Part 8

5.2K 168 0
                                    

"I wish its easier for me and for both of us Lex." .....

Hanggang pag gising ko, yun ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ni Lyra, and I want to help her, I want to comfort her in every way I can. 

Tama! Lyra baby, I will make you happy in every way I can, kahit sa ganitong way lang maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko.

Tumayo ako sa kama ng nakangiti, kumekembot akong nagpunta ng comfort room. Syempre wala na  naman si Lryra my loves ko kaya naiwan na naman akong mag isa dito, medyo busy siya ngayon kasi malapit na ang anniversary ng shool pati na din finals.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, just in time for our breakfast. Pag dating ko sa dining area, nakita ko si Lyra na kumakain mag isa sa table namin.

Aba. Hindi ata siya sa teacher's table nakain. 

Kumuha na ako ng pagkain ko at umupo na sa tabi ni Lyra para sumabay na pag kain.

Wala siyang imik ng tumabi ko, tuloy-tuloy lang ito sa pag subo. 

Ano bang problema ng babaeng ito? Kahapon pa siya ah.

"Lyra ano b-...." 

"Kamusta ang gising mo? Sorry about kahapon ha, naging busy lng." Putol niya sa pagsasalita ko. Ngumiti din siya pag tingin saken.

"Ah.. Ok lang. Naiintindihan ko naman Lyra, pero kung may probema ka, please tell me." malambing kong tanong sa kanya.

Hindi ko naman mailarawan ang mukhang nakikita ko kay Lyra, para siyang may gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi.

"Ano Lyra? Tell me...." hinawakan ko ang kanang pisngi at hinaplos ito. "We're sisters right?"

At pagkatapos ay lumingon ito sa kawalan.

"Hey.. Tell me what's wrong. Ayokong nagkakaganyan ka Lyra."

"I'm ok Lex. Kumain na tayo, baka ma-late pa tayo sa klase natin."

"Sigurado ka?" pangungulit ko.

"Yeah." humarap siya sakin at ngumiti ng tipid.

Ganun na din naman ang ginawa ko, pero hindi ako kuntento sa sagot niya. Bahala siya kung ayaw niyang sabihin, basta papasayahin ko nalang sya para kung ano man ung gumugulo sa kanya, mabawasan ko manlang.

Tapos na kami sa pag kain, tumayo na ako.

Bago pa tumayo si Lyra, kinuha ko na ang bag niya at isinabit sa isa kong balikat.

Gulat namang napatingin si Lyra.

"Akin na yan Lex." Agaw nito sa bag niya.

"Nope! Ako ng mag dadala." 

Iniiwas ko naman ang bag niyang pilit nitong inaabot.

"Parang bag lang, kaya ko namang bitbitin yan."

"Right, parang bag lang eh, ipabitbit mo nlang saken."  Ngumiti ako ng nakakaloko with matching pag taas pa ng eyebrows ko ng sabay.

"Bahala ka nga!" Iniwan na ako nito at nauna ng mag lakad.

"Hoy! Hintayin mo naman ako Lyra! Ikaw na nga tong pinagdadala ko!" Habol ko naman sa kanya.

=========================================

Tapos na ang klase at huli kaming lumabas ng room dahil tinawag pa si Lyra ng prof namin. 

Well, valedictorian din ang Lyra ko no! 

"Tara na Lex." yaya sakin ni Lyra matapos siyang kausapin ng prof namin.

Bago pa niya mahawakan ang pinto ay nabuksan ko na ito para sa kanya.

Napatingin lang siya saken at hindi na nag salita. Nginitian ko lang siya ng napakalaki.

Ganun din ng makapunta kami ng kwarto, pinagbuksan ko din siya ng pinto.

"Ang gentlewoman mo ata ah." sabi nito saken.

"Bakit, ayaw mo?"

"Ah.. hindi naman, parang ang awkward lang minsan."

"Sus. Hayaan mo nalang ako kasi gusto ko naman ung ginagawa ko."

"Eh bakit mo ba ginagawa to?"

"Kasi mahal kita....." hindi ko sinasadyang nasabi.

Oh my pinipig crunch!!!!  

bago pa siya nakapag react ay nasundan ko na agad. "....coz' we're sisters!" 

Kinakabog ang dibdib ko. Hindi pwedeng malaman niya, baka magalit siya saken.

"Oh... I see." 

Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing sasabihin ko kay Lyra ung sisters kami, bigla nalang lumulungkot ang mukha niya. Ayaw ba akong kapatid ng impakditang ito? Maganda din naman ako!  Siya kaya nag simula. hmp!

Maghapon ko siyang pinagsisilbihan, wala na naman itong reaction masyado, minsan nga siya na mismo ang nag a-adjust para magawa ko ung gagawin ko.

Ang saya ko maghapon kasi kahit hindi niya alam ung feelings ko e naipaparamdam ko naman sa kanya na may nakaalalay sa kanya sa kahit anong oras.

"Malapit na ung program diba Lyra? Before finals un, right?" tanong ko sakanya habang kumakain na kami ng dinner.

"Yeah." tipid nitong sagot. 

"So busy ka sa araw na yun?"

"Hindi naman, pero sa gabi oo, kasi nasa stage lang ako nun."

"Ah, yeah. Syempre emcee ka, malamang dapat nandun ka lang sa may stage."

Hindi naman ito humaharap sakin at tuloy lang sa pag kain. Tumayo ako at nag excuse dito.

"Wait lang ha. Punta lang akong c.r."

Tumango lang naman ito.

Dahil desidido akong pasiyahin si Lyra, sasali ako. Tutal siya din naman ang pumipilit saken na sumali nung una. 

Hinanap ko agad ung organizer ng program. Nakita ko naman ung kwarto nito. 

Masaya akong bumalik ng table namin. Nakausap ko na ung organizer, at kakanta nalang ako sa program. Marunong din naman akong kumanta at mag gitara, kaya un nalang ang gagawin ko.

Pag balik ko, hindi naman ako pinansin ni Lyra. Umupo nalang ako at inubos nalang ang pagkain ko.

Habang lumalapit yung anniversary ng school, kinakabahan ako. I can't imagine myself na kumakanta sa harapan ni Lyra. Wala, napasubo na ako. Go na to! Love is courage! .... Courage? Meron nga ba ako nun?

Napapailing ako sa pag iisip.

"Ah basta! itutuloy ko to!"

"Anong itutuloy mo?" Bigla namang labas ni Lyra galing c.r.

Nalimutan kong nasa c.r nga lng pala ito.

"Anong itutuloy mo?" tanong ulit nito.

"ah.. eh.. Itutuloy ko na ang pag tulog ko, bitin ako pag gising ko kaninang umaga e."

"Antukin ka naman eh. Sige, goodnight." 

Natulog na nga ako after. Pinanindigan ko na ung sinabi ko.

It's all for you Lyra.. Because I love you.

=======================================

Guys! Gagawa na ako ng another story, pero short story naman. 

Follow niyo din ako. 

Thank you. :*

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon