PLAGIARISM IS A CRIME!
Andito ako ngayon sa subway at nagaantay ng sasakyan nakakabahot lng kase kanina pa ako nandito pero wala pa akong nakikitang maganda ay sasakyan pala para makauwi sana sa bahay dahil kakagaling ko lang sa langit ay sa trabaho pala,nakakabagot mag antay kaya naman pumunta ako sa isang stall malapit dito (starbucks) at bumili ng kape natural alangan namang droga bilhin ko dito,habang supsup supsop ko ung straw nung papalabas nako ay may nakasalabong ako (insert the song MAGANDANG DILAG) jusko para akong pinana ni kupido agad ko itong sinunggaban ng halik at tsaka inupo sa lamesa nang biglang.
"Hoy kuya ayos ka lang ba?" Ani ng babaeng nakita ko
"Oo naman bakit mo natanong?" Kunwareng kong tanong psh pakipot
"Ah kase kanina pa tumutulo ang laway nio,tsaka bakit ganun kulay brown" ay nakakahiya ang hilig kaseng mag daydream ni akoh
"Ah kase kape yata ung nakita mo"
Tatango tango siyang nilagpasan ako
"Miss" tawag ko sa kanya kaya agad itong lumingon
"Ikaw na yata ang star sa starbucks ko" puta anong sabe ko?! Jusko ang korny mo Joshua why naman ganun ung banat,agad ko siyang tinignan at talaga namang nanlilisik ang mata nia mukhang siya na ata ang babanat sakin
"Ewan sayo psh" dahil sa sinabe nia ay umalis na siya habang papaalis na siya ay napansin ko ung suot nia karaniwang suot ng mga waitress dito pero bakit iba ung white pants nia? Hala teka?! Nang makita ko ung nasa puwitan nia ay agad kong hinubad ang jacket ko at itanalukbong doon naramdaman ko pa ang pag singhap nia
"MANYA-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin nia
"Wag kang malikot may pulang mantsa ang white pants mo"mahinahon kong bulong sa tenga nia,agad naman siyang natauhan at tinakpan ang mukha dahil sa hiya.
Dahan dahan akong pumuslit sa banyo ng mga babae at pasimpleng inabot ang supot na dala dala ko hindi ko alam kung anong gusto nia kung lumilipad ba o hindi kaya binili ko pareho.
"Alam mo waitress nangangawit din ang tao" ani ko nang hindi pa nia inaabot ung dala dala ko,gayong nakalusot ang kamay ko sa pinto ng banyo
"Hoy buang anong ginagawa mo diyan?" Ani nung babae kanina kaya nagulat nalang ako at wala palang tao ung banyo na argh nakakabadtrip
"Salamat dito ah btw,hindi ako waitress author ako" pagtatama nia sa sinabe ko
"Ahh ganun ba eh kase pareho kayo ng tshirt ng babaeng waitress kanina" pag depensa ko naman
"Ahh kase kaibigan ko un pinahiram nia lang ako kase dun ako sa kanila nakitulog"
"So ibig sabihin lagi kang nandito?"
"Oo maganda kase ang ambiance dito kaya dito ako nagiisip ng mga plot ng story ko"
"Tsaka famous author kaba?" Tanong ko na agad ko ding pinagsisihan kase lumukot ung mukha nia
"Hindi underrated author lng ako,pero naniniwala ako na makakarating din ako sa ganyan" ani nia at biglang lumabas
Sa paglipas ng panahon ay lage na lang ako nandito lage akong bumibilo at lage akong nakikigulo sa kanya hanggang sa narealize ko na nahuhilog na ko sa kanya.
"Apple" tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon at bumalik sa ginagawa nia "pwede ba akong manligaw?"at sa pagkakataong to lumingon siya at tumitig sa akin na para bang binabasa nia ang mukha ko makalipas ang ilang minutong tinginan at basahan ay tumugon na siya
"Sige,pero ipangako mong hindi mo ako sasaktan" deretsahang sagot nia
"Hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan pero ipapangako kong hindi ako magloloko"
Lumipas ang ilang buwan at kami na oficially pero maraming nagbago mostly si Apple hindi ko akalain na napakaselosa nia na kahit mga kaibigan ko ay inaaway nia na at umabot sa puntong....
