Bagito wan :3

11.2K 269 106
                                    

At dumating ang araw ng pasukan. Wala akong ibang ginawa sa mga araw na naghihintay akong magpasukan na kundi panoorin ng pabalik balik ang video ni Isle Victorino. Nagmumukha na akong manyakis na bading.

Ang gwapo talaga ng isang yon,hindi mo aakalain na mahuhuli ko siya sa ganong akto lalo pa at isa siya sa mga honor students sa section nila nung fifth year pa.

Ngayon,ng dahil sa video ay mahahawakan ko na siya sa leeg. Paniguradong magtataka ang mga tao kung bakit napapasunod ko ang isang Isle Victorino.

Hahahaha nakikita ko na ang future! At paniguradong wala ng mang bu-bully sa akin hahaha!

Hindi nila alam,na ang crush at hinahangaan nila,ang isa sa pinaka matalino sa RHS ay ang bagito sa hagdan hahaha!

Ar super excited ako na pumasok sa RHS,hindi ako nahirapan hanapin ang room dahil obviously sa 3rd floor ako at dulong room. If my memory serves me right,dito din ang room nina Chance at Kiji dati.

Pagpasok ko sa room ang dami ng tao,karamihan mga dati kong classmates kaya more chika more fun ang peg namin.

Kinamusta nila ang bangs ko na parang bunot at pati ang eyeglasses kong mas malaki pa sa mata ng kwago. Sumagot naman ang bangs ko na okay lang siya sa pamamagitan ng pag flip,oha!? Nagpiflip ang bangs ko!

"Ahaha ang sagwa talaga ng retainer mo!" Tumatawang sabi ni Dani,babae po siya at mataba.

"Nakikialam? Gusto mong kagatin kita?" Sagot kong ganyan na ikinatawa nila.

"Wala kang plano magbago ng itsura Fluiie?" Sabi naman ni Faye. Maganda po siya,pang beauty queen ang pesss.

"Hindi na magbabago yan. Sumpa na yan" sabi naman ni Ben na parang ako pero straight siya at may itsura,payat nga lang.

"Ang sama niyo! Inaapi niyo si Fluiie" ang pag segunda ni Troy. Siya ang isa sa pinaka gwapo sa section namin dati.

"Buti pa si Troy! Pinagtatanggol ako!" Sabi ko at yumakap kay Troy. " Salamat Troy!"

"May bayad yan! Libre mo ako ng lunch!" Biglang sabi ni Troy kaya bumitaw ako at nagtawanan ang tropa.

Ang saya lang na magkaka-klase pa din pala kami. I so love them!

"Class! Quiet!" Sabi ng isang boses at natahimik kaming lahat. Kanya kanya kami ng hanap kung saan kami mauupo since wala pang sitting arrangement.

"Ano ba yan? Bakit wala akong katabi?" Ang reklamo ko ng mapansing hiwahiwalay kami ng tropa.

"Im Mrs. Ivy Santiago,ako ang magiging adviser niyo at teacher sa Filipino." Anito at inilibot ang paningin sa classroom. "Usuall tama na sana ang bilang niyo pero may na late ng enroll at dito siya sa section na ito inilagay,he came from the Pilot section at isa siyang honor student. Pakisamahan niyo ng maayos at huwag pakitaan ng ugaling squatter!"

Squattet agad? Grabe naman si Maam. Sino kaya yung nailipat dito sa section namin? Kawawa naman siya.

"Oh,nandito na pala siya." Ani Maam Ivy ng lumingon sa pinto,lahat kami ay humaba ang leeg na parang giraffe dahil sa kagustuhan naming makita kung sino ito. "Pasok na ijo."

Napanganga ako ng pumasok ito. Nilibot niya ang paningin niya sa classroom hanggang sa magtama ang paningin namin.

Automatic na nagsalubong ang mga kilay nito at nagbulungan na ang mga kaklase kong babae.

Nang sinabi ni Maam Ivy na maupo na ito ay napalunok ako ng maglakad siya papunta sa akin.

"This is all yout fault you ugly pokemon" gigil at madiin niyang sabi ng maupo sa tabi ko.

"Hoy! Hindi ako pokemon!" Bulong kong sagot. "Ang kapal ng mukha mo"

Ngumisi ito na ikinainis ko lalo. Wait lang siyang ma blackmail ko siya,hindi na siya makaka ngisi.

"Ha! Ako pa makapal ang mukha? Tingnan mo nga pagmumukha mo! Mukhang nauna ka pa sa mga Homo sapiens at mga taong Java. Siguro halimaw ka o isa kang dinosaur?"

"Anong sabi mo?" Inis na talaga ako teh. "Hindi ako halimaw o dinosaur! Humanda ka sa akin mamaya!"

"Mas humanda ka!" Matapang niyang sagot. Aba? Talagang hindi papatalo ang isang ito ah?

"Sige lang. Mamaya hindi ka na makakapag salita at makaka ngiti oag nakita na ng lahat ang video mo." Ang pananakot kong sabi.

Nag iba ang expression ng mukha niya at mukhang mas galit siya ngayon.

"Subukan mo lang. Ill wreck your neck." Banta niya.

Napalunok ako at napahawak sa leeg ko.

Shet,mukhang mahihirapan akong e-under ang Isle Victorino na ito ah?

Hindi na kami nagpansinan kahit tapos na ang pagpapakilala ng bawat isa.

"I hope maging maganda ang samahan natin students. Pwede akong kaibigan outside the classroom,huwag niyo lang kakalimutang rumespeto okay? Is that clear!?" Ang sabi ni Maam ng matapos na lahat magpakilala.

"Yes Maam!" Sabay sabay din naming sagot.

"And lastly,sino pwedeng magdala ng nga bunot bukas?" Tanong ni Maam,nagtaas ng kamay si Isle kaya nabaling sa kanya ang pansin ni Maam Ivy. "Yes?"

"Ako po may dala ng bunot!" Ani Isle,tiningnan ko ang ilalim ng upuan niya,wala naman siyang dalang bunot. Sinungaling ang walangya.

"Thats good! Nasaan na?" Masaya pang tanonh ni Maam Ivy.

"Ito po Maam,katabi ko! Bunot na,steelwall pa ang ngipin!' Sagot ni Isle at hinawakan pa talaga ang ibabaw ng ulo ko at nagtawanan ang lahat.

Ugh! Hintayin mo ganti ko gago ka!

- yan muna :) BEAUTIFUL DAYS NAMAN TAYO,thank you :3

Ang Bagito Sa Hagdan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon