Part 10

5.3K 174 10
                                    

=======================================

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Nilapitan ko siya, nagulat ito ng makita niya ako sa loob.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong niya. Basang-basa ng luha ang kanyang mukha.

"Doest it matter? Ikaw, anong nangyayari sayo?!"

"Do you even care?" sarcastic na tanong nito.

"Ofcourse I care, ano bang tingin mo sken? I care for you a lot Lyra, more than what you think."

Hindi siya tumingin sa akin, yumuko lang siya at naramdaman ko ang pag iyak nanaman nito.

Lumuhod ako at hinawakan ang baba niya, itinaas ko ang mukha niya at tiningnan siya sa mga mata.

"Alam mo bang may nagsabi saken that I should stop being scared and do what will make me happy, what will make her happy. Taking all the risks means accepting pain, but if i'll get through it, we'll have true happiness."

Nagulat ang mukha niya sa mga sinabi ko. "Sinong nagsabi sayo niyan?"

"A friend, you should meet her next time." at ngumiti ako sa kanya.

Nalungkot nanaman ang mukha niya. 

"Tingin mo ba Lex makakaligtas ako sa tragic accident na yun nang ganun na lang?"

"What do you mean?" 

"That day was the worst day of my life, after ng accident na yun, ginusto kong mamatay, pero hindi ko ginawa dahil ayokong masayang ang sacrifice na ginawa ng parents ko para mabuhay ako sa mundong ito at ang sacrifice niya para mabigyan ako ng isa pang pagkakataon sa mundong ito."

Gumugulo na ang isip ko, ibig sabihin may isa pang kasama sa aksidenteng iyon.

"Nagkaron ako ng kasintahan, sobra ko siyang minahal. Hindi ko man madaling natanggap na sakanya ako nagkagusto, ipinagpasalamat ko naman sa Diyos na siya ang binigay sa akin. Mabait, mapagmahal at responsableng tao siya, kaya hindi naging mahirap na mahalin ko siya ng sobra, i gave her everything, wala ng natira sken. She became my world. Pero nwala din siya saken..... kasabay ng pagkawala ng parents ko. Yes... she was with us, sa Apen din siya nagaaral, dun ko din siya nakilala. Niligawan niya ako kahit kontra ang lahat ng tao... dahil pareho kaming babae, i took all the risks, yun ang pinayo niya sken, tulad ng mga sinabi mo."

What? Babae din ang ex niya? Siya ba ang nagsabi nung mga nabasa ko sa notebook nun ni Lyra? 

"Bago tumaob ung kotse, pinahiga na niya ako sa lap niya at pumatong siya sa ibabaw ko, naipit lang niya ako pero siya at ang parents ko ay naipit ng bubong ng kotse namin na sumadsad sa semento ng highway. Nang dumating ang mga rescuers, wala akong tigil sa pag iyak ng ihilera nila ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko, lifeless. Hindi ko kinaya ang nakita ko at hinimatay ako sa pagiiyak, nagising nalang ako sa hospital. Buhay pa sana siya kung hindi ko siya pinilit na sumabay sa amin." 

"Lyra..God has better plans for you, kung hindi siya sumabay sayo, baka pati ikw wala na din." I don't know how i can comfort her more. She's been through a lot of pain.

Niyakap ko nalang siya ng napakahigpit, gusto kong iparamdam sa kanya na hindi na ulit siya mag iisa.

"This place, this is my happy place. Dito ko sana siya dadalhin, summer kasi nun nung maging kami, promise ko sa kanya sa pasukan ay dadalhin ko siya dito. Pero hindi na nangyari pa. I should've done it when i still had the chance."

"But why did you bring me here if this place was supposedly to be shown for her?" tanong ko. "Dahil you treat me as sister?" dagdag ko pa dito.

"No, because i don't want to make the same mistake again."

Naguguluhan nanaman ako sa mga sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Lyra?"

"I want to do it while i still have the chance. The first time i laid my eyes on you, you remind me of her, not by her looks, or attitude, but something pushes me to you." 

Gusto din ba niya ako??

"Lex, I like you. No, I love you. Ayoko nung una kse natatakot akong maiwan ulit. Maiwan hindi dahil sa aksidente, maiwan dahil hindi mo ako kayang tanggapin. Umiwas ako, para mawala ung nararamdaman ko, but mas lalo lang tumindi lahat ng nararamdaman ko. Then the way looked at me nung kumanta ka, hindi ko kayang mawala ka."

"Seryoso ka ba Lyra? Mahal mo ako?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya na mahal niya ako. I want to hear it again.

"Lex.. You scared the life out me nung kumanta ka, I would die kung mawawala ka sakin. Kaya i'd rather be a friend kesa i-take ko ung risk para malaman kung kaya mo din akong mahalin. Pero dahil sa mga sinabi mo, na-refresh lahat sa utak ko pati mga sinabi niya sken. I want you to know how much I love you Lex."

"You don't know how much you made me happy." 

Sobrang saya ng puso ko, parang sasabog na sa tuwa.

"Ibig sabihin ba nun....." hindi ko na natpos ang sasabihin ko.

"Yes... Lyra, mahal din kita. simula pa lang, i admired you a lot already. Natakot lang ako na mawala ka sakin kaya mas ginusto ko nalang na mahalin ka sa way na hindi mo mahahalatang more than friends ang ibig kong sabihin."

"I knew it! Kaya pala may mga oras na daig mo pa ang lalaki kung umasta. Kahit iniiwasan na kita, wala ka pa ding tigil sa pangungulit sa akin." 

Natuwa naman ako dahil nakita ko na siyang nakangiti habang nagpapaliwanag.

"You know what makes me happy simula ng pumasok ako sa school na ito? Seeing you smile. Lahat ng doubts ko sa mundo, nawala dahil nakilala kita." sabi ko sa kanya.

"I love you so much Lex! Sobra!" Niyakap niya ako ng napakahigpit. Gumanti naman ako ng yakap at mas hinigpitan ko pa.

Holding hands kaming lumabas ng lugar na tinatawag namin ngayong happy place, because it really has become one.

Pagbalik namin ng school, party na sa loob. Nagsasayawan ang mga estudyante kaya nakisayaw na din kami, kasama ang iba pa naming mga kakilala sa school na yun.

Pag balik namin ng kwarto, magkaholding hands pa din kami at wala kaming tigil sa pag tawa.

Sinarado nanamin ang pinto at nahiga. Napagod kami sa pagsasayaw. 

Humiga na ako sa kama ko, tumabi naman sken si Lyra sa pag higa.

Tumagilid siya at humarap sken. Hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko.

"I never thought na mamahalin mo din ako, na kaya ko pa din palang magmahal ng sobra sobra. I'm really happy. I love you." hinalikan niya ako sa noo at sa ilong sabay ngumiti na siya sa akin.

"I love you too Lyra... so much." ngumiti naman ako na abot na ata hanggang tenga sa sobran laki ng ngiti ko.

=========================================

Gagawa pa ako ng isang chapter mamaya kasi may kailangan ng lumabas sa story na ito. :) 

i-post ko din agad bago mag bukas kse wala ako bukas :P 

Mag rate naman kayo or comment manlang. Para malaman ko naman kung gusto niyo talaga story ko or napadaan lang kayo. Salamat.

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon