River's POV
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rio. Nasagot na ang isa sa mga katanungan ko. Kahit sila Lola ay hindi alam kung ano ang nangyari sa pinuno ng bedropelli. Pagtapos daw kasi nung pagsugod ay hindi na nakita pa ang taong yun. Mukhang ngayon alam ko na kung bakit.
Pinatay sya ni Rio...
"Ibinalik ko na sya sa lugar kung saan dapat sya nababagay." Seryosong sabi ni Rio. "Buhay ang kinuha ko kapalit ng pagpatay nila sa inyo at ang pagpapadugo nila kay River."
"R-rio." Mahinang tawag ko pero mukhang hindi nya ako narinig. Nanatili lang ang kanyang atensyon sa harapan.
"Hindi ako nakontento Mama. Muntik ko na 'ring mapatay si Professor Harlyn." Gusto kong maiyak sa sinabing yun ni Rio. Puno ng emosyon ang boses nya na parang nagsusumbong sya sa mga magulang nya kaya walang pagdadalawang isip kong hinawakan ang kamay nya na ikinabuntong hininga nya. Bahagya pa syang lumingon sakin bago ngumiti.
"Sinubukan kong pumasok sa kulungan." Panimula nya kaya nanahimik na ako. "Ang nasa isip ko lang ay kung paano ko mailalabas ang bangkay ni professor sa oras na mapatay ko sya. Kung hindi lang ako pinigilan ni Aiken, malamang ay wala ng buhay si Professor ngayon." Hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Kuya na seryoso 'ring pinapanood si Rio. Si Tris naman ay parang nagugulat din sa naririnig kagaya ko.
Hindi nya 'rin alam.
Wala 'ring alam si Tris.
"Gusto ko nga pala ipakilala sa inyo ang babaeng pinakasalan ko." Natural ng sabi ni Rio at inangat ang kamay ko para hawakan ang nitso. "Mahal na mahal ko sya Mama, Papa."
Gusto ko umiyak!
"Sinunod ko na kung ano talaga yung gusto ko. Ilang taon akong naging mag-isa. Mag-isang hinarap ang problema. Lahat yun nagawa ko pero hindi ako masaya. Ngayon ko nalang ulit nalaman kung paano maging masaya. Lalo na't nakuha ko na rin si Kuya." Sinsero ang ngiti ni Rio sa mga oras na 'to kaya hindi ko na rin maiwasang hindi mapangiti bago sya tumingin sakin. "Ipakilala mo ang sarili mo, Petrucelli." Kung natural na araw lang 'to, malamang ay inasar ko na sya dahil tinawag nya nanaman akong Petrucelli. Pero dahil nandito kami sa harapan ng mga magulang nya. Hindi muna.
"Magandang umaga po." Panimula ko at binasa ang pangalan na nasa harapan.
Trisha Petrucelli and Ricardo Petrucelli
"Ako po si River. Ang naging asawa ng anak nyo. Sa totoo po, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa bagay na yan." Natatawa kong sabi na ikinatawa na 'rin ni Rio sa tabi ko. "Hindi ko naman ho kasi inaasahan na makikilala ko ang anak nyo sa ganong panahon. Napakakumplikado."
Muli kong naalala lahat ng nangyari samin ni Rio. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
"Ang dami pong hadlang. Ilang beses po kaming umiyak pero sa kahuli-hulihan naman ay sa isa't-isa pa 'rin ang bagsak. Nagpapasalamat po ako sa inyo. Salamat po kasi hindi nyo po pinabayaan si Rio at si Tris nung mga panahon na hindi pa sila nagkikita." Nakangiting sabi ko na ikinatango ni Rio. Saglit pa kaming nanatili dun bago kami bumisita sa mga warrior ng hoshiga village. Isa isa ko silang binigyan ng bulaklak. Sandali lang ako nagbigay galang bago kami naglakad papunta sa opisina ni Papa.
Tanghali na rin naman kaya sa tingin ko ay makakasabay kong kumain sila Mama sa opisina ni Papa. Si Mama daw kasi ay nagluto. Sa katunayan ay kanina pa ata kami hinihintay nila Mama dun. Pfft. Ilang warrior pa ang nakasalubong namin na bumati samin. Yung iba ay nag-congrats pa samin na nginitian naman ni Rio. Natatawa pa ako kasi nagugulat pa yung ibang warrior kasi ngumingiti si Rio.
BINABASA MO ANG
Battle Of Hearts (Book 2)
AdventureIn the battle between the heart and the mind, winners always listen to their hearts. This is the continuation on how the hoshiga warriors fight for their hearts.