Chapter 14

22 1 0
                                    

Nagising ako ng 10 na. Di manlang ako ginising ni Mama -.- Great! Just great.

Hinablot ko kaagad yung tuwalya ko at pumasok na sa CR kailangan ko na maligo dahil baka dumating na sila Josh nakakahiya naman kasi sa dalawang matalino. -.- 

Naligo na ako agad mas binilisan ko ngayon. Ginamit ko yung tuwalya ko para pang tapis. Kinuha ko rin yung isa ko pang tuwalya para sa buhok ko. Ayaw ko na kasing magtulo sa sahig.

Pagkatapos ko maligo, hindi muna ako nagbihis. sa sobrang taranta ko inuna ko munang ayusin yung mga dadalhin ko. Inayos ko na sa bag lahat ng gamit ko. Nagdala narin ako ng extra na damit kung saka sakaling kailanganin.

"Ayra andito na sila" sigaw ni mama. Ang aga naman netong mga to. Di ba uso sakanila magpalate kahit nga 15 minutes lang? Di na ko nag-atubiling sumagot kay mama. Kumuha agad ako ng damit at short. Ayokong bumyahe ng nakapantalon nahihirapan ako kumilos. Medyo mahaba naman yung shorts ko kaya okay na to. Tsinelas lang din ang sinuot ko, pero may baon akong sapatos para pag naisipan, may magagamit ako.

Bumaba na ako agad kahit di pa ko nagsusuklay. Nagsuklay ako kahit nasa harap ko sila Josh. Obakit ba? Atleast di ako nakahubad! Nagpulbos lang ako at gow. Kinuha ko na yung gamit ko. Ready na ko. Lumapit na ako sa kanila mama. Di ko maikakailang ang gwapo netong dalawang to. Hahahahahaha. Edi kayo na mga kupal to. Pero syempre sa sarili ko nalang to, Lalaki ulo nyan eh.

"lets go" Aya ni Josh. Si Jonathan naman walang paalam na binitbit yung bag ko. Yung totoo? Excited much?

"Oo nga umalis na kayo matagal tagal ang byahe dun" Sus okay lang yan atleast may sasakyan kami kaya di kami mapapagod.

"Sige po Ma, Pa. Alis na kami" paalam ko kay mama at papa ngumiti lang si Josh at Jonathan sakanilang dalawa. Wow ano yun? Sobrang close na? Ngitian nalang? Edi wow. XD

"Ingat kayo" Nagwave si mama. Tumango naman sakin si papa. Tulog pa daw si Ivan sayang di ko manlang nakiss.

Sumakay na kami si Josh ang magddrive, Si Jonathan sa passenger seat so sa likod ako ganon? Sumakay na ko sa likod. Sila Josh na daw bahala sa mga bag.

"Nathan tabihan mo si Ayra dun sa likod ang bromance natin tignan pag dito ka sa harap" Gago tong si Josh. Palusot puta.

Lumipat na si Jonathan sa tabi ko. Umandar na din sawakas. Andaming seremonyas ni Josh eh.

Nahihilo ako sa byahe. Opo, mahihiluhin ako sa byahe. Pag medyo matagal na kong nasa loob ng kotse pero pag saglit lang ang drive kaya ko. Eh wala matagal ang byahe.

