Kabanata 25

124 3 0
                                    

Simon's POV


"Sayang, hindi ka sumama samin." Malungkot na sabi ko kay Mikael na nakikinig lang sakin. Ilang araw na kaming nakabalik dito sa hoshiga at wala naman masyadong nagbago bukod sa mas dumoble ang bantay dito. "Gusto mo ba dalawin natin si River mamaya? Magkikita kita kami sa opisina ng sage."


"Oo naman. Mahihintay mo ba ako?" Tanong nya na tinanguan ko.


"Ako pa ba? Kahit gaano ka pa katagal, hihintayin kita." Nakangisi kong sabi na ikinangiwi ni Mikael.


Ang ganda ganda talaga nyaaaa


"Kalokohan mo, Simon."


"Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Maghihintay ako sayo palagi. Hindi ako magsasawang gawin yun." Napatigil pa sya at bahagyang ngumiti sakin.


"Gagawin mo yun?" Bahagya pa syang ngumiti sa dumaan na pulis bago nagbaba ng tingin sakin. "Kaya mong gawin yun para sakin?"


"Oo naman noh?! Tss. Kahit maraming nagkakagusto sakin dyan, ikaw pa 'rin ang gugustuhin ko." Mayabang kong sabi na tinawanan nya lang. Kinuha nya yung mga papel na ibinaba nya sa upuan bago ulit tumingin sakin.


"Hindi ka ba naiinggit sa mga kaibigan mo?"


"Huh?"


"Sila. Masaya na dahil alam nilang gusto sila ng taong nagugustuhan nila. Tapos ikaw, hindi ka umaalis sa tabi ko kahit hindi mo naman alam kung ano yung nararamdaman ko para sayo."


"Alam ko kaya!" Nakasimangot na sabi ko na ikinataas ng kilay nya. "Alam ko namang pareho tayo ng nararamdaman. H-hindi lang talaga kita maintindihan."


"Anong ibig mong sabihin?" Tipid na ngiti na tanong nya.


"K-kahit kasi nasa tabi kita, pakiramdam ko ang layo layo mo sakin." Kita ko ang pagseryoso nya sa sinabi ko at ang bahagya nyang pagyuko.


Sana mali. Sana mali ang iniisip ko.


"P-pero ano ka ba! Iintindihin kita! Ganon kita kagusto eh." Nakangiti kong sabi. "Sige na. Magpalit ka na para mapuntahan na natin sila Finn dun. Malamang eh nandun na yung mga yun." Sabi ko na tinanguan nya lang bago ako tinalikuran.


Napabuntong hininga naman at pilit inalis sa utak ang mga naiisip ko nitong mga nakaraang araw.


Imposible mangyari yun.


Nasasaktan ako.


Ilang minuto ko lang hinintay si Mikael na magbihis bago namin napagpasyahan na pumunta na sa training ground ng hoshiga. Nandun kasi sila lahat.


Agad akong sumimangot nang makita ko sila isa-isa.


Si Aiken at Reese na nag-uusap.


Si Finn at Fara na naghaharutan. Mga mahaharot amp. Nakakairita.


Si Tris at Kaye na inaasar ni Mike. Hindi ko 'rin alam kung kelan nagkaayos ang dalawang yan samantalang dati naman kapag nagkikita sila, palagi silang nag-aaway.


Si Killian at Tabitha na mukhang may pinag-uusapan rin habang masama ang tingin ni Maxie sa kanila at si Castrielle na pinagmamasdan si Maxie. Hays.


Si Rehan at Kalen na magkausap habang nasa tabi nila si Callie at Remmie.


Si Rio at River lang ang wala dito. Malamang, hindi maiwan ni Rio si River dun. Nabalitaan ko kase na sa bahay na muna ng Sage mananatili si River sa mga oras na 'to. Ayos lang naman daw kay Rio.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon