5:00 na at halos padilim na sa labas. At since nalate kami kaninang lunch, kami yung napagutusang maglinis ng room. Go Eyayoway! Pero sakto lang to sa trip namin ngayon.. Mag o-ouija kami para malaman kung anong meron ang nagpaparamdam sa room namin.
"Uy guys! Game na, latag nyo na yung Ouija Board" sabi ni Daine.
Pwede pa kasi kami magtagal dito since nahiram ko naman yung susi ng room namin at.. Basta.
Agad agad na nilatag ni Fham yung board sa sahig at pinatay bigla ni Cyril yung ilaw na kinagulat namin.
" Dagdag excitement yan, bakit ba? Tsaka baka may dumaan na guard, mapagalitan pa tayo pag nakita nilang di pa tayo umuuwi." Sabi niya.
"Okayyyy, so Fham. Start mo na" sabi ko at nguniti lang sya habang sinisindihan yung kandilang hawak nya.
//okayyy, di ko alam kung paano nagkaroon ng kandila dun.. Perooo.. Basta... Kunwari may superpowers kami, tsaka dagdag "intensity" yun XD//
Sobrang dilim na //syempre nakapatay yung ilaw// at nakatago kaming lahat sa may gilid ng teacher's table sa may mga kurtina. Mas nakikita namin yung mukha ng isa't isa ng dahil sa ilaw ng kandila.
"Um, Fham? Di ba kailangan ng baso or something?" Tanong ni Cyril.
"Oo nga eh, meron ba kayo dyan?" Sagot ni Fham.
" Ahhh, eto nalang kayang galing sa vendo, butasan nalang natin yung dulo?" Biro ko.
"Baliw ka ba? Haha. Yung inuman mo nalang." Sabi ni Daine.
Nilabas ko yung inuman ko saka namin sinumulan. Game na.
Kumanta si Fham ng isang solemn na kanta, at tinitignan lang namin sya. Medyo malakas yung hangin sa labas kasi tag ulan na dagdag pa dito yung sobrang dilim na kasi pagabi na tsaka parang uulan na maya maya.
May isang minuto na ang lumipas since nung kumanta si Fham ng "solemn" na tugtog na parang nagriritwal sya. Dun na kami nagkatinginan nina Daine.
"Ah, Fham.. Di ko alam kung maiistorbo kita o ano, pero kailangan na natin magstart.." Sabi ni Cyril.
Tinignan namin si Cyril na parang nagpapasalamat lalo na't sa wakas huminto na si Fham sa pag "hum" at sa wakas ay baka magsimula na kami.
"Uhhh.. Sorry, hinihintay ko kasi kayo.. Akala ko kasi may hinihintay tayo kaya nag practice nalang ako ng Gregorian Chant namin.." Sagot ni Fham.
What the hell. Lol jk.
"Hay nakern. Ba't di mo sinabi? Daine ikaw na nga lang." Sabi ko.
"Di ko alam kung paano to pero alam ko hahawakan natin lahat dapat yung bote" sabi niya.
Nung nilagay namin yung mga daliri namin sa taas ng bote, ay nasimulan magsalita si Daine na tila parang may hinahanap.. Na multo.
"Hello?"
"Umm.. Di kami naririto upang mangambala pero naririto kami para alamin kung may kaluluwang nais mapayapa kaya sya nangangambala"
"Kung mayroon man... M-maari ka bang m-magparamdam sa a-amin?"Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod rito at tanging ang malakas na hangin lamang mula sa labas ang natitirang tunog.
Malipas ang ilang segundo ay wala paring nangyayari..
Inayos ni Cyril yung upo nya saka sinabing "Alam nyo guys.. Parang wala namang mul--"
Biglang nag "flicker" yung ilaw.
"Ahh.. Guys siguro kailangan na nating itigil to" sabi ko habang tipong tatanggalin ko na yung baso sa board.
Di naman sa nadufuwag na ako o ano pero masama na talaga nafefeel ko..
"Ano ka ba? Kaya yan! Tsaka baka di tayo lubayan ng kaluluwa pag di natin to tinapos!" Sabi sakin ni Daine..
Mas lumakas yung hangin sa labas at biglang umulan na ng mas malakas..
"Game na" sabi ni Fham.
Pagkatapos namin binalik yung pagkakahawak namin sa baso ay nagsimula na nilang kausapin yung.. Kaluluwa...
"Handa ka bang kausapin kami?"
Isang kidlat ang sumilaw samin at bigla naming naramdaman na gumalaw yung baso.
N
O
W
A
Y
"NOWAY?" Pagtatanong ni Cyril sa amin.
"Ansabe?! Ano mong Noway?" Sabi ni Fham.
Napaisip sila at tipong seryosong seryoso habang nakahawak parin sa baso. Halatang kabado sila tapos bigla nalang akong natawa.
"HAHAHAHA XD Joke lang guys, ako yun. NO WAY!! Anong Nohway?! Hahahaha XD" tawa ko ng malakas.
Asar nila akong tinignan at kulang nalang ibato nila sakin yung board ng biglang kumidlat sabay ng mga sigaw nila sa akin..
..at gumalaw yung baso..
This time, hindi na ako yung humahawak..
Isa lamang ang salutang nilapagan ng baso..
"Oo"
Katahimikan. Ulan. Kulog.
Tumingin sila sakin na parang niloloko ko nanaman sila pero ngayon, umiling na ako..
Panay na ang kidlat at kulog sa labas at binuksan ko na ang bibig ko para tanunging, "A-ano pangalan m-mo?"Biglang gumalaw ang baso na tila sumabay sa paglakaa ng ulan.
"Z"
Lakas ng ulan.
"Y"
Kidlat at kulog.
"R"
Namatay yung kandila
"A"
Pumasok yung tindeng lamig at malakas na hangin ng biglang bumukas yung pinto..
BINABASA MO ANG
Class Ghost
Teen FictionSi Zyra, isang simpleng highschool student ay nag-aaral sa Th... --BADUY! ANO BA YAN!? Let me rephrase that... Sa classroom ng 9-St. Peter, sa Thermon University, ay may isang naliligaw at.... DI MAPAKALING multo- itago na nga lang natin...