02

24 2 0
                                    

Chapter 02


"That's what I'm trying to say earlier but you refused to hear me out!"

Sinipa ko sa ilalim ng lamesa si Ava dahil ang lakas ng boses niya, nagtitinginan tuloy sa direksyon namin ang ibang estudyante. Nasa cafeteria kami, kumakain ng snacks kasi recess time namin ngayon.

Ava and Kaela went to my room and asked me to take the recess together.

Sumama naman ako kasi ayokong kumain ng snacks mag-isa. And here I am, nagkukwento about doon sa nangyari kanina sa loob ng room.

"So sinasabi mo na nalate ka tapos naubusan ng bakanteng upuan sa loob and then Clyde volunteered to get you one?!" OA na reaksyon ni Kaela.

Isa pa 'to. Masyadong maingay at malakas ang boses.

"Hinaan mo boses mo, gaga!"

"Omg! I think he likes you, Lexa."

Nagkagat labi ako. Binigyan niya agad ng meaning 'yon. He's just being nice and for all I know, Clyde is known for his kindness and being gentleman.

Kaya nga ang dami niyang nabibingwit na babae without efforts.

"Speaking of Clyde, he just entered the cafeteria!" Bulong ni Ava sa 'kin.

Nasa harapan ko siya at alam kong kita niya ang entrance door ng cafeteria. Nakatalikod naman ako kaya hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o nagsasabi ng totoo.

I calmed myself down.

Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagkain ng isang burger.

"Dadaan siya! Palapit na siya!"

Si Kaela naman ngayon ang sumiko sa 'kin. She's beside me. Nakatingin siya sa likod. What the hell? Nagpapahalata sila sa ginagawa nila e!

"Ayan nakalampas na, akala ko pa naman titigil siya sa pwesto natin at tatabi sa 'yo.." Ava said, disappointed.

Nakahinga ako ng maluwag. I glanced at Clyde who just passed our table. Kasama niya ang mga kaibigan niya. I noticed that some of the girls inside the cafeteria are looking at him. Huminga ulit ako ng malalim at nagpatuloy na lang kumain.

After recess, we went to our respective room. Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang next prof namin.

I couldn't focus my whole attention to the class because Clyde is somehow near me. Nasa likod ka kasi siya dahil doon niya ipinwesto ang upuan na kinuha niya kanina. Parang anxious ako na nasa hulihan siya at kita niya ako. I can't almost move because I think he's looking or observing me!

"Ms. Acosta? Are you with us?"

Nagising ang diwa ko nang marinig ang pagtawag sa 'kin ng prof namin sa 21st century.

"Y-yes, sir!" Natatarantang sagot ko.

"I was calling you for three times but you seem so occupied, may bumabagabag ba sa 'yo Ms. Acosta?"

Seriously? He calls my name three times?

Ganun ba ako ka-occupied para hindi siya marinig? My gosh, I think I really need to calm myself. This is not good. Sabi ko na e. Hindi magandang idea na nasa same class kami. I couldn't engage to the lesson because of his presence.

"Sorry, Sir.." Sabi ko.

Buti na lang at hindi na rin siya nag-usisa. I tried to pay attention to the class after that which is effective naman. Nawala rin ng kunti sa isip ko na nasa likod ko lang si Clyde.

Anyway, what's the matter?

Hindi niya naman alam na gusto ko siya. And I won't let him know about it because it will just make everything more awkward.

Untamed Ride (Acosta Series)Where stories live. Discover now