Bagito siks :3

6K 166 29
                                    

AN/Pasensya kung ngayon lang ito nagdugtungan. I promise pag okay na lahat,balik ako sa dati na i-a-update lahat. Pero sa ngayon tumatanggap na ako ng maagang christmas gift hehe!

============================

Ilang araw na nakaka lipas at hindi ko pa din makalimutan ang nangyari. Inihatid ako ni Isle dito sa bahay at parang ang bait na niya that time. Pero at the same time nahihiya ako kina Kiji at Chance at sa mga kaibigan nila kasi umalis ako ng hindi nagpapa alam,ang sama ng ugali ko.

Pero ngayon ay linggo,maaga kaming nagsimba ni Mama at umalis din kaagad siya kaya.mag isa ako dito sa bahay.

Busy ako sa pagwawalis ng may kumatok sa pinto. Agad akong nagtungo dito at binuksan ito.

"SURPRISE!" sabay sabay na sigaw ng tropa.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakapamewang kong sagot.

"Dumadalaw." ani Troyy.

"At magluluto." dagdag ni Dani at iniangat nina Ben at Troy ang mga dala nila.

"Anong lulutuin?" tanong ko.

"Papasukin mo muna kami kaya?" ani Faye.

"Ay! oo nga! pasok kayo mga bisita! nahiya naman ang bangs at retainer ko sa inyo! hala sige pasok!"

Nang makapasok na sila ay dumiretso sa kusina.

"Ang mga rekado ay kompleto na,andito din sa libro ang paraan ng pagluluto." ani Ben.

"Excited na ako." dagdag ni Faye.

"Magluluto ba kayo o mag e-experiment?" tanong ko at nagtawanan ang mga baliw.

"Huwag ka ng mareklamo Fluiie." Ani Dani. "tara e-chop muna natin ang mga rekado."

"Ako na." ani Troy. Busy na din sina Faye at Ben.

"Ganito ang tamang pag chop sa carrots." ani Troy at talagang bumilib kami ni Dani.

"Ang galing mo Troy." ani ko.

"Ingat ka baka mahiwa daliri mo." dagdag ni Dani.

"Dapat talaga maingat kung ayaw niyong mahalo daliri niyo sa mga carrots." sabi ni Troy.

"Ako! gusto kong e-try! ako! ako!" biglang sabi ni Dani. Ewan ko ba sa babaeng ito.

"O sige,basta mag ingat ha?" ani Troy at binigay kay Dani ang kutsilyo.

"Alright! simulan na!" energetic oa tong si Dani.

"Dani,huwag masyadong mabilia baka mahiwa ka." nag aalala ko pang sabi,ang bilis pa mag chop.

"Dont you worry,magaling ako dit---"

"waaahhh! Dani!!" sigaw ko sa takot.

"Dani?" ani Troy.

"N-naputol daliri k-ko.."

"DANI!!! kalma lang! kumalma ka lang! bakit naputol?! Kumalma ka lang,huwag ka mataranta! bawal mataranta! kalma ka lang!" taranta at takot kong sigaw.

"M-masakit....waaaaahhhhh!! ambulansiya! tumawag kayo ng ambulansiya!" umiiyak ng sabi ni Dani.

"Ambulansiya! ambulansiya! Faye! Ben! tumawag kayo ng ambulansiya! kailangan natin ng ambulansiya!!!" sigaw ko dahil natakot na talaga ako.

"Saglit! kumalma kayo! kailangan lang natin ito pagdugtungin ulit at ibabad sa tubig---huh?" si Troy na iniisa isa ang mga na chop ng carrots. "Hindi naman naputol daliri mo Dani."

"Huh? talaga? oo nga no? maliit na sugat lang pala." sagot ni Dani kaya hinampas ko siya.

"Walangya kang babaita ka! natakot ako dun ah? ang over acting mo!" inis kong sabi at nagtawanan sila.

Ang Bagito Sa Hagdan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon