Kabanata 21

139 7 4
                                    

Finn's POV


"Bilisan nyo na." Natural na utos ni Killian na ikinasimangot ko. Naiilang ako! Bat sila pa ang kasama ko?


"Ayos na ba? Aalis na tayo. Magkita-kita tayo sa san andres pagkatapos nyo mapuntahan ang lugar na pinapapuntahan ko sa inyo. Ayos na ba yun?" Tanong ni Aiken kaya sabay sabay kaming napatango. Para kaming nasa misyon.


Magkakasama sa isang grupo si Castrielle, Maxie, Simon at Reese. Tapos si Remmie, Callie at Killian naman. At ako, kamalas-malasan, ang kasama ko ay si Aiken at Fara. Mga pota! Nananadya 'tong mga 'to eh! Ramdam ko!


Parang mga ulol, alam naman nilang hindi kami nag-uusap ni Fara tapos pinagsama pa kami. Tss.


"Mag-iingat kayo." Kaswal na sabi ni Killian bago tuluyang nawala sa paningin namin. Pota! Ang bilis naman nung mga yun.


"Tara na 'rin." Sabi ni Aiken at nauna ng maglakad. Sumunod naman si Fara kaya sumunod na 'rin ako.


Ang plano ay pupuntahan namin yung kweba na bahay ni Mike. Hindi ko alam kung paano kami makakapasok dun eh hindi naman namin alam kung paa——


"Aalis na ba tayo?"


"Eh? Kasama ka?" Nagugulat na tanong ko kay Mike na ngumiwi sakin.


"Siraulo ka ba? Malamang. Ayokong manatili sa Hoshiga. May kalaban."


"Sino bang kalaban kase yung sinasabi mo?" Inis na sabi ko na ikinatawa nya.


"Hindi nyo pa 'rin pala alam? Hayaan nyo, pakiramdam ko naman malalaman nyo na yun ngayon." Nakangiti nyang sabi bago naunang sumakay sa tren.


Buong byahe ay tahimik ako. Paano ba naman? Si Mike at Aiken lang ang nag-uusap! Kami ni Fara! Argh! Naiilang ako! Nakakainis!


Tumingin nalang ako sa bintana. Medyo madilim na 'rin sa labas pero kahit papaano naman ay may nakikita pa ak——pota! Si River ba yung nakita ko?


"Ai—-aray!" Reklamo ko nang maramdaman na sinipa ako ni Fara sa paa nang akma kong tatawagin si Aiken.


"Pwede ba tayo mag-usap?" Madiin na tanong ni Fara na ikinagulat ko pa.


"H-ha?"


"Mag-usap tayo." Seryoso nyang sabi at nauna ng maglakad papunta sa dulo ng tren. Kinakabahan ako. Nang makaupo sya sa dulong banda ay tumingin sya ng diretso sakin.


Marupok ako pota!


"A-anong sasabihin mo?"


"Pwede bang...., wag mong sasabihin kay Aiken yung nakita mo?" Nag-aalangan na tanong nya na ikinakunot ng noo ko.


"Nakita mo 'rin si River?"


"Oo. Sa mga oras na 'to, walang makakapigil kay River."


"Alam mo?" Nagugulat na tanong ko na ikinatango nya.


"Pagkatapos nating mag-usap usap, kami namang mga babae ang kinausap ni River tungkol sa plano nya. Kikitain nya tayo sa San Andres. Ang gusto nya, tahimik tayong pupunta dun ng walang nakakaalam. Isipin daw natin na may tao dun at huhulihin natin kung sino."


Shitt....


"P-pero meron talaga?"


"Meron." Literal na tumibok ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sinabi nyang yun. Hindi ako makapaniwala.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon