ALAM KONG ALAM NIYO KUNG ANONG OKASYON ITO SA "ANG BASTOS SA KANTO."
Enjoy reading ;)
Nasa may 7/11 simbahan ako at humihigop ng napakalamig na slurpee ng mamataan ko sa labas si Isle na palingon lingon sa paligid.
Sino kayang hinahanap ng bagitong ' to?
Inalis ko ang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pag higop sa slurpee ng may tumapik sa balikat ko.
"Ark!!" swear,montik ko malunok ang straw!
"Finally found you!" sabi ng pamilyar na boses kaya biglaan ang paglingon ko.
"Isle!" naluluha pa ako niyan. "Walangya ka! Montik ko na malunok ang straw! Are you tryin' to kill me?"
Ngumisi ang gago bago namulsa,ngumuso saka sumagot. "Not now,Fluiie,dadating din tayo dyan."
"Walangya ka! Kriminal!" singhal ko kaya nag tinginan sa amin ang mga tao. Napalunok ako at nakaramdam ng matinding hiya.
"Your mouth Fluiie,baka nakakalimutan mong slave kita? Nag effort pa ako para hanapin ka." seryosong sabi ni Isle at naguilty ako bigla.
"Ano ba kasing kailangan mo?" ang tanging nasabi ko na lamang dahil wala naman ako magagawa na.
"May pupuntahan tayong kids party. Birthday ng kinakapatid ko. Samahan mo ako bumili ng pagkain,kailangan ko ng taga bitbit."
"O sige sige,pwede umuwi muna para makaligo at bihis?"
"Napipilitan?"
"Hindi no?! Sige na tara na!"
Hinintay niya akong matapos maligo at magbihis,buti na lang at wala ang magiting kong ina.
Gumayak na kami,nag taxi papuntang Megamall,true to his word,ako nga ang naging tagabitbit,sandamakmak ang laruang binili ni Isle! Balak ba niyang pag resign-in si Santa Claus?
At yun na nga,panibagong byahe na naman. Hindi na lang ako nagtatanong kasi useless din naman.
Dumating kami sa venue ng kid's party. Napanganga ako pagpasok namin,ang daming bata! Ang function hall para kaming nasa wonderland.
"Isle! Salamat sa pagdating!" napanganga ako sa sumalubong sa amin. "Akala ko nakalimutan mo na?"
"Kasama ba regalo mo para sa anak ko?" oh my gawd! Is this a dream?
"Hoy Chance! Huwag kapal muks?! Kami ni Ioji ang kinakapatid ni Isle,pero siyempre kasama si Chad dun!"
"Joke lang naman Jiko." umakbay ito sa huli. "Kain muna kayo ng kasama mo."
"Tapos na? Akala ko magbabangayan pa kayo. Oo bro Chance,may regalo din ako para kay Chad." ani Isle.
Potangena?! Kaharap ko sila! Nakakahiya! Naalala ko yung ginawa ko sa kanila dati.
Kiji and Chance! Nasa harapan ko! Wow!
"He looks very familiar." ani Kiji at nanliit ang mga mata.
Patay!
"Boyfriend mo tol?" tanong ni Chance at napatawa si Isle.
"Haha! Nagpapatawa ka ba? Magkaiba tayo bro. He is Fluiie,my classmate and slave." sagot ni Isle,napayuko ako at nanliit.
Kailangan ba talagang sabihin iyon? Parang gusto ko ng umuwi.
"Bad. I hate you for that. Puntahan mo na sina Mama at Papa,at maghanap ka ng kausap mo." nakangiwing sabi ni Kiji.
BINABASA MO ANG
Ang Bagito Sa Hagdan!
RandomIsang sixth year student na beki na nag mamaganda na hindi naman kagandahan anh makakakita ng milagro sa isang hagdan. Ngunit imbis na siya amg manakot sa Bagito ay siya pa ang inalipusta ng nakita niya hanggang sa nagkaroon na sila ng gyera to thin...