ZYRA
Haluuuu!!!! Ako si Zyra, basahin niyo anyway you want pero I prefer "zay-ra". Ay wait, "Z" nalang pala para mas easy! .Ako nga pala yung ghost ng klase, I mean literally.
Patay na ako.
15 years old na ako, at Grade 9 student habambuhay...
Hindi pa namamayapa ang kaluluwa ko, kailangan ko pang pumatay ng tatlong tao bago ako tuluyang pwedeng makaalisssss...... at isa ka na doon...
.
.
.
.
.
JOKE LANG! XD
Actually ganito yun, naiwan ako sa ELEVATOR papunta sa Heaven, isa-isa lang kasi ang pwedeng sumakay, lilitaw nalang sa taas ng elevator yung pangalan ng susunod na aakyat.... Sa kasamaang palad, di pa lumitaw ang pangalan ko, nauna na sila...
Ilang taon na ako dito at di parin bumababa para sa akin yung elevator.... *sighhhh*
So ito na nga yun, fiiiiivvveee.... twenty palang ng umaga, medyo madilim pa dito sa Thermon University. First day ng klase kaya excited din ako. May bagong batch kasi ng 9-Peter tapos mukhang maganda yung klase nila kaya.... bwahahaha! Maghanda kayo sa akin!
DON'T WORRY! Di ko sila papatayin, manggugulo lang ako! Samahan niyo akong mangielam sa mga kwento't buhay nila! :)
Wait..... may nasa labas na ng klasrum.... Early Bird! Mmmm..... tignan natin! :D
BINABASA MO ANG
Class Ghost
Teen FictionSi Zyra, isang simpleng highschool student ay nag-aaral sa Th... --BADUY! ANO BA YAN!? Let me rephrase that... Sa classroom ng 9-St. Peter, sa Thermon University, ay may isang naliligaw at.... DI MAPAKALING multo- itago na nga lang natin...