyap kay Santino na tahimik lang dito sa tabi ko.


"Oh, it's fine. Don't mind me." Santino chuckled.


"Ang bait mo pala, Santino. Bagay nga kayo ni Zia, sobrang bait niyan eh! Kaya iniingatan lagi nina Kuya Pierre at Tito Jase," Madaldal na sabi ni Clementine. "kaya dapat ingatan mo rin tong pinsan namin ah? Buong pamilya Knight at Lacson ang makakalaban mo kung sinaktan mo to!"


You're wrong, Clem. Ako yung nananakit sa kanya.


"I can never hurt your cousin, Clem." Mahinang sabi ni Santino at nakita kong sumulyap siya sakin.


Tumili ng mahina si Clemetine. I saw Ian roll his eyes because of his sister's high energy, natawa lamang si Mya. Mukhang sanay na sa energy ni Clementine.


"Nakakakilig! Hay, when kaya?" Ngumuso si Clementine.


"Bakit, Clem? Wala ka ba talagang jowa?" I asked, curious.


Noon kasi, laging may boyfriend si Clementine kahit pinagbabawalan pa siya nina Tita Dakota at Tito Caden. Si Ian lang kasi yung pinayagan nilang magkajowa kahit bata pa dahil mas matured at maingat sa mga ganon si Ian. Kaya nga isa lang yung ex nito eh, kaso bwisit yung ex niya.


"Meron yan," Sabi ni Ian. "dalawa pa nga."


"Anong dalawa! Wala kaya!" Umirap si Clementine. "don't believe him, Zia. I'm really single. Kung hindi, I won't ask your boyfriend if he has a brother."


"She has a point, Ian." Sabi ko sa pinsan kong nagmamaneho.


"Lq kasi sila kaya dinedeny niya," He chuckled. "kaso nga lang hindi ko alam kung saan dun sa dalawa yung ka lq niya."


"Tumahimik ka nga! Buti ka pa alam mong may jowa ako, dalawa pa, ha?!" Pikon, again, na sabi ni Clementine.


Kaya sa buong byahe namin papunta sa mall, nag-away lang yung dalawa. Natigil lang nung nakarating na kami sa mall pero nag-away ulit nung nagdedecide na kami kung saan kami kakain.


The Alpha's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon