Pagpasok naming tatlo ay nakaupo na sila Mama. Pero wala si Ivan.
"Ma asan si Ivan?" tanong ko kay mama.
"Nasa kanila lolo mo. Wala daw kalaro Lolo mo eh" Ah. Sabe ko na nga ba hiniram nanaman. Pampawala nila ng stress si Ivan eh.
"Pinadala mo ba si Gooffy kay Ivan?" Si Gooffy nga pala ay ang bestfriend ni Ivan. Stuff toy yun na kasama nya since 2 yearsold sya. Sing tangkad nga ni Ivan si Gooffy eh.
"Oo naman papayag ba naman yun na iwan yung laruan nya?" Oo nga naman bakit ko pa nga ba tinatanong? xD
Umupo na kaming tatlo. Si papa ang nasa gitna. Si mama katabi si Josh. At kami ni Jonathan? eto magkatabi.
Bahala nga sila. Basta masarap ang ulam ko *.* Laing muhahahahaha. Sa mga di pa nakakaalam mahilig po ako sa maanghang.
Tahimik lang akong kumain ganon din sila pero si Josh heto tingin ng tingin saming dalawa ni Jonathan. -.- Sige Josh mangbwisit kang hayup ka.
"Bagay pala kayo ni Nathan" Parang naaamaze pa sya. Ts.
"Mukha mo! kumain ka nalang dyan. " Singhal ko sakanya.
"Gwapo naman si Nathan ah?" Panggagatong pa ni mama. Hala sige magsama kayo mga kampon kayo ng lahat ng lamang lupa. -.-
Isa na lang ang pwede kong maging kakampi si Papa! Huhuhaha. Tinignan ko si papa at.. Boom! Ayun tumatawa. -.-
Papa naman eh! Akala ko kakampihan ako. Pero hindi. Derederetso lang sya ng pagkain habang natatawa. Yung parang walang naririnig. -.-
Ganto lang kami sa buong pagkain, Si mama at josh kinikilig at nagkkwentuhan. Panay ang bulungan nila. Si papa naman nagpipigil ng tawa. Kami ni Jonathan? Patay malisya.
Natapos na kaming kumain kaya lumabas muna ako. Bahala silang magkagulo sa loob, gusto ko lang matahimik. Mejo napuno yung utak ko sa pag confess ni Jonathan sakin kanina.
Naupo muna ako sa garden. May upuan dito pero mas pinili kong umupo sa lapag. Sinusubukan kong pakiramdaman yung dibdib ko.
"Heartiee kaya mo na ba?" Tanong ko sa dibdib ko. Wala akong kausap kaya mukha akong tanga. Pero wala akong pakielam ang gusto ko lang malaman kung handa na ba kong tanggapin itong bagong dating para papasukin nanaman dito.
Maluwag sa pakiramdam. Siguro okay na bigyan ko sya ng chance. Pero kikilalanin ko muna sya.
"I can wait" Alam ko na kung sino yan. Sino pa nga bang mahilig umeksena? Si Jonathan lang naman.
"Huh?" anong hihintayin nya? napakabaliw din neto eh. Biglang eeksena tapos di ipapaintindi ng maayos?
"I can wait for you" Ah. Yun pala.
"Ah. Okay" di ko alam kung anong sasabihin eh.
"Lets go outside. " sabay alok nya sakin ng kamay nya para makatayo. Tinanggap ko ito at lumabas na ng bahay. Naglakad lakad lang kami sa paligid hanggang sa makarating kami sa park.
"Pst bansot" Tawag nya. "What?" sagot ko.
"You're maliit" Pangasar. -.-
"Wala ka bang alam na tagalog na word na hindi pamimintas ang meaning?!" bulyaw ko sakanya.
"You're maganda" May nasabi rin syang iba sa wakas. Kinikilig ako shete. -.- xD
"Matagal na" Hah. kala nya ah. Lagi nyang sinasabe na pogi sya pwes ako maganda.
"Bansot" Tawag nanamn nya sakin. Nilingon ko sya.
"Ano nanaman?" Sana sabihin nya maganda ulit ako. Keme. Lande? xD
"Josh and i will have a vacation in Boracay. " Ano to nangiinggit? -.-
"Oh? Ano gagawin ko?" Pagtataray ko sakanya. Para kasing tanga iniinggit ata ako neto eh. Ano naman kung magboboracay sya?
" Kung gusto mo daw sumama" Sabat ni Josh.
"Oo namaaan!" Hehehehehe. Masaya yun naeexcite ako bigla.
"Tanga mo talaga Nathan ano? Aayain lang eh" Sabay iling pa ni Josh. Si Jonathan ayun, walang pake nagccellphone. Naramdaman nya sigurong aasarin sya ni Josh kaya nagpaka busy na. Hahahahaha.
"Kelan ba?" tanong ko kay josh.
"Bukas ng hapon. Kotse ko dala. Kaya kung ako sayo, sumama ka na samin mamili ng mga gamit. " Wow. Hahahahahaha. Teka, plano kami ng plano di pa alam ng nanay ko. -.-
"Sasabihin ko muna kay mama" paalam ko sakanila tatayo na sana ako kaso..
"I asked her awhile ago. She said yes. Dont worry" Aba naunahan pa ko. Close na sila ng motherhood ko? O edi sila na. xD
"Naunahan mo pa ko huh?" Pinagcross ko ang braso ko sa dibdib ko.
"Mas magaling yan manligaw sa nanay kesa sa anak" sabat ni Josh sabay tawa. Talagang pinupush nyang inisin si Jonathan e no? xD
Pumasok na ko at nagpalit ng damit. Nung palabas na kami, para pumunta sa supermarket at makapamili na ng gamit bigla akong tinawag ni Josh.
"nene oh" binigyan nya ko ng papel.
"Ano gagawin ko dito?" Tinignan ko yung papel listahan yun ng mga kailangan nya. Wow ano ko utusan.
"kayong dalawa nalang ni Nathan ang lumakad sabay nyo na rin ako. thanks" sabay walkout. Aba ano yun? Walkout king? May bago nanaman syang title. -.-
Sinabi ko kay Jonathan na hindi sasama si Josh at tumango lang sya. Nagdrive na sya papuntang supermarket at namili na kami. Ohah ansaya. Ako ang namili ng gagamitin nila Josh na kung ano ano. Si Jonathan? Ayun di nagsasalita. Pero like a boss na sya nung nasa cashier na sya daw kasi magbabayad. Ts. Nung una pinipilit ko pang ako na magbabayad pero sya na daw kaya hinayaan ko na.
Headturner tong hayup na to. Pinagtitinginan ng mga babae.Bulungan dito bulungan there. Ano te? Sana dinasalan nyo na! Lalande pisti. -.-
Inis na inis na ko sa mga babae samantalang si Jonathan walang pakialam. Kinuha nya yung bags ng pinamili at nilagay sa kotse. Sa passenger seat ako umupo at bumalik na kami. Nakakailang na lagi syang nakatingin sakin.
Pero ambilis ng tibok ng dibdib ko pag nagkakatinginan kami. Nakauwi naman kami ng matiwasay
xD
Masaya to bukas.. hehehehe. Boracay na disssss. xD
A/N: Sorry nalate ng konti tong isang to. xD Keep reading pows. Pipilitin ko si Nathan mag point of view dont worry. Hahahahahaha!
~Jnthn.
BINABASA MO ANG
Loving the Boss
RomansaWhen i first saw him, I honestly had no idea that he would be so important to me. At first i hate him because he is known for being a badboy and a total player. But he just made his own way to my heart and made me fall deeply inlove with him.