"San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Josh. Ano naman naisipan neto at may nalalaman pang palabas labas.
"Wala lang. Masama?!" Aba gago to ah. Sya na ng hatak sya pa maninigaw. Iba atake! Pero okay lang antagal ko na ding hindi nakakasama si Jushi eh.
"Obakit pa kasi natin kailangan lumabas pwede naman dun nalang sa loob" Sabi ko sakanya. "Ts. Okay na dito mahangin odiba?" sabay acting na akala mo tuwang tuwa sya sa hangin na nalalanghap nya. Gusto nyo ng baliw? Oo sya po Literal na baliw.
"Magkaaway kayo ni Jonathan diba?" Biglang nag iba mood ko sa sinabe nyang yan. Parang nabadtrip ako na ewan.
"Oo. Tangina nyang kaibigan mo eh. Kung makapangbulyaw akala mo kakainin ako eh. At kung makatingin akala mo bubugbugin ako hanggang sa hindi ako makahinga. Suntukin ko kaya yon!" Pag badtrip ako, napakadaldal ko talaga kaya ayan para nanaman akong bungangerang nanay. Kakauwi lang ni Josh galing Australia binubulyawan ko na. Ambait ko diba?
"Di ka kaya saktan nun" Seryosong sambit ni Josh. Napatingin ako sa sinabe nyang yan. Naglalakad lakad lang kaming dalawa. Anong hindi ako kaya saktan? Bakit? Huh?! Di ko gets. Parang may pinapahiwatig kasi lahat ng sinabe nya.
"Ano? Anong di kaya saktan?" Tanong ko kay Josh. Nakakalito naman kasi yung tanong nya! Isama mo pa yung tingin nyang parang may pinapahiwatig sayo. Kainis ayoko pa naman ng ganto pamystery effect. Nabubwisit ako.
"A-ah.. Eh Wala!" sagot ni Josh with matching cross cross pa ng braso nya. Lalo lang ako nagtaka sa kinilos nya.
"I don't hit girls" Kilala ko yun? Tama kaya ako? Si Jonathan tama nga ako. Paglingon ko nakita ko si Jonathan na nakatingin samin habang nakapamulsa. Napatingala ako na parang sinasampal nya sakin na maliit ako. Fish-tea. Tatangkad din ako!
"Bro" Bati ni josh skanya. Nag apir lang ang dalawa. Ako? Eto nakatunganga sa napakagwapo ay este napayabang na lalake sa harapan ko. Hahahahahaha.
"Okay" sabay talikod ko kay Jonathan. Naiinis kase ako diyan hanggang ngayon kung sigaw sigawan nya kase si She kanina akala mo kung sino syang Boss. ay este Boss pala talaga. Pero wala akong pakealam dahil hindi naman ako member nyang kupal na yan.
"Ay nene mall tayo bukas" masiglang pag aya sakin ni Josh. Baliw ata to eh? Galing na ko sa mall kanina. "Tss. Mall nanaman?! Nandun na ko kanina diba?" Ulyanin talaga tong bestfriend ko.
"Ay oo nga pala. E san mo gusto?" Tanong nya sakin. Hmm? San nga ba? Ah alam ko na! " Magkita nalang tayo sa Plaza bukas may pupuntahan tayo"
"Omaygad Nene! Rerapin mo ko? Noo bata pa ko. Noooo! " -.- Si Josh yan. Tss. "As if gusto kita rapin?" Pagsusungit ko sakanya.
"Sorry na. " sabay peace sign. "Bukas ah?" paninigurado ko. Syempre mamaya ma-talkshit ako ni gago eh. Maganda nang sigurado.
"Okayokay bukas. Just call me pag otw ka na. Dadalhin ko kotse ko" Yess tipid pamasahe. "Osige tawag nalang ako. Uuwi na kayo?" Nakakailang kase habang magkausap kami ni Josh si Jonathan ay nasa likod ko lang at nakapamulsa nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin. -.-
"Di pa kami uuwi pero aalis na kami. May pupuntahan lang kami" Aww parang nalungkot ako dun. Parang gusto kong dito muna sila. Parang gusto kong tignan lang ako ni Jonathan ng ganyan ng buong gabi. Kahit ang creepy ng dating, ansarap sa feeling. Ay puta erase erase! Nalulungkot ako kase namiss ko yung bestfriend ko yun lang! Hindi dahil kay yabang.
"Ah ganun ba. Osige tawag nalang ako" Sabay talikod ko. Pagtalikod ko ay naging magkaharap kami ni Jonathan. Nagkatinginan kami, pero umiwas sya at lumapit na kay Josh. Dederetso na sana ako ng paglakad ng biglang..
