Kabanata 18

121 3 0
                                    

River's POV


Mamaaaaaa!! Ang sama ng pakiramdam ko!! Argh!


"Tss. Ako na magluluto." Seryosong sabi ni Rio na nasa likuran ko pala. Nag-iisip kasi ako ng lulutuin dito sa kusina pero sumasakit talaga ang ulo ko. Ang daming laman ng isipan ko at hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.


"Hindi. Ako na." Agaw ko sa kanya nung nililinisan kong gulay.


"Bat ang tigas ng ulo mo Petrucelli? Umupo ka nalang dyan." Utos nya sakin na ikinasimangot ko bago umupo sa upuan at pinanood nalang syang magluto.


"Rio."


"Hmm."


"Anong gagawin ko? Naguguluhan na ako." Emosyonal kong sabi na ikinalingon nya. "Paano ba matatapos 'to?"


*sigh*


"Ako na ang bahala dyan. Wag mo na isipin." Napatingin ako ng diretso sa kanya dahil sa sinabi nyang yun. Parang may kahulugan.


"Paanong ikaw na? May...,hindi ka ba sinasabi sakin?" Seryosong tanong ko na ikinatigil nya pero agad 'rin namang lumapit sakin.


"May tiwala ka ba sakin?"


"R-rio."


"Magtiwala ka sakin." Tango lang ang isinagot ko bago naramdaman ang bahagya nyang pagyakap at paghalik sa noo ko. "Mahal na mahal kita, River."


...


"Ano bang gusto mo Rio? Kanina mo pa ako tinititigan." Napipikon na sabi ko sa kanya na ikinatawa nya. Paano ba naman? Pagkatapos namin mananghalian, napagpasyahan namin na manatili nalang dito sa bahay kaya nagbasa nalang ako ng libro habang nasa harapan ko sya at mukhang may binabasa din. "May gusto ka ba?"


"Oo."


"Ano? Magluluto ako." Sabi ko at bahagya pang pinagpagan ang sarili ko dahil handa na akong magluto pero agad nya akong hinila palapit sa kanya. Napaupo pa ako sa gitna ng mga hita nya. "Bakit? Ano bang nangyayari sayo?"


"Gusto ko na magkaroon ng anak."


"Nasisiraan ka na ba?" Nakasimangot na sabi ko at nilingon sya mula sa likuran ko. Nahirapan pa akong tingnan sya kasi mahigpit ang yakap nya sa bewang ko. Minsan talaga parang ibang Rio ang kaharap ko sa Rio na nakikita ko sa tuwing ibang tao ang kausap nya. "Alam mo naman na may problema tayo tapo—"


"Ayaw mo ba?"


"G-gusto."


"May kailangan pala akong puntahan bukas." Natural na sabi nya at isiniksik ang sarili sakin.


"Saan naman?"


"Hindi ko alam eh." Kibit balikat na sabi nya at bahagya pang tumingin ng diretso sakin. "May kakausapin lang ako."


"Sino nanaman?" Taas kilay na tanong ko na ikinahalakhak nya. Tuwang-tuwa sya tanong ko samantalang ako eto, naiirita na sa kanya.


"Bakit ba hindi ka naniniwala sakin na ikaw lang talaga."


"May tiwala naman ako. Wala lang akong tiwala sa mga taong nakapaligid sayo." Nakasimangot pa 'rin na sabi ko.


*chuckles*


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon