Pagkagising ko, Feeling ko gusto kong magtatatalon dahil hindi ako ginising ng nanay ko. Achievement ika nga. Tinignan ko muna ang phone ko, tinignan ko lang kung may text o kaya tawag.
3 text message(s) recieved.
From: Bae<3
Hoy babae. Goodmorning. :')
To: Bae<3
Goodmorning din.
From: She.
Teeeeeeh! Goodmorning malanding damo ka. Ilakad mo na kasi ako kay Jc Honeyy. :3
To: She.
Pokpok -.-
From: unknown number.
Goodmorning.
Si Jonathan to ah? Nagtext? Nuxx hahahahahahaha. Mareplyan nga kawawa naman.
To: unknown number
Goodmorning.
And there tapos na ko magcheck ng inbox wala namang gaanong tawag puro di ko kilala. Makaligo na nga para makalakad na kami ni Jushi.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Binilisan ko kase nasa mood ako kumain ngayon mukang masarap yung ulam. Tinext ko muna si Josh na kakain nalang ako then ready to go na ko. Bumaba na agad ako sa hagdan pagkatapos ko syang maitext.
"San lakad mo?" tanong ni papa sakin habang busy kumain ng fried chicken shete tama nga ako ansarap nga ng ulam *.*
"Ah hehe lalaboy kame ni Josh" Kilala namn ni papa at mama si josh kaya wala akong dapat itago or what.
"Sige umuwi ka ng maaga at buo" Medyo Oa si papa. Mejo lang naman. -.- "Papa as if naman umuwi akong kulang " Nakakainis talaga tong si papa.
"Hahahahaha. Oo nga pala ang mga lalaki ang takot sayo" sabay tawa ng banglakas ni papa. Sabayan pa ng nanay ko hays pag ganito pamilya mo, ewan ko nalang kung kayanin nyo.
Kumuha na ko ng chicken tska kanin. Syempre patay gutom nga po diba? Ang sarap naman kung ganto palagi almusal ko. Oh well wala naman akong pagkain na nirereject. hahahahahaha. Pagkatapos ko kumain ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
"Ma alis na ako. Text nalang kita kung what time ako uuwi" Pagpapaalam ko kay mother earth. "Osige agahan mo uwi mo" Lagi namaan. :3 Hahahahahahaha.
Pagtapos ko magpaalam kay mama ay pumunta na ko sa plaza di naman kasi masyado malayo ang plaza. Umupo muna ako sa paborito kong bench na upuan dito. Tatawagan ko na si Josh.
*Calling Joshua.*
"Nene otw na ko wait ka lang" Di pa nga ako nagsasalita yan na agad bungad sakin?
"Okays" sabay baba na ng phone baka maguusap pa yun eh. After 5 minutes napansin ko yung kotse ni Josh. Teka, bakit parang hindi maitim yung driver? Baka naman kaparehas lang ng kotse ni Josh. Umupo nalang ako ulit dahil mukhang hindi si josh to.
"Hey lets go?" Pagtingin ko sa salamin ng kotse hindi si Josh ang nakita ko. Teka, e bakit si Jonathan to?! Gamit tong kotse ni Josh? "Wait? bakit nandito ka?" Si Josh dapat ang pupunta eh!
"Coz im here" nagwink pa si gago. Ang kapal talaga ng muka neto. Feeling gwapo Puta. Ay gwapo naman pala talaga. Ay tanga Ayra ano? gwapong gwapo ka? Malandi ka Ayra erase! "What the hell? Where's josh?!" Omaygad baka pinatay nya yung bestfriend kooooo.
"I didnt kill him okay? He's going to do something today. So he asked me to go out with you" Ano?! Baliw ata yung si Josh eh. Ano ipapadate nya ko dito?! E gangster tong tukmol na to.
"No thanks. I'm going home" matutulog nalang ako. Mamaya pag napikon sakin to bigla akong sapakin eh. "Im not gonna hurt you dont worry" Hmm? totoo kaya yun? Oo na ba ko?
