04

16 2 0
                                    

Chapter 04


"Hindi ka ba kakain, Lexa?"

Nanatili ako sa loob ng kwarto ng halos isang oras matapos ko silang iwan sa baba. Sinundan ako ni Nanay Linda para alukin na kumain. For some reason, nahihiya akong bumaba.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Busog ako, Nay!" Sigaw ko para marinig niya.

Actually gutom talaga ako pero ayaw ko talagang bumaba. Lily have told Gabo that I almost cried when I thought that he's lost or something bad happened to him. He'll probably think that I'm so worried. Tama naman. Nag-alala talaga ako, nag-alala sa wala. After all, I'm still thankful na walang nangyari sa kanyang masama.

"Nakung bata ka, baka ikaw ay malipasan ng gutom niyan? Bumaba ka na lang kapag nagutom ka ha? Nasa mesa lang ang pagkain!"

I was up till 12 AM. I'm planning to go downstairs once everyone is asleep. Gutom na talaga ako e. Anyway, wala namang pasok bukas kaya okay lang na magpuyat.

At exactly 1 AM, I decided to go down. I tried to sneak my head behind the door to see if the lights were off. Bukas ang ilaw sa labas ng bahay at sala pati dito sa corridor, the rest ay hindi. Dimmed naman ang lights sa sala so wala namang sigurong makakapansin sa 'kin.

Wait? Why am I afraid to be seen?

Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan. I was looking around, checking if there's someone who's still up.

Thankfully, wala naman.

Dumiretso ako sa dining area. I opened the refrigerator to get cold water. Uminom ako ng tubig at tumingin sa malaking dining table kung meron pang pagkain.

Adobo, kari-kari at frozen foods ang nakita ko. Hindi pa ba 'to panis? I guess not. Kanina pa lang naman 'to e.

Naupo ako sa center chair at nag-umpisa nang kumain. Ang sarap kumain kapag gutom kaya halos mabilaukan ako dahil sa bilis kong kumain.

"Aaaaa! Fuck!"

I lost my soul for a second when I felt something on my feet. Thanks to the dim lights, nakita kong dinidilaan ni Blossom ang paa ko. He barked at me. O my god! Ang ingay niya.

"Shhh.. 'wag kang maingay!" I patted his head but he can't stop barking. "I said shut up.. they might hear you, baby."

The dim light from the living area suddenly light up. Someone turned it on! Nag-panic ako. Hinawakan ko si Blossom at hinila siya sa ilalim ng mesa. Sunod na bumukas ay ang ilaw sa dining area.

"Why the hell am I hiding here?" Tanong ko sa sarili.

I heard someone's footsteps. The fact that I'm still holding a chicken wing and chewing rice. Blossom barked once again and leave me breathless! Tumakbo siya palayo sa ilalim ng mesa at sinalubong 'yong pumasok.

Okay, I think it's time to get exposed.

Before I could get up, Gabo already bent down just only to see my position. Si Gabo!

"Anong ginagawa niyo diyan, Madam?"

He's smiling again. I think he's trying his best not to laugh at me. He even looked away, maybe to hold his laugh back. Nagmadali akong tumayo at umalis sa pagkakatago nang mauntog naman ang ulo ko sa mesa.

"Aray!" Kunting sigaw ko.

"Ayos ka lang ba, Madam?"

I got goosebumps when he caressed my head, trying to see if I'm hurt. Nanigas ako at nakalimutan ang sakit ng ulo. I can't even blink and breath properly when he's being this close.

Untamed Ride (Acosta Series)Where stories live. Discover now