"Goodnight Ayra. Sleepwell" napalingon ako. Dahil kung hindi ako nagkakamali si Jonathan yun at tama nga ako. Paglingon ko nakita ko si Jonathan na nakatalikod parin pero nakaangat ang kamay na parang nagpapaalam.
Di na ko sumagot at pumasok na ko sa bahay. Pagpasok ko, naghilamos na ako at ginawa lahat ng ritwal ko bago matulog. Nagpalit na din ako ng Pj's.
Naupo muna ako sa kama ko. Wala akong magawa aba. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang gallery at BOOM. Nakita ko nanaman sya. Nakita ko yung picture namin dalawa. Hindi ko pa pala madidelete lahat to? Ansakit. Ang sakit parin sa dibdib. Na hindi ako makahinga sa tuwing naalala ko sya. Lahat ng panloloko at pananakit na ginawa nya.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako ng ganito katindi. Napadapa nalang ako sa kama ko at binaon ang mukha ko sa unan ko. Dito ko nalang ibubuhos lahat ng sakit. Kanina sinabe ko kay Josh na may ppuntahan kami bukas. Doon kami ppunta. kasi iniisip ko na baka kayanin ko na, umasa ako na kakayanin ko ng pumunta dun ng ako lang magisa at di umiiyak ng ganito dahil sakanya...
Iyak lang ako ng iyak ng biglang
*Incoming call. Unknown number*
Sino namn kaya yan? gabing gabi na. Baka isa sa mga lalaking nangungulit sakin? Masagot na nga ng tigilan na ko.
"Hello?"
"Uhm Hi" Okayyy.. parang kilala ko yung boses ng lalaking to.
"Kailangan mo?" Si jonathan to. Nakikilala ko sa boses eh.
"Uhm, Im sorry Ayra" Wow! Joke yun? Si Jonathan Delgado? Nagsosorry? ! Seryoso? Yung leader nila Josh? Nagsosorry? Totoo yun?
"Sorry for?" Hah nakaganti din. Muhahahahahahaha. Feeling ko nanalo ako sa lotto na napagsorry ko tong hayup na to. Pero mas feel ko ang jackpot kung aaminin nya ang kasalanan nya. Pinunasan ko muna ang sipon ko na tumulo dahil sa pagiyak. xD
"For shouting at you and your Fucking gay friend" Hays. Kailangam may mura habang nagsosorry? Okay na yan! Atleast nagsorry. Ano nga namang aasahan mo sa isang lalaki na leader ng isang grupo ng mga basagulero at magsosorry sayo diba? Jackpot na nga na nagsorry eh.
" Okay" Yan lang ang sinagot ko. Pero deep inside gusto ko tawagan si She at sabihing nanalo kami sa demonyo na to XD
"Ayra are you crying?" Huh? Obvious ba sa boses ko na galing ako sa pagiyak Omaygad. Ganun ba ko kahalata?
"No ofcourse not. Why would i?" Lumusot ka. Lumusot ka lumusot kaaa. Cross Fingersssss.
"Nothing. Nevermind" Yess! Akala ko di lulusot eh. "Uhm okay. Goodnight?" Patanong ko yang sinabe kasi wala na kong maitopic. Kaya matutulog nalang siguro ako. Di namn siguro sya ganun kadaldal.
"Okay goodnight sweetdreams Dream of me" -.- Fuck ang kapal ng mukha.
"Sampal gusto mo?" Bwisit.
"Im pogi i know" Ang kapal. kapaaaaal! Gusto ko na manapak.
"Shut the fuck up will you?!" Kainis. Gusto ko na matulog eh.
"Hahahahaha. Iloveyoutoo" Tawa pa sya ng tawa. Tss.
"Goodnight asshole. " sabay baba ng phone. Bak umusap pa eh. Lalong mawala yung antok ko. -.- Makatulog na nga. Sana magenjoy kami bukas. Sana kayanin kong bumalik sa lugar na yun ng wala sya.
A/N: Hello! nakakainis! Nagtype ako sa laptop tapos ayaw mapublish. Kaya tinype ko ulit tong chapter 5 sa Phone. Thankyou guys sa pagbabasa maguupdate ako kaagad. Comment kayo sa favorite parts nyo. Message nyo din ako. Friendly po ako. And Totoo po ang storyang ito. Lovestory ko po mismo. At si Jonathan po ay boyfriend ko talaga. Thanksssssss. <3
BINABASA MO ANG
Loving the Boss
RomanceWhen i first saw him, I honestly had no idea that he would be so important to me. At first i hate him because he is known for being a badboy and a total player. But he just made his own way to my heart and made me fall deeply inlove with him.