Kabanata 36

133 3 3
                                    

River's POV


Hindi na pinatapos pa ni Rio ang sinasabi ni Hans dahil sa mismong harapan ko, pinatay nya ang pinuno ng kasubaki gamit ang espada na ginamit nya nang patayin nya 'rin ang pinuno ng bedropelli.


Hindi ko magawang magdiwang kahit tapos na ang laban. Nanatili akong tulala. Gusto kong umiyak pero wala nang lumalabas na luha sa mata ko.


Aalis si Rio.


At hindi na babalik pa.


"R-river." Tawag nya sakin kaya dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Dun ko nakita si Rehan, Kalen at Tabitha na nasa likod nya kasama na 'rin ang ilang kagrupo nila na nagbibigay galang kila Rio.


"K-kelan?" Hindi ko kaya.


Napatingin ako kay Kuya Aiken na dahan dahang hinawakan ang kamay ko. Kahit sila Rio ay napatingin dun. Lalo na nang haplusin nya ang pisngi ko na hindi ko inakala na may luha na pala.


"Madami ng nangyari River. Makakaya mo 'to."


"A-alam mo din?" Di makapaniwalang tanong ko na ikinabuntong hininga nya.


"Hindi ko alam pero may kutob ako na mangyayari 'to." nakakainis. Isa ba 'to sa itinago nila sakin matapos kong manganak kay Ryan?


"Kelan kayo aalis?" Diretso ko nang tanong kay Rio na diretso lang nakatingin sakin. Pinapanood ang reaksiyon ko.


"Ngayon."


*dugdug* *dugdug*


"B-bakit parang ang bilis naman ata?" Natatawa kong tanong at ramdam na ang pagbagsak ng luha ko. "H-halos wala akong alam ah. H-hindi ko pa ba dapat malalaman kung hindi sinabi ni Hans?"


"R-river."


"K-kahit sila Callie hindi alam?" Tanong ko kila Rehan na nag-iwas lang ng tingin sakin. Wow. "Hindi nyo din alam?" Tanong ko kay Remmie na nakakuyom ang kamao at halatang pinipigilan ang emosyon. Ganon din sila Killian.


"Hindi. Ngayon lang din namin nalaman, River."


"R-river." Tawag ulit sakin ni Rio pero hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.


"Pupuntahan ko ang anak ko."


Killian's POV


Napabuntong hininga nalang ako nang maglakad paalis si River. Aalis nalang 'rin ako. Wala naman akong kailangan pa dito.


Sa bahay agad ako dumiretso dahil alam ko naman na walang tao dito. Kinuha ko ang mga gamit na pwede kong ipanggamot sa sarili ko dahil ang dami kong nakuhang sugat mula sa mga kalaban namin. Masasabi ko na sa mga oras na 'to, ay handa kami. Naging mabilis ang laban. Akala ko ay aabutin kami ng tatlo o apat na araw pero hindi pala.


Ang tanga ko kung gugustuhin kong mag-apat na araw yun para lang humaba ang pananatili nila dito sa hoshiga.


Tangina, wala din akong alam.


"Bat hindi mo ko kinakausap?" Napabuntong hininga ako at kumuha ng bulak bago nilagyan ng alcohol. Parang namanhid ang katawan ko dahil kahit kirot ay hindi ko naramdaman nang lagyan ko ng alcohol ang sugat ko. "Killian."


"Umalis ka na dito." Seryoso kong sabi bago muling naglagay ng panibagong bulak. "Ganon din naman diba? Mas mabuting wag ka ng magpakita sakin para hindi na ganon kasakit."


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon