Chapter 22

11 1 0
                                    

"Nene tara na. Alis na tayooo" Kinakalabog ni Josh yung pintuan ko.

"Yung totoo Josh excited" sabikojabang binubuksan yung pintuan.

"Hehehehe tara naa" Ano ba naman yaan. Kung kelan ganto yung pakiramdam ko tsaka pa naging hyper si Josh.

"Eto na poo" Kinuha ko na yung bag ko at sinigurado na wala akong naiwan sa kwarto ko.

Naglakad na kami ni Josh papunta sa kotse. Binuksan nya yung kotse at sumakay na ko.


Hinihintay ko si Josh sumakay inaayos nya pa kasi yung mga bag. Pagsakay ni Josh sa tabi ko, Tinignan nya ko na parang may nakakatawa sa mukha ko.

"Josh wala ako sa mood ah?" -.-

"Bakit naman?"

"Wala lang" Sinimulan na ni Josh magdrive.

"Bakit nga?"

"May girlfriend na sya"

"Oo alam ko. Si nathan?" Tanong ni Josh.

"Oo. "

"Okay ka lang?"

"Sa totoo lang hindi ko alam"

"Gusto ka nya"

"Pero nagkagirlfriend sya agad."

"Nakakainis! Akala ko ba seryoso sya sayo?!"

"Bakit? Nililigawan nya ba ko? "

"kahit na. Sabi nya gusto ka nya"

"Wala na nga, wala akong karapatan Josh. Mahal ko lang sya pero mukhang hindi nya ko mahal kasi may girlfriend na sya"

"Nene"

"Matutulog nalang ako" Kinuha ko yung jacket ko.

Narinig kong nagbuntong hininga si Josh bago ako natulog.

Pag gising ko, nagddrive parin si Josh. Mukhang matagal pa yung byahe.


"Malapit na tayo. Buti nalang walang traffic"

"Oo nga. " Binuksan ko yung bintana. Nakikita ko yung mga taniman dito. May makikita kang open na lugar na may mga kabayo malamig na rin yung hangin. Mukha ngang malapit na kami.

Paglipas ng dalawang oras, nasa tapat na kami ng hotel. Nalibang lang ako sa kakalaro ng temple run.

"Pumasok ka na. Ipapakuha ko lang yung mga bag"

"Okays" Pumasok na ko sa hotel. Uupo nalang ako dito. Hhintayin ko muna si Josh.

Naalala ko nanaman sya. Masaya kaya sila ng girlfriend nya? Malamang. Baka nga nagdedate pa yun eh.

Dumating na si Josh dumeretso sya sa front desk para makipagusap dun sa babae. Jusmiyo ang landi nung babae ah? ano te? Kasama ba sa uniform mo yang cleavage mo? Tss. -.-

"Tara na nene. Ipagluluto moko ah? naggutom ako eh " Sabay pacute nya. Sabi ko na nga ba eh. Kaya di nya ko inutusan na makipagusap sa front desk kasi may iuutos sya. -.-


"Ikaw kaya iluto ko sa kawali?"

"Hehehehe dali naaa. Plithhh " Nagpout pa sya. -.- Pakyut tsk.

"Oo na sige!" ts.

"Yehey thankkks"

Nakarating na kami ni Josh sa kabilang kama ako matutulog. Nagaway pa kami kung sino yung sa malaking kama. Syempre cute ako kaya akin yung malaki. Hahahahahaha.

Ipagluluto ko muna yung kumag. Baka nagugutom na. Mangayayat pa kaming dalawa hahahaha. Pagkatapos ko magluto inaya ko na kaagad kumain si Josh.

Ala syete narin ng gabi. Tahimik lang kaming kumain maya maya si Josh sumisilip sakin parang tanga. -.-

"Pst"

isnob mo lang Ayra.

"Pst"

-.-

"Pst"

-.-

"Pst pst pst pst"

"PUTANGINA YUNG KANIN SA BIBIG MO TUMATALSIK"  bwisit natalsikan pa ko sa mukha ko.

Sige Josh tawa lang tangina. -.-

"Hahahahaha. ayaw mo kasi ako pansinin eh"

"Manahimik ka nga sasapakin kita eh"

"oo na behave naa"

Kumain na kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain ako na naghugas ng pinggan. Ayaw kasi namin kumain nung mga hinahatid. Sus masarap pa ko magluto dun eh. keme.xD


Miss ko na sya

Nako Ayra wag mo mamiss may kasama nang ibang babae. Move on move on din. -.-

Nagayos na ko ng mga gamit ko. Tangina ang hirap matulog ng gantooo! Hindi ko magawa yung gawain ko kasi kasama ko si Josh. Di tuloy ako makatulog. Magbubukas sana ako ng facebook ko.


Kaso, wag na. Baka makita ko pa yung post ni Nathan at ng girlfriend nya.

Humiga na ko, nararamdaman ko nanaman yung kirot. Naiiyak nanaman ako. Tumulala lang ako sa kisame . Lalo ko lang naramdaman yung kirot.


Lumipas ang tatlong araw na wala akong ginagawa. Nakahiga lang ako dito, hindi ko manlang naramdaman yung tagaytay.


Nathan kasi eh

Hayy. Lagi kong naiisip yung mga bagay na ginawa nya. Naiisip ko rin kung gano sya kasaya. Mag aapat na araw na simula nung umalis sya.

~~

A/N: sorry na. emo sya ngayon eh. xD Next chapter, is POV na ni Nathan sana matuwa kayo sa kalokohan nya. xD Thanksss~

#Delgado

Loving the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon