Irwin Jaeger

96 1 2
                                    


1st week ng klase kaya ang dami pang early birds. Kokonti din yan pagkatapos ng ilang linggo. Hayyy... at eto ako, isa nanamang dakilang keyholder. Bakit ba kasi hindi nalang si Isha yung humawak ng susi, sabay naman kami dumating eh! Ay, highblood much? Chillllllll.....

                                                                                ***

"Uy, Irwin!" sigaw ni Isha kahit magkatabi lang kami ngayon sa classroom.

"O, bakit?" sagot ko

"Wala ka bang napapans--" naputol yung sasabihin niya ng biglang dumating si Miss.

"Good Morning Class!' , greeting ni Miss.

"Good Morning Miss Richelle, form--" hayyyy, ayan nanaman yung napakahaba naming greeting. Bakit di nalang kasi simpleng goodmorning para tapos na agad? 

"I bet di pa kayo nagdasal. Let's pray, Peter" sabi ni miss. Napapaisip parin ako kung anong sasabihin dapat ni Isha. Gusto ko na nga siyang kalabitin para tanungin kung ano yun eh.

"Our Father, who art in Heaven.." Hmm, isipin ko nga.

Wala naman siyang kinekwento kanina sa service.

"Psst..." 

Pero parang nakatulala siya nun eh, parang may iniisip lang siya kanina.

"Uy.."

Sus. Si Tristan lang niyan iniisip niya eh. Yung malanding yun pa! Haha XD

"Psst..."

Wait lang nga. 

"Irwinnnn..."

*hampas*

"Aray!" napasigaw ng tahimik si Isha. Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ba?!" tanong niya habang nagdadasal kami ng tahimik.

"Kasi naman eh! Ikaw yun noh?!" sabi ko sa kaniya.

"Anong ako? Bakit ba?!" naasar niyang sagot sakin.

"Ah, wala. Bayaan mo na" sabi ko sa kaniya.

*hampas*

"Aray naman eh!" sabi ko sa kaniya, gumanti pa to!

"Belat :P May kekwento ako mamaya. Parang may something kasi dito sa room na 'to eh"

Um-oo nalang ako. Tama nga siya, kahit ako nafe-feel ko yun. Pero, ano kayo meron? Multo? Tsk, wala man eh.

Class GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon