River's POV
Natural na araw lang ang meron samin ngayon. Pagkalipas kasi ng ilang linggo, bumalik na ulit sa mga misyon sila Rio. Ako naman ay hindi ko pa maiwanan si Ryan kaya ako ang kasama nya palagi. Gusto ko mang sumama sa mga misyon, pero hindi ko magawa.
"Ano? Gusto mo 'to?" Nakangiti kong tanong sa anak ko na ngumiti lang sakin. Jusko! Napakagwapo ni Ryan! Nakakaloka! Kuhang kuha sakin ang itsura! Hehe.
Pinahawakan ko sa kanya ang pangpana ko na lalo nyang ikinangiti. Hindi ako makapaniwala. Ngumingiti na sya. Napakagwapo!
"Pahiram naman ako kay Ryan." Napatingin ako kay Castrielle nang bigla syang lumapit sakin.
"Oh? Ang aga mo naman ata bumalik." Kinuha nya muna mula sa kama si Ryan at tumingin sakin.
"Hindi ako tumanggap ng misyon ngayon."
"Bakit naman?" Bago yun. Palagi namang kasama si Castrielle sa mga misyon ng warrior pero ngayon....
"May inasikaso ako."
"At ano naman yun?" Naghahangad na tanong ko. Gusto kong malaman pero wala talaga silang sinasabi sakin. Siguro naman sasagutin ni Castrielle ang mga tanong ko. "Pwede ko bang malaman?"
"A-ano kase River."
"Para may magawa man lang ako, Castrielle." Kita ko ang unti unti nyang pagbuntong hininga.
"Sinubukan kong maghanap ng impormasyon tungkol sa paparating na gulo. Hindi ba't nakakapagtaka? Ang tagal naman ata nila sumugod? Samantalang inaasahan na natin ang pagdating nila matagal na."
"M-may nakuha ka bang balita?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya.
"Sa katunayan, hindi sapat ang nakuha kong impormasyon. Napakagaling ng grupong ito, River. Akala ko ay simpleng grupo lang sila pero masyado na nila tayong pinapahirapan."
"Kung ganon, sinasabi mo ba na...,mas mahirap yung magiging kalaban natin?"
"Hindi ko masabi na magaling sila dahil konti palang naman ang nalalaman ko. Basta sa ngayon, kailangan natin maghanda. Hindi dapat tayo makampante kahit may mga nakuha na tayong ilang tao."
Totoo ang sinabi ni Castrielle, yung mga listahan ng pangalan na ibinigay ni Mikael ay naging napakalaking tulong samin. Naaresto na ang mga taong yun pero wala man lang kaming nakuhang impormasyon. Para bang nakaalay na ang buhay nila sa grupong kasubaki. Ang tanging hindi lang talaga sumunod sa kanila ay si Mikael. Si Mikael na sinunod kung ano naman talaga ang tinitibok ng puso nya. At yun ay ang protektahan kaming lahat.
"Alam mo ba, sa tuwing nakikita ko ang anak mo para kong nakikita si Rio nung mga bata pa kami." Nakangiting sabi ni Castrielle kaya napalingon ako sa kanya. "Yung itsura nila na ang seryoso tingnan. Tapos yung paraan nila ng pagtingin sa mata ng isang tao na parang inaalam nila yung katauhan nito."
Totoo nga siguro yung sinasabi nila na sa tuwing nakikita mo ang anak mo, nawawala lahat ng problema mo sa buhay dahil nang mapatingin ako kay Ryan, parang naging okay nanaman ako.
"Gusto ko na 'rin magkaroon ng pamilya." Napangiti ako sa sinabi ni Castrille. Hindi ko akalain na maririnig ko 'yan sa kanya.
"Ano na bang balita sa inyo ni Maxie?" Gulat syang napatingin sakin pero agad din namang bumuntong hininga. Gusto kong matawa.

BINABASA MO ANG
Battle Of Hearts (Book 2)
AventuraIn the battle between the heart and the mind, winners always listen to their hearts. This is the continuation on how the hoshiga warriors fight for their hearts.