-------------------
Tropa Check:
Name: MAFia (Matthew and Friends)
Description: uhhh... grupo to nina Irwin, grupo ng mga boys ng 9-St. Peter :)
"FAN"tionality: Anime, Online Games, Other
Members: Irwin, Tristan, William, Gabriel, Matthew
--------------
--Lunch Break sa Thermon University--
Irwin's POV
Naniwala ako kay Isha nung sinabi niyang may multo sa klasrum namin. Pero di lang ako sigurado kung ano dapat kong maramdaman. Sa lahat naman ng school may mga "kwentong" ganun diba? Pero syempre, bakit ako maniniwala agad kung di ko pa naman nakikita? To see is to believe."Ano balik na tayo sa klasrum?" sabi ni William ng makita nyang nakabili na si Gab ng pagkain.
"Balik agad? Haha", sabi ni Matthew.
"Oo, bakit? May iba ka pa bang gustong puntahan?" tanong ni Tristan na gusto ng bumalik sa klasrum.
"Oo nga, gusto mo lang niyan makita si Rizza eh!" dagdag ko. Si Riz? Haha. Crush yun ni Matt. Basta, siya yung pang asar namin sa kaniya.
At speaking of, dumaan nga ang grupro nina Riz malapit sa shed kung saan kami nakaupo. Napatingin kaming lahat at..
"Psst." tawag ni Tristan ng patawa. Hinampas siya ni Matt na kulang na lang patayin na sya para lang tumahimik sya.
"Rizza!" sabi ko at napatingin sa amin sina Rizza. Tinuro ni Gab si Matt para makita siya.
"A-ah. Wala, wala. Tatanong ko lang s-sana yung sa r-report natin sa M-math. M-maya nalang sa room" sabi ni Matt bago ngumiti na parang ewan.
"Ah, osige" maikling sagot ni Rizza.
"Ayieee" sabi ni Ynna, kagrupo nila't kaklase namin, at sumunod ang buong grupo nila sa pang-aasar sa dalawa.
Umalis na sina Rizza pagkatapos nun.
Haha.
Natawa si Gab at buong grupo, syempre, maliban si Matt na asar na asar sa amin.
"Haha. Tara na nga. Lumakad nalang tayo habang nagkekwentuhan." sabi ni Gabriel.
-----------
Napadaan kami sa CR ng girls sa may courtyard...
OUT OF ORDER, nakasulat sa may pintuan..
"Uy" sabi ni Tristan.
Tumigil kaming lahat para makinig sa kaniya at para tignan yung nakasulat sa pintuan.
"Alam niyo ba yung kwento dito?" sabi niya ng pabulong.
"Hindi, syempre. Haha" sabi ni Gab
"Patapusin niyo muna ako" sagot ni Tan. At lumapit kami lalo sa kaniya para pakinggan siya.
"Ganito kasi yun.."
|||||||||||||||||||||||||O||||||||||||||||||||||||||O|||||||||||||||||||||O|||||||||||||||||||||||||
~~~~~~ 1st Person POV~~~~~~~
Break namin at nagpaiwan muna ako sa mga kaibigan ko kasi may binili pa ako. Bago ako dumiretso sa room, dumaan muna ako sa cr sa may courtyard.Walang tao sa cr, pati na rin sa labas lalo na't patapos na yung recess.
Naghugas muna ako ng kamay at pumasok sa isang cubicle.
May naririnig akong mahinang boses at nakinig ako ng maige para malaman kung sino yun.
"Ole.."
Yun ang sabi ng boses sa tingin ko. Pabulong lang pero parang mula sa malapit..
Wala naman akong narinig pumasok ah?
"Ole.."
At dun na ako nagsimulang matakot. Bigla na ring nag-blink yung ilaw.
"Ole.."
Tuloy-tuloy yung boses pero pabulong. Natakot ako. Paano kung di lang pala ako yung nandito? Paano kung may...
"Ole.."
May multo?
May bigla akong narinig na kumaluskos sa malapit saka biglang nag-dim yung ilaw.
"Ole.."
Nanginginig ako at dali-daling binuksan yung pintuan at di na nag atubaling lumingon at tignan kung sino pa yung nandun. Peo sigurado ako, walang ibang tao sa loob ng cr na yun.
Pinagpapawisan at nanginginig akong dumating sa klasrum. Namumutla daw ako sabi ng mga kaklase ko. Agad nila akong dinala sa clinic at nakapagkwento pa ako bago ako makatulog. Ole.. ano kaya ang ibig sabihin nun? Nandun parin yung takot at kaba ko...Pagpasok ko sa klasrum. Sinalubong ako ng mga kaklase ko at nalaman ko ang ibig sabihin ng salitang 'yon.
Tumingin ka sa Taas.
Look Up.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Helloooo :D
Yung "Ole?" nalaman ko lang yun dahil sa mga kaklase ko. Nangyari daw yun sa school namin. Di ko lang alam kung totoo. Pero minsan, nakita namin yung CR, di sya nakabukas at parang "out of order" din. Yun, nagsimula na kaming magtakutan. Di ko na nun alam yung ibang nangyari, kaya iniba iba ko ng konti yung story. Trip ko lang ilagay at idagdag sa story natin para masaya :))
Sorry kung di masyadong nakakatakot, gusto ko lang talagang sali para may "conflict" mamaya ;)
Yun lang, ENJOY! :D
BINABASA MO ANG
Class Ghost
Teen FictionSi Zyra, isang simpleng highschool student ay nag-aaral sa Th... --BADUY! ANO BA YAN!? Let me rephrase that... Sa classroom ng 9-St. Peter, sa Thermon University, ay may isang naliligaw at.... DI MAPAKALING multo- itago na nga lang natin...