"Sinasabe ko na nga bat nambababae ka nanaman!!" Sigaw nia at walang segundong bigla niang hinbalot ang buhok ni Maran
"Ano bang problema mong babae ka! Nasasaktan ako hoy Joshua awatin mo nga yang freak na yan! Natauhan ako ng sumigaw si Maran
"Oy teka Apple magpapaliwanag ako!" Agad siyang tumigil at sinampal ako ito ang kauna unahang sampal nia sa akin
"At ngayon ay sinisigawan mo na ako?!" Asik nia
"Makinig ka muna Apple" mahinahon kong sabi sa kanya
"At bakit naman ako makikinig sayo?! Ano pagtatakpan mo nanaman ba?! Nahuli na kita Joshua?!"
"HINDI KA KASE MUNA MAKINIG! PURO KA NALANG DUDA! PINSAN KO SIYA APPLE AT KAKAMATAY LANG NG MAMA NIA NA TITA KO!" bulyaw ko na ikinagulat nia agad naman siyang napatingin kay Maran na umiiyak at tumingin din sakin at bigla na lang siyang tumakbo.
Ilang araw na at hindi padin kame nakakapag usap ni Apple ni hindi ko din siya makita sa starbucks at wala din siyang update sa site nia.
Ngayon ko lang napagisip isip na ang mahalin siya ay nakakasakal din pala,na hindi ko alam na hindi ko papala siya kilala at ngayong nasaktan siya ay hindi ko alam ang gagawin.
Dumating ang anniversary namin at hindi pa din siya nagpapakita hanggang sa tumapat ang mahabng kamay sa numerong 7 (7:00pm) dali dali akong lumabas at kaagad ko siyang nakita mugtong mugto ang mata nia.
"Sumama ka sakin" ani nia
"Mahal mo pa ba ako?" Deretsahang tanong nia
"Mahal kita Apple pero nasasakal na ako" i honestly retorted
"Minahal mo lang pala ako pero hindi mo ako tanggap"
"Teka anong sinasabe mo?" Takang tanong ko
"Lahat ay kayang magmahal pero iilan lang ang kayang tumanggap ng buong pagkatao ng minamahal nila at sa kasamaang palad hindi ka kasama sa kanila" pakiliwanag nia
"Pero isang taon na tayong magkasama nagdududa ka padin sakin,isang taon na pero wala ka pading tiwala sakin,at sa isang taong yun sinasakal mo nlang ako"
"Natatakot lng nmn akong mawalan Joshua,natatakot lang naman akong mawala ka sakin dahil ayokong magaya kay mama na iniwan ng papa namin ayokong umiyak ng patago dahil lang iniwan mo ako na nakikita kong naranasan ng mama ko" napaiyak na siya habang ako pinipilit pading kumbinsihin ang puso kong mahalin siya ulit na ayusin namin to pero hindi pa din sapat
"Alam kong nasasaktan ka ngayon pero mas masasaktan ka pa lalo kung ipagpapatuloy pa natin to" sabi ko na ikaangat ng ulo nia kagaya ng ginawa nia ay tumakbo siya at hindi na muli pang nagpakita hanggang sa nalaman ko nalang na
Wala na siya na matapos ang dalawang araw magmula nung tinakbuhan nia ako ay inatake siya sa puso na hindi ko alam na may sakit siyang ganun at labis labis ang pag sisisi ko kaya hindi ko nagawang pununta ng burol at libing nia,kinulong ko lang ang sarili ko sa kwarto hanggang sa may dumating na sulat na kinabahala ko hindi ako nagkakamali sulat kamay nia ito pero nakalagay dito na mama nia ang sender kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binasa ito na kaagad ko ding nilukot matapps kong basahin at sa pagkakataong ito ay umiyak ako,binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa katangahang ginawa ko na hinayaan kong masaktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
"Sumulat ako ng tula
Para sa iyong kaarawan
At tiyak na itoy iyong magugustuhan"AYOKO NG LUMABAN PA
AYOKO NG IPILIT PA
AYOKO NG MASAKTAN PA
AYOKO MANG MAKITA KANG MASAYA SA PILING NG IBA AY TINATANGGAP KO NA
HINDI NA KITA PAPIPILIIN PA
HINDI NA KITA GUGULIHIN PA
HINDI KANA MAHIHIRAPAN PA
"MALAYA KANA"THE END
hope that you like it but if not sorry for dissapointment.
YOU ARE READING
COLLECTANEA
General FictionCompilation of one shot stories. D.I.S.C.L.A.I.M.E.R this is work of fiction Photo's aren't mine credits to the rightful owner. My source on picture that i've used is PINTEREST AND GOOGLE