"Isle,salamat nga pala sa shirt." ani ko ng nagrereview kami para sa nalalapit ng exam.
"Don't mention it,gusto ko pag kasama kita ay presentable ang suot mo. Hindi na nga maayos mukha mo,hindi pa maayos pananamit mo." suplado niyang sabi habang nagbabasa pa din ng libro.
"Grabe siya o?"
"Bakit? may problema?"
"Wala po,master!"
Haay! kailan kaya matatapos itong pagiging slave ko sa kanya? Don't get me wrong,okay lang naman din pero kasi minsan ang sakit na ng mga sinasabi niya.
Isa pang iniisip ko ay ang mga activities,saan kaya ako sasali? sa cheerdance? hindi pwede magugulo bangs ko,sa choir? hindi din pwede sasabit ang dila ko sa braces ko,sa sports? anong sports naman?
Ang laki na ng pinagbago ng eskwelahang ito mula nung first year ako,imagine anim na taon na ako dito? Isn't it amazing?
"Fluiie?" pagpukaw sa akin ni Isle.
"Bakit?"
"May salamin ba kayo sa bahay?"
"Oo naman,marami!"
"Akala ko wala,kasi mga nababasag pag nananalamin ka!" at tumawa siya. Sige,tawa lang last mo na yan.
Naging seryoso na naman siya sa pagbabasa,matalino talaga siya at nakaka inggit,kaya sinisisi ko din ang sarili ko bakit napunta siya sa section namin.
"Isle,kailan matatapos ang pagiging alila ko? may sarili din kasi akong buhay,alam mo ba iyon?" lakas loob kong sabi,dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin.
"Hangga't gusto ko pa,at hanggang kailangan pa kita."
"Pero,baka pwedeng pag nag top ka sa buong klase ay matigil na to'? yun naman kinakagalit mo sa akin diba? dahil sa akin na late ka mag enroll at nawala sa pilot section,baka--"
"Malabo yan. Pwedeng tumahimik ka na?" ggrrr! sarap niya ihagis sa oval!
Nung uwian na ay diretso na ako sa bahay,wala si Mama baka may pinuntahan. Pagpasok sa kwarto ay humarap ako sa salamin.
"Ganon ba talaga kasama itsura ko?"
"Oo."
"Huh? who's there?"
Charot lang,walang sumagot. Napabuntong hininga ako. Kung mababago ba itsura ko mag iiba na ang lahat? pero tanggap naman ako ni Mama at ng tropa,at ramdam ko din pati si Isle kasi napagtitiyagaan niya ako.
Ilang beses na ba niya akong niligtas?
Waaahh?! bakit parang kinikilig ako?
Nagbihis na lang ako ng pambahay bago pa ako mabaliw. Pumunta na ako sa sala at nanood na lang ng tv.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa malakas na yugyog,si Mama pala dumating na.
"Nag a-aksaya ka ng kuryente Fluiie! Bumangon ka na diyan,bumili ako ng pagkain,kain na tayo." ani Mama at pupungas pungas akong sumunod sa kanya sa hapag.
Ilang araw pa ang lumipas,nagi-guilty na ako dahil hindi na ako nakakasama sa tropa.
"Ano bang meron sa inyo ni Isle? are you a couple? siya na lang lagi mong kasama!" sabi ng tropa.
"Basta! maiintindihan niyo din! magpapaliwanag ako sa tamang panahon." ani ko at tumakbo na papunta kay Isle na naghihintay sa akin.
"Sabihin mo na kasi sa mga kaibigan mo ang totoo." ani Isle ng makalapit ako.
"Saka na,pag sinabi ko sa kanila nawawalan ka na ng slave,at aaka nasanay na akong kasama ka." oh god! huli na para bawiin ko.
"Anong sabi mo? nagkakagusto ka na ba sa akin? pleasw huwag,wala kang aasahan!"
Aray naman! nadulas lang ako eh! napaka straight forward talaga niya,shemay!
"Nagkamali ka ng dinig. Saan naman ba tayo pupunta ngayon?" ang pag iiba ko ng usapan,sakit ah? ang agang heartbreak!
Heartbreak? hala?! gusto ko na siya?
"Maganda na ang malinaw ang lahat." aniya,lumabas na kami ng gate,naka park sa labas ang motor niya,sumakay na siya at nag helmet saka pinasa sa akin ang isa pang helmet at sumakay na ako sa likod niya. "Kumapit kang mabuti."
Edi niyakap ko siya! walang malisya ito promise,ang bango niya at ang sarap sumandal sa likod niya. Sana ganito kami palagi.
Ugh! kung anu-ano na ang iniisip ko! hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya,ako din ang iiyak sa dulo.
Saan kaya kami pupunta? papunta na itong Ugong ah? anong gagawin namin dun. Hindi kasi siya mahilig sumagot sa mga tanong ko.
Nahilo na lang ako,nag road trip lang pala ang walangya at dinamay pa ako. Ngayon balik na kami sa kapasigan,nanlibre ang gago ng street foods dito sa gilid ng Mcdonalds.
"Anong meron?" Sabi ko habang nginunguya ang tokneneng. Paano kaya ito mamaya? sasabit sa brace ko to panigurado.
"Wala naman? Medyo masaya lang na unti-unti ko ng nakukuha ang gusto ko." sagot ni Isle.
"Ano ba ang gusto mo?"
"Secret."
"Alam mo ikaw minsan ang hirap mo timbangin. Pero ayos lang sanay na naman ako." sabi ko sa kanya at ngumisi.
"Kadiri ka! magmumog ka sa Mcdo pagkatapos. Pwede bang tanggalin mo na yang mga bakal sa ngipin mo? nakakairita eh." aniya at ngumiwi.
"Hoy grabe ka! malapit na din ito ipatanggal." ang sabi ko at inirapan siya.
"Kamusta naman buhay mo na slave kita?" seryoso niyang tanong.
Nagsalubong ang mga kilay ko,bakit ngayon lang siya nagtanong ng ganito?
"Buhay ko bilang slave mo? ayos naman,masaya nag e-enjoy ako." nakangiti kong sabi and that's the truth.
"T-talaga?" Ang parang hindi niya makapaniwalang sabi.
"Oo,huwag ka lang manglalait,kumpleto na araw ko." sagot ko ulit
Huminga siya ng malalim at bumaling sa iba saka bumulong.
"Shit! nakakayanig."
BINABASA MO ANG
Ang Bagito Sa Hagdan!
RandomIsang sixth year student na beki na nag mamaganda na hindi naman kagandahan anh makakakita ng milagro sa isang hagdan. Ngunit imbis na siya amg manakot sa Bagito ay siya pa ang inalipusta ng nakita niya hanggang sa nagkaroon na sila ng gyera to thin...