"Fluiie,bumangon ka na dyan at mag e-enroll ka pa!"
Kainis naman si Mama oh? Ang sarap pa ng higa ko eh. Oh well,bangon na lang at ng makapag enroll na,tutal last year ko na naman ito sa RHS at gagraduate na ako sa March.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at dinala ang mga kailangan sa pag enroll.
Pagdating pa lang sa RHS ay dami ng estudyante. San ba ako dito mag enroll? Sa Main Building ata eh.
At sobrang haba ng pila,kung wala pa yung mga dati kong classmates namatay na ako sa pagka boring.
Matapos ang mahabang pila ay nakapag enroll na ako,sa wakas! I Fluiie Diosdado is now 6th year high school! In short grade 12 na ako. Takte no? Bakit kaya nauso yang k-12 na yan eh!
Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagdesisiyon na akong pumunta sa canteen ng IR. Kaso lang napatigil ako at napa atras sa aking nakita.
Yung mga pangit na nambubully sa akin last year ay nakatambay malapit sa Flag Pole. Iniiwasan ko talaga ang mga iyan eh. Wala na silang ibang nakita kundi ako.
Maganda naman ako sa aking palagay,bunot style ang buhok ko,may eyeglasses ako at retainer. So bakit ako ang pinag iinteresan nila? Ganon ba nila ka gusto ang byuti ko? Mga manyak!
So ang ginawa ko ay dahan dahan akong naglakad,kaso napalingan sa akin yung isa.
"Pota naman oh!" Hindi ko mapigilang sabi.
"Mag tol! Si Panget oh!" Sigaw nung nakakita sa akin at itinuro pa talaga ako.
At yun na nga! Dinaig ko pa si Road runner! Nanakbo ako papunta sa dulo ng IR building. Paglingon ko wala namang humahabol sa akin.
"Tae! Nanakbo pa ako! Hindi naman pala nila ako hinabol!" Inis kong sabi at umakyat na lang sa hagdan.
Usually walang dumadaan dito dahil dulo na nga at tambayan ito ng mga estudyanteng pasaway. Pero umakyat pa din ako ning,mas mainam na to para hindi na ako babalik.
Pa-akyat na ako sa third floor ng may marinig akong ungol ng lalaki.
Huh? Tanghaling tapat may nagmumulto dito? O baka naman may kababalghan sa may CR? Matingnan nga.
Dahan dahan ang bawat hakbang ko,napatigil ako sa aking nasaksihan.
Isang gwapong lalaki ang nakaupo sa hagdan,may pinapanood sa phone niya at mabilis na nagtataas baba ang isang kamay sa dako paroon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko,kinuha ko ang phone ko at palihim ko siyang kinuhaan ng video.
Teka? Parang pamilyar sya sa akin? Pilot section tong gwapo na ito ah?
Ohhhh my geee! Siya nga! Si Isle Victorino na honor student ay ang Ang Bagito Sa Hagdan!
"Shit! Uy! Itigil mo yan!" Bigla niyang sigaw na ikina mulagat ko. Tumayo siya kaya mas nakita ko ang pagkalalaki niya. Inayos niya ito at bumaba na siya. "Video yan diba? Burahin mo!"
"Patay!" Ang bulong ko sa sarili ko.
"Akin na yan! Burahin mo!" Pinilit niyang kumalma,kaya may naisip akong idea.
"Ang Bagito Sa Hagdan,paniguradong magtetrending din ito." Naka ngisi kong sabi. Ibablackmail ko siya!
"What? Hey! You delete that or Ill wreck your neck!" Namumula na ang gwapo niyang mukha.
"Bakit kasi dito mo pa ginawa?! Kasalanan mo din!"
"You... delete that!"
"Habulin mo muna ako!" At bigla na akong nanakbo pababa,siyempre sisiguraduhin kong hindi niya ako maaabutan.
"Humanda ka sa aking pangit ka! Burahin mo yan at mag e-enroll pa ako!" Dinig kong sigaw niya habang hinahabol ako.
- Ayan na ang prologue :) comment and vote kung nagustuhan :3
BINABASA MO ANG
Ang Bagito Sa Hagdan!
RandomIsang sixth year student na beki na nag mamaganda na hindi naman kagandahan anh makakakita ng milagro sa isang hagdan. Ngunit imbis na siya amg manakot sa Bagito ay siya pa ang inalipusta ng nakita niya hanggang sa nagkaroon na sila ng gyera to thin...