Nakakadalawang oras na kami. Nagtatawanan yung dalawa. Ako? Wala lang naman. E pano ko maiintindihan e hilung hilo na ko. Sumandal ako sa salamin at mukang makakatulog na ko.

~~~

Ang sarap naman kayakap ni Ivan. Parang stuff toy. Inamoy amoy ko itong kayakap ko napasarap ata tulog ko dahil kay Iv-an? Teka di namn kasama si Ivan ah? EH SINO TONG KAYAKAP KO?!

Pagmulat ko ng mata ko, Si Jonathan tangina! Isang malaking tangina talaga! Sya kayakap ko?

"Hi" bati nya pa. Di ko sya pinansin at tinignan kung asan na kami. Nasa sasakyan parin kami. Phew akala ko naikama na ko eh.

Inayos ko ang damit ko. Tska ko sya inirapan. Natatawa pa si Josh habang sumusulyap sulyap samin.

"Hoy! bat di mo ko ginising nung nakatulog ako! nakasandal na pala ako kay bungol tapos di mo ko ginising!" Pagbubunganga ko kay Josh.

"Ba! Malay ! E sarap na sarap ka sa pagkakayakap mo eh. " Natatawa pang sagot nya.

"Mangasar ka pa! Tatajakan kita ng walang humpay!" Pananakot ko sakanya.

"Pasalamat ka nga hinayaan ka nya yumakap eh. Alam mo bang walang hinahayaan yan na yumakap sakanyang babae?" Weh? e diba chickboy to?


"Sus" Di ako naniniwala. Eto? e playboy to eh.


"Nandito na tayo" pag dedeclare ni josh. Tinatamad pa ko tumayo. Mamaya na ko bababa. Sa hotel pala muna kami manunuluyan.


"Hoy nene ano? natulala ka na" Si josh yan. Baliw talaga. -.- Si Jonathan dinala na pala sa loob yung gamit ko. Bait nya ah? Kanina nga nung nagsasagutan kami ang tahimik nya eh. Nagcecellphone lang.



Bumaba na ko ng sasakyan. Ang ganda talaga dito sa boracay. Mapapansin mo kaagad yung ganda ng lugar pagbabang pagbaba mo palang. Sariwang hangin. I lavv ettt.


Pumasok na kami sa hotel. Ang alam ko si Josh at Jonathan ang magkasama sa kwarto tapos ako magisa sa kwarto ko pero magkatapat ang kinuha nilang kwarto. Edi masaya kasi ako lang magisa hehe.



"I'll bring you to your room" si jonathan kinausap din ako sa wakas. Ang awkward pag ang tahimik nya eh. -.- Si josh nasa likod lang namin at sumunod na kami sakanya.


Pagpasok namin ng elevator may dalawang jejeshits na nakasakay. Nakacap na eww basta iba ang itsura nya. Yung tipong di katanggap tanggap sa lipunan. Sumakay na kaming tatlo. Si Jonathan nasa tabi ko si Josh naman nagcecellphone sa likod namin. Sa 4th floor kami. Nakatingin yung dalawang jejeshits sakin kadiri tumingin.

Tingin palang masusuka ka na. Ang manyakis pa nung muka ng isa.


Dumidikit sakin yung isang lalaki. Nagulat nalang ako na inakbayan ako ni Jonathan O//O omaygad.


Ang init ng mukha ko shet. Nagbblush ata ako. Kainis bakit ngayon pa. Nung umakbay sakin si Jonathan napatingin yung lalaki sa kamay ni Jonathan at tinignan ito ni Bungol mata sa mata. Umilag yung lalaki at lumayo ng kaunti sakin. Nice nice.

Nauna na kaming bumaba sa dalawang Jejeshits. Nung sumara na ulit yung elevator tska lang inalis ni Bungol ang pagkakaakbay nya sakin.


"Next time put charcoal on your face so that boys will stop staring at you. I hate it" Bulong sakin ni Jonathan pagkatapos nya alisin ang pagkakaakbay nya. Napalunok lang ako at tumango. Nahanap na namin ang kwarto ko at pumasok na kami. Si Jonathan pinasok lang yung bag ko at lumabas na agad ng kwarto.


Humarap ako sa salamin, namumula pala ako. Biglang bumukas ang pinto si Jonathan pala.


"Bigla bigla nalang pumapasok" Kainis naman to. Yumuko ako ng konti para di nya mapansin na namumula ako.

"I forgot my phone" ay oo nga ngayon ko lang napansin na naiwan nya yung cellphone nya.

"And Bansot you're so cute when you blush" My jaw dropped. So kanina nya pa pala napapansin. Sasagot pa sana ako at sisigawan sya kaso lumabas na sya ng kwarto.

Gabi na kami nakarating dito. Dahil hapon na rin kaming nakaalis samin. Kaya humiga na ko sa kama ko. Bukas ko na aayusin tong gamit ko napapagod na talaga ako kaya matutulog na ko.


~

A/N: Hiiiiii! Keep reading. Medyo natagalan ba? Sorry na. xDKeep reading poo. <3

-Dlgd.

Loving the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon