Bagito por :3

8.7K 215 49
                                    

Parang ewan lang tong si Isle eh! Nandito kami ngayon sa auditorium at nanonood ng play ng mga sophomores,ewan ko din kung bakit isa ang mga section namin sa napiling manood.

"Ang boring nung una." ani Isle na tinutukoy ay ang unang play,makabagong pinoy daw,and I must agree,ang ingay at hindi maayos ang script,parang walang practice na ginawa.

Nilingon ko ang tropa na nasa likuran ko. Kahapon lang nila napansin na panay daw ang dikit ko kay Isle. Syempre nag alibi ako! Sinabi ko na kailangan maging kaibigan ko si Isle dahil matalino siya at kailangan ko ng kokopyahan at magtuturo sa akin,mukhang nagduda sila pero hindi na sila nangulit,baka kalmutin ko sila ng retainer ko.

"Magwewelga ako pag nanalo sila." sabi ko naman. Nilingon ako ni Isle at tinaasan ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay. "Tinitingin tingin mo dyan?"

"Wala lang,ngayon ko lang talaga napagtanto na sobrang panget mo." aniya,ngumisi at binalik ang tingin sa stage.

Nalaglag panga ko teh! Harap harapan niyang inalipusta ang pagmumukha ko! Im gonna break his--nevermind.

Hindi na ako kumibo,may deal kami eh,pero once na matapos ang deal humanda sa akin ang Isle na 'to. Ipapatikim ko sa kanya ang talim ng bangs at retainer ko.

Natapos na ang play at lumabas na kami ng auditorium,bigla akong nanibago sa init ng araw,ang lamig kasi sa loob eh.

"Fluiie,tara na sa canteen." aya ni Ben.

"Hah? Ahm.." napatingin ako kay Isle na busy sa phone niya.

"Subukan mong tumanggi? Bibigwasan ko bahay tae mo ning!" pagbabanta ni Dani,napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Baka may gagawin pa siya,huwag kayong ganyan guys." pag singit ni Troy. Medyo nakahinga ako ng maluwag. "Baka a-aura pa yan."

Napanganga ako. Kaibigan ko ba talaga sila?

"Are you prejudicing me?!" nanliit ang mga mata ko.

"Spell prejudicing?!" sabay sabay nilang sabi na ikinatigil ko.

"Naku! Busy nga pala talaga ako! Text text na lang guys!" sabi kong ganyan,nginisihan ko sila saka ako bumaling kay Isle. "Tara na Isle!"

Lakad takbo ang ginawa ko para lang matakasan ang tropa. Hingal na hingal ako pagdating sa harapan ng gymnasium.

"At talagang ikaw pa ang humila sa akin?" biglang sabi ni Isle. Dun ko lang narealized na kasama ko siya,higit sa lahat hawak ko ang braso niya.

"Pasensya naman!" patay malisya kong sabi sabay bitaw sa braso niya. Nagpaypay ako ng sarili. "Ano ba yan,gutom na ako."

"Oh!" sabay hagis ni Isle ng bag niya sa akin. Buti na lang at listo ako kaya nasalo ko. "Hihintayin kita sa may batibot,dun ako kakain,bilisan mo ayoko ng naghihintay."

Yun lang at naglakad na palayo ang gago! Ang bigat pa naman ng bag niya!

Kaya ang ginawa ko na lang ay sa may canteen sa tabi ng Main building na lang ako kumain. Walang natira sa pera ko! Nakalimutan kasi ng gagong Isle na yun na magbigay ng pera kanina,kung hindi ba naman siya abnormal!

Pagdating sa batibot ay ang dami ng nakaupo. Agad kong nakita si Isle dahil pinapalibutan siya ng mga kerengkeng na beki at babae na mukhang mga freshmen,kaya agad akong lumapit.

"Hoy!" nagtinginan sila at umatras,natakot siguro sa mukha ko. "Hoy Bagito sa hagdan! Ayan na bag mo at ang pagkain mo! Bayaran mo ako! Langya ka,naubos pera ko! Ayoko maglakad pauwi,so give me back my money."

Ang Bagito Sa Hagdan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon