THANKS FOR THE TIP

0 0 0
                                    

Isa siyang batikan pag dating sa pag kuha ng mga larawan, dumating ang araw na kailangan niya ng tumigil.

-------
Tahimik akong nagmumuni-muni sa aking silya malapit sa counter bar kasama ang aking asawang si Mary, ang ganda niya ngayong araw kaya naman nakakapang sisi na hindi ko dinala ang camera ko, upang kuhaan siya ng magandang litrato sa araw ng aming anibersaryo.

"Dating gawi" napukaw ang atensyon ko ng may mag-salita sa likod ko, paglingon ko ay isa palang binatilyo

"Hon,mag ccr muna ako" paalam ng asawa ko kaya agad akong tumango.

Sa pagtayo ng asawa ko ay umupo ang binatilyo sa harap ko.

"Hindi ho ba kayo ang sikat na photographer noon?" Tanong sa akin ng binatilyo.

Hindi ako sumagot at tumango lamang ako ng marahan, bahagya siyang lumapit at nagsalita.

"Turuan niyo naman po ako kung paano mag shot ng tama at eksakto, bago lang ho kase ako sa trabaho ko" ani nito kaya tinuruan ko siya at nagpaalam na aalis at gagawin ang trabaho niya.

Ilang minuto lang ang nakalilipas ay nakarinig ako ng isang malakas na ingay na nagdulot ng pag papanic ng tao sa loob.

Agad akong tumungo sa banyo ng mga babae at hinanap si Mary...

Nakahilata at naliligo sa sariling dugo ang aking asawa kaya dahan dahan akong lumapit, bago pa man ako makalapit sa asawa ko, ay may narinig akong nagsalita sa isang cubicle ng banyo and is holding a gun.

"Thanks for the tip, on how to take a perfect shot"

COLLECTANEAWhere stories live. Discover now