Chapter 31

19 0 0
                                    

After 2 days.

"Ma, ingat sa byahe ah? Si Ivan wag nyo papabayaan. Kayo ni papa baka biglang pabayaan nyo. "

"Opo"

"Yes ma'am"

sabay na sagot ni mama at papa. Kanina ko pa sila pinapaalalahanan ng mga kailangang gawin at kailangan nilang dalhin. Eh kasi naman, nagaalala ako eh! Mabuti nang alam ko na safe sila.

"Ma, yung stuff-toy nyan ni Ivan wag nyo kakalimutan magwawala yan k? Text nyo ko"

"Mama text mo tate gagalit yan sayo" Sabi ni Ivan na kapit kapit ni papa. Natawa naman si Mama at papa.

translation: Mama text mo si ate magagalit yan sayo.

"Oo nga. magagalit si Ate" Sabay tawa pa nila.

"Heh! Tigilan nyo ko. Basta yung tatandaan nyo okay?"

"Oo naa" sabay sabay na sagot nung tatlo.

"Seryoso ako. " tsaka ko kinurot yung ilong ni Ivan.

"Sige na. Ingat ah?" Hinalikan ko silang tatlo sa pisnge at lumakad na sila. Binilin ni mama itong bahay kagabi saakin. Wag ko daw hayaang sumabog ang bahay namin sa kalikutan ng mobs. Tapos, binilin din na linisin ang mga kinainan pagtapos na pagtapos kumain. Maglaba din daw pag puno na ang labahan.

Tulog pa sila hanggang ngayon. Madaling araw naman kasi sila lumakad kaloka -.- Ang kasama nila mama ay sila lolo at ang iba kong mga tita at tito kasama ang mga anak nila. Ako? naiwan malamang! Hahahahahaha. Mga baby din ang kasama nila. Yung iba kong nga tito at tita ibiwan din pala ang mga pinsan ko na ka-edad ko. xD Gusto ata nila nang sila-sila muna. Kami kasi yung mga sakit sa ulo nila. Hahahahaha! Bait bait ko eh.

Pumunta na ako sa kusina, magluluto muna ako ng almusal para sakanila. No choice naman diba? Kesa naman wala kaming makain.

Binuksan ko ang ref sabi ko na nga ba madami paring laman tong ref eh. Si mama kasi, kahapon pa natataranta baka daw kasi magutom ako.

After 45 minutes

Nakapagluto na ako hindi ko lang alam kung maghahain na ba ako kasi tulog pa itong mga kasama ko. -.- Napag desisyon na ko , di muna ako maghahain. Maya maya na ko kakain aantayin ko kahit mga dalawa lang magising sakanila at makasabay ko kumain.

Lumabas muna ako at umupo sa garden, dala dala yung kinanaw ko na kape. Tinext ko na din si mama, di talaga ako matahimik pag malayo sila o kaya alam kong wala sila dito sa bahay. Nagreply naman si mama na okay daw sila at ang hyper daw ni Ivan. Walang ng bago dun daghil palagi namang malikot yung isang yun.

Mukhang hindi na talaga ako aantukin! Aish! Napatulala nalang ako sa paligid napakaboring kapag ganito katahimik. Pumasok na ako sa bahay para manuod ng balita, Doon nalang ako sa sala. Paupo na sana ako sa sofa nang biglang may kumapit sa balikat ko.

"Puta nakakakaba ka naman!" Sigaw ko kay Nathan. He just smiled

"Goodmorning" Bati nya. Bwisit talaga itong lalaking to umagang umaga ginugulat ako. Kung saka-sakaling may dakit ako sa puso malamang patay na ko sa pesteng to. "Nanggulat ka pa talaga. Ts mag gu-goodmorning lang pala" Sabi ko kay Nathan. Nagulat ako nung bigla syang nagpout. "Ay puta paawa ganon?" Tumango tango lang sya. "Oh? Ano gagawin ko?" tanong ko sakanya pero hanggang ngayon nakapout parin sya at tinuro yung labi nya. Alam ko na hinihingi nyan.

"Ah alam ko na gusto mo" May halong lambing na sabi ko. Tumango tango naman si Nathan na parang engot. "Sapak? Sapak gusto mo diba?" Nginitian ko sya habang pinapakita sakanya ang kamao ko.

Loving the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon