Simon's POV
Tuwang-tuwa ako habang naglalakad papunta sa station. Aba kung hindi nyo naman naitatanong. Ngayong araw ko balak ipakilala si Mikael kay Rehan. Siguro ay makikita ko 'rin naman mamaya si Rehan. Sa ngayon ay pupunta muna akong station dahil baka namimiss na ako ni Mikael. Hindi biro ang limang araw na pagkawala ko. Baka nalulungkot na yun.
Kinawayan ko pa ang mga nakakasalubong ko na warrior na binabati 'rin naman ako. Bago ako dumiretso sa opisina ni Papa na mukhang aalis pa ata.
"Saan ka pupunta Pa?"
"Sa sage. May pag-uusapan kami. Bakit? Ako ba ang ipinunta mo dito?" Kunot noong tanong nya na ikinangiwi ko.
"Malamang. Wala naman akong ibang tao na pwedeng bisitahin dito sa station."
"Tss. Lumayas ka sa harapan ko. Nakaduty yung babaeng nagugustuhan mo."
"Duty? Hapon na nagduduty pa 'rin sya?"
"Malamang. Hindi naman kasi pareho ng trabaho nyo ang trabaho namin."
"Oo na Pa. Umalis ka na."
"Talaga kang bata ka. Tss. Mauna na ako." Bahagya nya pa akong tinapik na ikinangiti ko nalang bago dumiretso sa loob ng kulungan. Alam ko namang nandito si Mikael.
"Si Mikael ho?" Tanong ko sa isang matangkad na lalaki na pulis din na nagbabantay dun sa unang pintuan. Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago sya nagsalita. Tss.
"Nasa kulungan sya ni Professor Harlyn."
"Pwede ba ako pumunta dun?" Naghahangad na sabi ko pero tinanguan nya nalang ako at hinayaan na makapasok sa pintuan. "Salamat tol."
Inilibot ko pa ang paningin ko sa mga taong nakakulong dito. Sa unahang bahagi nito ay yung mga taong mabilisan lang ang pananatili dito at habang lumalayo ang kulungan mo, mas malalang parusa ang nakapatong sayo.
Kagaya nalang ni Professor Harlyn. Halos nasa dulo na ang kulungan nya dahil sa ginawa nya. Marami syang kasalanan na ginawa at ang isa pa dun, napatay nya si River. Saksi kaming lahat sa nangyaring yun. Halos gusto syang ipapatay nila Aiken. Kahit alam ko namang kaya nilang patayin 'yun ng sila mismo ang gagawa, mas pinili pa 'rin nila na sumunod sa batas.
Tsaka hindi ba't mas maganda yung ngayon? Habang buhay nyang pagbabayaran yung kasalanan na ginawa nya dahil hinding-hindi na sya makakalabas sa kulungan na 'yan.
Napakunot ang noo ko nang ilibot ko ang paningin ko sa madilim na bahagi ng kulungan na ito. Hindi ko kase nakita si Mikael. Akmang aalis na sana ako nang may mapansin akong tao kaya agad kong itinutok dun ang kunai ko.
Si Professor Harlyn.....
na nakakadena ang parehong paa. Nakakaawa na ang itsura nya. Pero tama lang sa kanya ang bagay na yan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin na ikinabuntong hininga ko. Hindi nya naman ako malalapitan dahil nasa loob sya ng kulungan.
"Malamang sa malamang hindi kita binibisita. May hinahanap ako." Seryoso kong sabi na ikinangisi nya.
"Mukhang dahil sa nangyaring yun ay nagbago na 'rin ang pakikitungo mo sa akin. Hindi ka naman ganyan sakin Simon." Sarkastiko akong natawa dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Battle Of Hearts (Book 2)
PertualanganIn the battle between the heart and the mind, winners always listen to their hearts. This is the continuation on how the hoshiga warriors fight for their hearts.