"Tss Fine. " Buwisit sana naman mabait tong gangster na to. "Hop in" Sabay bukas ni Jonathan ng pintuan. Aba gentleman. Nuxx. Pumasok na ko sa sasakyan. Nasa tabi ako ni Jonathan sa passenger seat.
"Josh said you'll tell me the place? so?" Parang nagaalangan na tanong nya. "Just drive. Ituturo ko sayo" Di naman sya taga dito kaya for sure di nya alam yung lugar na yun.
"Oh okay" Nagdrive lang sya ng tahimik. Nakakailang pag ganto, Gwapo talaga tong nilalang na to. Curly hair parang noodles, Matangos ang ilong. Habang magdadrive sya ay nasisinagan sya ng araw. Kaya lalong gumaganda yung mata nyang color blue. May hikaw syang color black sa kaliwa nyang tenga badboy nga. Natuturn-off ako sa mga lalaking may hikaw kase mukang madumi pero kay Jonathan parang ang cool nya tignan. Bagay kasi sakanya pagtingin ko sa kamay nya, Pansin ko na ang dami nyang singsing. para siguro sa suntukan. Hahahahaha. Para malakas ang tama ng bawat sapak. Ang tangkad nya pa. Sya na, Nakasuot sya ngayon ng white na tshirt. Wow ang linis talaga tignan sa lalaki ng white t-shirt iba atake.
Iniwas ko ang tingin ko kay Jonathan at tumingin na sa labas. Tinuturo turo ko ang way di naman sya nagrereklamo na baka nililigaw ko na sya.
"Hey stop Jonathan" pinahinto ko sya dahil nandito na kami. Sa lugar na hinding hindi ko makakalimutan. Sa lugar naming dalawa. Naalala ko nanaman sya. Kakayanin ko kaya na magstay dito ng hindi umiiyak dahil sakanya?
"Fuck" nag cuss tong nasa tabi ko. Hininto nya na ang kotse. Problema neto? "What?" Gaga to. Sampalin ko kaya to.
"Please Ayra" ano ba problema neto? "Whaat?! Tangina. I didnt do anything Jonathan" Wala nga akong ginagawa nageemote lang ako eh.
"Please stop calling me Jonathan. I hate that name! Call me Nathan for God's sake!" What the hell? Hahahahahaha. bwiset Yun lang?! "Dafuck?!" Hahahahaha. di ko mapigilan tumawa. "Whaaat?!" Seryoso yung mukha ni Jonathan.
"Why?! Its cute tho Jonathan" Pangiinis ko pa sakanya. "Shutup. Call me Nathan. " Hahahahahahaha. Kaya palaaa. Naiirita na sya. Oh well. Aba malay ko ba? E yun yung pakilala nya.
"Josh said your name is Jonathan so what do you expect me to do? Duh." Pangaasar ko skanya. "And as far as i know you didnt object that time. You should said earlier" Hahahahahaha. Di kasi sya agad nagreklamo nung pinakilala sya ni Josh sakin edi sana natama ko na yung tawag sakanya.
"I didnt object that time coz i was busy looking at you" Huh? Now that shut me up. "Alin?" Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Sakanya ko lang huling naramdaman to.
" Nothing Monster" Ano daw?! "what do you mean monster?!" Gago to ah? tawagin daw akong Monster?
"Beautiful Monster" Oh okay. Bakit ganito? Ang gaan ng loob ko sakanya? kung ibang lalaki to for sure nagwalk out na ko. Bakit ganto tong nararamdaman ko? Aww. Ayokong masaktan ulit. Ayra please ingatan mo yang puso mo, kahit ngayon lang.
A/N: Hi hello! Maguupdate po ako later dont worry guys. sisimulan ko na agad yung Chapter 7. Dapat kagabi pa tong Chapter 6 kaso nakatulog na ko. Comment po kayo. and message me. Mabait po ako. :') minsan. Joke! mabait talaga ako. xD
~Delgado.
BINABASA MO ANG
Loving the Boss
RomanceWhen i first saw him, I honestly had no idea that he would be so important to me. At first i hate him because he is known for being a badboy and a total player. But he just made his own way to my heart and made me fall deeply inlove with him.